-Last Chapter-

664 18 6
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------------------

-Last Chapter-

“asaan na ba iyon?”

Langya lang. Kanina pa ako naghahanap. Saan na ba naglakad iyon.

“Uy Mia, anong ginagawa mo diyan? Tulog ka na.”

Sita naman nitong si David, argh. Nakakadagdag siya ng Pressure.

“May nakita ka bang necklace na ang pendant e cross? Nawawala kasi.”

“Yan napapala ng burara.”

Tumingin ako ng matalim sa kanya, at slow motion na binato iyong unan na malapit saakin, pasalamat siya hindi iyong lamp ang binato ko sa kanya.

Nakakainis naman kasi, kung saan matino ang usapan doon naman nagiging tanga ang sagot. Argh. Yung necklace! Kasasabi lang niyang huwag ko iyong iwawala. Shete naiiyak na ako.

“Alalahanin mo kong kailan mo huling nakita iyon. Saan mo nalagay.”

Sabi ni David. Oo nga no, saan ko ba huling nakita iyon. Hmm. Isip.

Sa may BUROL! Oo doon ko lang nakita iyon. Teka, mapuntahan na nga.

“Oy Mia, saan ka pupunta? Gabi na.”

Hindi ko na pinansin pa si David. Nagpatuloy ako sa may kulungan ng mga horse. Kukunin ko si Barney, iyong horse na gamit ko kanina. Buti nalang, nagkaroon ako ng skill para matuto. Pero badtrip, pagdating ko doon, nakita ko iyong keeper nila.

“Ano iyon Iha?”

Sabi niya saakin.

“Ano po, pwede pong pahiram si Barney? May pupuntahan kasi ako ngayon. Importante lang.”

Pakikiusap ko. sana naman pumayag ito.

“nako. Iha, hindi kita mapagbibigyan ngayon, kasi gabi na. Bukas mu nalang puntahan. Maaga ka nalang.”

Uuwi na ako bukas, hindi ba niya naiintindihan? Hindi ako papayag na maiwan iyong necklace nayon dito.

Pero papaano? Kahit anong pilit ko naman dito sa keeper e ayaw niyang pumayag. Kitilin ko kaya ang buhay neto? Syempre Joke ko lang iyon kaya tumawa kayo.

“Kuya, importanteng importante kasi.”

“Bukas nalang Iha. Hindi ko talaga pwedeng payagan na umalis ka.”

Isinasara na niya iyong Horse House( di ko alam tawag doon e.)

Kailangan kong umisip ng paraan.

Isip..

Isip..

AHA!

Kinuha ko ang aking cellphone at kunwari ay may tumatawag saakin buti nalang may fake call ito.

“Helo ate cath? Ah.. oo.. andito ako.. oo.. kailangan ko na talaga pero hindi ako pinayagan.. ano.. kausa..”

“Sige, oh heto susi. Kapag may nangyari sayo labas na ako diyan.”

Ibinigay ni kuya saakin iyong susi. Madali lang palang takutin ang lalaking ito. Ahahaha.

Edi ayon, pumunta ako sa may burol. Isang lampara at kasama si Barney. Hahanapin namin ang kwintas na binigay saakin ni Ex. Oo, Ex minamahal.

Nakarating naman kami doon ng matiwasay. Magaling ako e.  Pagkababa ko, agad ko kagad hinanap iyong kwintas. Hanap hanap. Asan na ba iyon.

Nagdamo ako, hinipuan ko ang buong sahig ng lupa. Wala parin, bibigay na ako pero biglang nawagi ko iyong lampara kaya nagroll ito. Patay, napunta ito sa may bato.

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon