Prologue

28.7K 324 8
                                    

2007

Malapit na silang gumradweyt sa college at hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend si Angela.

Last year na nila bilang Bachelor of Science in Accountancy student sa Stanford Umiversity. At parang nawawalan na siya ng pag-asa na magka-boyfriend, tatanda na lamang siguro siyang dalaga sa lagay na ito.

Mabuti pa ang dalawang niyang best friends, sina Sandra at Leni may mga bf na sa ibang department.

Pero ang matagal ko ng pinapangarap talaga, ay ang pinakagwapo sa lahat, si Alex Angelo Stanford. Siya lang naman ang bunsong anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan nila.

Pero paano siya magugustuhan, eh napakapangit niya, hindi naman talaga siya pangit na pangit talaga. Compare sa mga kaibigan niya, ordinaryo lang beauty niya.

Siya si Alexandra Angela Montenegro, ang prinsesa ng Montenegro Shipping Lines. Pero siyempre hindi yan alam ng mga kaibigan niya. At di ba parang kambal lang sila ni Alex? Magkapareho pa talaga ang pangalan namin. Nagkataon lang nga ba o tadhana talaga kami sa isa't-isa kaso hindi naman kami nag-uusap na dalawa.

"Hoy nakatunganga ka na naman diyan",sita sa kaniya ni Sandra. Nasa cafeteria sila ngayon na malapit sa Nautical Department. Nandito kasi ang mga boyfriend nila Leni, puro nautical.

"Hindi ako nakatunganga ano. May iniisip lang ako.",rason niya dito.

"Ano o sino ang iniisip ko aber? Si Mr. PolScie ba?",tudyo sa kaniya. Kakaupo lang nito at narinig ang pinag-usapan nila Sandra.

Inismiran niya ang mga ito at nagpalinga-linga at baka may makarinig.

"Tigilan niyo ako ha?!, hindi naman talaga ako desperada na magkaboyfie, at hindi ko naman talaga siya inaasam dahil hindi kami magkalevel. Pero talaga bang desperada na ang looks ko??",dire-diretsong litanya niya da mga kaibigan. Nagkatinginan na muna ang mga ito, tumango at saka tumaya.

"You need transformation kasi beshy, maganda ka naman talaga. Pero ewan ko sa iyo, parang takot ka magpaparlor.",sabi ni Leni sa kaniya.

Hindi naman talaga siya takot, magpaparlor ayaw lang talaga niya sa parlor. At ayaw niya ng atensyon ng iba, gusto niya kay Alex lang.

"Oo nga naman, mamaya wala naman tayong pasok whole afternoon pumunta tayo sa isang sikat na salon.",saad naman ni Sandra. Naku pag ito pa naman ang magyayan hinding-hindi ka makakahindi talaga. Kundi mag-aaway kayong dalawa.

She just rolled her eyes para magprotesta, pero nanliit na ang mga mata ni Sandra at nagpapahiwatig na ito na she will not take NO for an answer.

"Okay fine, salon it is.",suko na sagot niya sa dalawa. At nagtaas pa siya ng dalawang kamay. Pumalakpak naman ang dalawa sa tuwa na napapayag siya ng mga ito.

Palabas na sila ng canteen ng may makabangga siya, ang kulit kasi ng dalawa eh, nagkalat na ang mga libro niya pati na ang libro ng nakabangga niya.

"Sorry, sorry, hindi ko sinasadya",sabay yuko at pinulot ang nga libro niya.

"It's alright partly may kasalanan din ako.",sabi ng baritonong boses ng lalaki. At napaka-familiar nito talaga sa kaniya. Ng umangat siya ng tingin ay nagtama ang mga mata nila ni Alex Angelo Stanford at naghawak ang kanilang ,ga kamay nga sabay nilang pinulot ang isang libro. Nataranta naman si Angela, at dali-dali ng kinuha ang mga libro niya sabay alis sa harapan nito. Nagtaka tuloy ang lalaki sa inasal niya. Sumunod naman ang 2 niyang kaibigan, lakad-takbo ang ginawa nila makaalis lang agad sa cafeteria.

"Wait lang naman Anj, napakabilis mo naman.",hingal na habol sa kaniya ng dalawang kaibigan. At dali-dali siya pumasok sa library ng makita niya ito.

Umupo siya agad sa pinakamalapit na upuang nakita niya. Hingal din na umupo ang 2 niyang kaibigan na nakabuntot sa kaniya.

"Ang bilis mo talagang babae ka!",hingal na sabi ni Sandra sa kaniya.

Natawa naman siya sa inasta niya kanina, pero at the same time ay kinilig din siya.

"Hay naku, sana grab the opportunity ka na at nagpakilala ka kay Alex not kanina.",singhal naman sa kaniya ni Leni. Biglang nag-shhh ang lahat ng mga edtudyanteng malapit sa kanila, dahil ang ingay-ingay nila.

"Tigilan niyo nga ako, mabuti pa magbasa na lang tayo ng libro.", At inisa-isa niyang buklatin ang mga libro niya ng mapansing may isang libro siya na kakaiba at nawawala ang Practical Accounting 2 niya na libro.

"Shit!",bigla-bigla ay napasigaw siya at natakpan agad ng kamay niya ang kaniyang bibig. Tiningnan na naman siya ng masama ng mga estudyante sa loob ng library.

"Anong problema?",mahina na tanong ng 2 niyang kaibigan.

Itinaas niya ang libro para sa Political Science.

Hinablot naman agad ni Leni ang libro at binuklat ito. Ngumisi naman agad ito nh makita ang hinahanap at iniharap sa kaniya.

"Ito na ang chance mo.",mahinang sabi nito at kinikilig kilig pa ito.

Kinuha niya ang libro sa kaibigan at binasa ang nakasulat.

ALEX STANFORD
BS Political Science
CP# 09191234567

My gosh! May cellphone number ni Alex. Maswerte na ba siya talaga ngayong araw na ito?

"Hoy natulala ka na naman diyan.",mahinang sita sa kaniya ni Leni.

Kinuha niya na lamang ang cellphone niya sa bag at sinave ang number ni Alex. Itetext niya ito mamaya na nagkapalit ang libro nila, kailangan pa naman niya iyon bukas.

"Ready na ako na sasama sa inyo sa salon. Ngayon mismo, baka magbago ang isip ko.",determinadong sabi niya sa 2 niyang kaibigan.

Nagkatinginan ang mga ito, at dali dali na silang tumayo at lumabas ng library.

03/31/2019

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


03/31/2019

#Wattys2019

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon