Bianca’s POV
From: 09185xy+4850a5b=?
Message:
Hi bianca. I just met you, and this is crazy! Can I court you? So you will be mine baby?
“Pautang ng lima ina sino to?” Walangya. Sino na naman itong nagtext saakin. Prinivate ko na nga itong number ko marami pang kumukuha. Ano ba naman!
“Bakit Bianca?” Sabi ni Mia, na may uhog pa sa ilong.
“Punasan mo ilong mo.” Ginawa naman niya. Saka ko in-explain sa kanya kong bakit bigla bigla nalang aong nagmura.
“Ah. Si David kumuha number mo.”
Ah, David?! Iyong mukhang bakulaw na iyon!!
“BAKIT MO BINIGAY!”
Tumaas na iyong boses ko. Hindi ba niya alam na naaasar ako sa pagmumukha ng lalaking iyon. Bwisit non, walang hiya. Basta naaasar ako sa kanya.
“Eh kinuha niya sa akin eh, malay ko bang ayaw mo?”
“Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mo! Giving information to others. Nasa saligang batas iyan!” Pagbabanta ko.
Nakita ko naman siyang nagulat. “Oy, di ko naman sadya. Kung gusto mo ipapabura ko sa kanya iyong number mo.” She begged. Pero inirapan ko na lang siya.
Itinapon ko iyong cellphone ko sa loob ng aking bag. Saka bumalik ako sa pagcocomport sa aking kaibigan. Naaawa narin ako sa kanya, sobrang obssess na kasi siya sa lalaking iyon. Iyong Joseph ang pangalan. Hay. Buti nalang ako, wala pang dumadating sa buhay ko para manggulo. Merong isa, iyong asungot na nagtext saakin kanina.
“Anong gagawin ko Bianca? Hindi ko alam kong papaano ko iiwasan si Joseph.”
Patayin ko nalang kaya iyong Joseph na iyon para hindi na magkaganito si Mia. Nalaman ko din na ilang taon narin siyang umaasa sa wala. Dapat na ngang patayin. Sige, bukas iapapablotter ko siya.
“Ganito nalang, umiwas ka. Uh sa way na ‘wag ka munang pumunta sa office niyo. Tapos wag ka naring magtetext at magpapakita sa kanya. Galit iyon sayo, mas maganda na iyon.”
Grabe lang talaga kasi iyong naiisip ng babaeng ito. Lalo na iyong pinainom niya ng exotic na kape iyong syota ng Joseph na iyon.
Ipinaliwanag ko sa kanya, hanggang sa nangako siyang gagawin niya iyon. Pero ang nakakapagtaka ay iyong mga sticky notes na binibigay sa kanya. Sino kaya ang good samaritan na iyon? Bakit kailangan niya pang ilihim ang pagkatao nito?
Hmm. Pero sa totoo lang may libro talaga ang rules na iyon. Ang nakapagtataka. Matagal ko ng itinapon iyon sa malayong lugar. Sino kaya ang nakapulot? At ngayon eh inaapply sa kaibigan ko?
Hindi ko na inisip pa ang problema nitong kaibigan ko. Pagkatapos na pagkatapos ng pagdarama ay sinabihan ko na siyang umuwi para makapagpahinga. Kung kelangan niya ng pagkain o advice eh tawagan niya lang ako. Inadvice ko na ring huwag na muna siyang pumasok. Ako ang gagawa ng excuse letter niya.

BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Teen FictionDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...