Rule#9 Don’t Get Affected. The way na .. AFFECTED AKO!
Pinatawag ako sa OSA kahapon dahil sa ginawa ko. At wapakels na ako sa mga pinagsasabi nila. Friday na. Hindi na talaga ako pupunta doon, bahala sila sa buhay nila.
“GOOODDDDDDDD MORNING MIA!”
Malakas na bati sa akin ni Bianca, mukhang nasa good mood siya. Buti pa ang babaeng ito.
“Oh.” Maiksi ko namang sagot.
“Ano balita? Namatayan ka yata?” I rolled my eyes to her. Tapos tumabi siya saakin.
“Hindi. Nabigo ako.” Sabi ko naman. Wala akong ganang pahabain ang mga sagot ko. Matipid ako sa words ngayon.
“Nabigo? Sauce! Bata ka pa!” Tinapik tapik niya ako.
“18 na ako! Saan ang bata doon!” Ayoko sa lahat ng sinasabihang bata. I’m not a kid anymore.
“Yong 8.”
“Whadeber.” Sabay buo ng W sa pamamagitan ng aking kamay.
Wala. Boring day. Hindi muna ako pumunta sa opisina dahil sabi nga ni Bianca kailangan kong umiwas. So we decided to bond to each other. Hanggang sa nakita ko si Ash. This is the time na rin siguro na ipakilala ko si Ash kay Bianca.
“Ash!” Tawag ko.
“Hoy! Tigil tigilan mo nga ang pagtawag ng random names.” Biglang pigil sa akin ni Bianca. Sanay kasi siya minsan na kapag bored ako nagtatawag ako ng random names kapag nakakakita ako ng mga tao sa kahit saang sulok. Kahit hindi ko naman kilala.
“Kilala ko siya Bianca. Don’t worry. Halika.” Agad ko s’yang hinila papunta kay Ash na nakatayo lang. Nakabackpack ito at nakalagay ang magbilang kamay sa handles ng bag. Nakatingin sa amin. Emotionless.
“Ash! Ngayon lang kita nakita.” Saad ko. She smile, a little bit.
“Medyo busy ako sa ibang bagay. At hindi na kita ka-block. Mom decided me to enroll in SPA section para daw madevelop ko ang aking skills.” She explained. Kaya pala hindi ko siya nakikita sa block. Napunta na pala siya sa SPA. Ang SPA ay stands for School for Performing Arts dito sa amin. Isa itong special section para sa mga college students na hindi lang gustong matuto sa field na pinili nila.
“By the way, this is Bianca, my best friend. And this is Ash, our new friend.” Pagpapakilala ko sa dalawa. Napangiti si Bianca. Ganoon din si Ash. Hanggang sa napashake hands silang dalawa.
“Tara, canteen tayo. Do you have any class today?” Pagyayaya ni Bianca. Umiling lang si Ash.
“Great.” Masaya niyang pahayag.
At masaya din kaming pumunta ngayon sa canteen. Ang canteen namin ay ang pinakamalaking canteen sa buong siyudad. Pahaba kasi ito. MAraming pwedeng pagkainan. Like KFC, McdO, etc. ewan, kung bakit ganito na lang kayaman ang university namin kahit hindi naman.
BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Novela JuvenilDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...