* Chapter Fourteen ♥

628 18 9
                                    

Chasing Rule

Pagbasa ko agad doon agad kong inalis ang ano mang aparatong nakadikit sa akin. At wala akong pakialam kong naka hospital gown lang ako't nakapaa. Agad akong tumakbo palabas para mahabol iyong lalaking iyon.

Kumaripas ako ng takbo na halos nagulat ang mga nurse na nakakakita sa akin.Pero pinabayaan ko lamang sila at tumakbo papalabas. Pero pagdating ko sa lobby wala akong nakita.

Siya ba? Siya ba iyong nagbibigay sa akin ng rule para iligtas ang puso ko? Bakit? Bakit niya ginagawa iyon? Unknown ako sa kanya. Halos kamuhian niya nga ako noon. Pero bakit niya ako binibigyan noon? Bakit?

Hinihingal akong tumintingin sa paligid umaasang makikita ko pa siya. Pero napahapo na lamang ako sa aking noo ng wala ng pag-asa. Nasa harapan ko na nga, nawala pa.

Kaya umayos na ako ng postura at saka bumalik sa room. Pero pagtalikod ko agad ko siyang nakitang nasa harapan ko na. Nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

Pero instead na magsalita ako, napatingin lang ako sa kanya. Possible bang siya talaga ang nagbigay ng note?

"Mia." Bigla niyang sinabi ang pangalan ko. Doon ako naramdaman ng pagkabog ng aking puso. Natatakot ako.

"Ah, may gusto lang akong tanungin sayo." Napakunot siya ng noo.

"Ano?"

"Ikaw ba ang nagbibigay sa akin nito?" And I present to him the sticky note containing an one-liner phrase.

Napakunot noo siya saka tinignan ang laman ng sticky note.

Hinintay ko siyang sumagot. Please, sabihin mong ikaw! Para mabawasan ang iniisip ko. Please. sabihin mong ikaw, para matanong ko kung bakit mo ito ginagawa sa akin. Please.

"No."

Bumagsak ang balikat ko sa nalaman. Nakatunganga lamang akong nakatingin sa kanya. Nawawalan ng pag-asa. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng kalimutan ang lahat. Magpasagasa na lang kaya ako sa train? Umakyat sa may istasyon ng MRT tapos magpabunggo doon? O 'di kaya magpakamatay together with BIFF and MILF. Ayoko na. Suko na ako.


"Ahm, you run here with your bare feet. Baka mapano ka." He said. Pero hindi ko siya pinansin. I stepped backward. Going back to the corner again, letting my eyes cry. Pero hindi pa lang ako nakakarating sa lugar na iyon, umiiyak na ako.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. Hanggang sa nakaramdam ako ng pag-angat ng aking paa sa sahig. Nagulat ako't naguluhan ngunit nabawi din lamang ang aking katinuang noong narealize kong binuhat ako ni Harley.

Wedding pose carry. Ano ito?

"Harley, ibaba mo ako." Saad ko pero hindi pa rin niya ako pinakinggan. Para siyang walang naririnig sa mga sinasabi ko hanggang sa narating na namin ang kwarto ko. Inilapag niya ako sa may kama ng dahan-dahan. Parang ayaw niya akong masaktan pang muli. After noon ay tumingin muna siya sa akin.

"Anong problema?" Tanong niya ulit sa akin. Ako din, hindi ko rin alam ang problema. Pero isa lang ang alam ko nasa akin ang problema.

Hindi ko namamalayang sa tanong na iyon ay napaiyak ako. Tuloy-tuloy na luha. Ilang araw na ang nakakalipas bumalik na naman ang mahinang ako.

At sa kahinaan ko, nakaramdam ako ng pagsandal sa isang bagay. Ito ay ang yakap ni Harley sa akin. Gusto ko man siyang itaboy pero doon lang ako nakaramdam na kailangan ko ng yakap na ito para maging maayos ako.

"Tama na. H'wag mo ng pahiram ang sarili mo. Wag kang iiyak kahit mahalata mong masaya siya sa piling ng iba. Ni ang malungkot, iwasan mo. Malay mo, hiniling din niyang maging happy ka kahit na alam niyang hindi na pwede kasi wala na siya."

Napatigil ako sa pag-iyak. At hindi ko namamalayang nakayakap na ako sa kanya.

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon