chapter 7

9.4K 249 3
                                    

Alex POV

Alas dose na at wala at wala pa rin siyang balita kay Angel. Namimiss na niya ito, hindi naman niya mapuntahan dahil marami siyang ginagawa.

May schedule pa siya ng pangangampanya niya mamaya sa Bulacan.

"Senator, ready na po ang lunch niyo. At after po nun diretso na po tayo sa Bulacan.",saad ng campaign manager niya na si Edna.

"Sino ba ang makakasama ko sa Bulacan na mga kaalyado ko?",walang ganang tanong niya dito.

"Si Penelope po at si Senator Hechanova.",sagot nito sa tanong niya.

Mas lalong nawalan siya ng gana ng marinig ang pangalan ni Penelope.

Naglakad na nila patungo sa dining area kung saan sila magla-lunch, habang naglalakad ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Tatawagan niya muna si Angel, para maging masigla naman siya.

Naka apat na ring pa bago sinagot ng babae ang tawag niya.

"Hello, Angel, thank God you answered my call. I really need to hear your voice right now.",para napaka desperado ang boses niya.

"Bakit? What happened?",nasa tono ng babae ang pag-aalala.

"Nothing happened babe, I just missed you. Ang dami ko kasing gagawin these past few days kaya mami-miss talaga kita.",madamdaming sabi niya sa babae. Naramdaman niya na medyo nagulat ito sa sinabi niya. At pati na rin ang campaign manager niya ay nabigla, at mukhang nagtataka ito kung sino ang kausap niya.

"Magiging busy din ako, kaya okay lang.",matipid na sagot ng babae.

"Can we see each other tonight?",hindi nakatiis na tanong niya dito. Gusto niya talaga itong makita mamaya kahit pagod siya sa pangangampanya.

Bukas kasi pupunta na naman siya ng Cebu, the next day sa Davao. Kung pwede nya lang dalhin si Angel, gagawin niya pero tiyak akong hindi rin ito papayag.

Narinig niyang bumuntong hininga ito sa sinabi niya.

"Okay, punta ka na lang mamaya sa condo ko.",sabi nito sa kaniya at nagpaalam na din agad dahil may meeting pa daw ito.

Napatingin si Edna sa kaniya sa mga nagtatanong na tingin.

"What?",naiirita niyang taning dito.

"Wala akong sinasabi Senator, pero ang akin lang huwag mo na munang i-public ang lovelife mo, dahil akala ng lahat na si Penelope ang nililigawan mo.",sabi ni Edna sa kaniya.

"Si Penelope? Nililigawan ko? Hindi naman siguro mangyayari iyon.",depensa niya sa sarili.

"Eh bakit yan ang ibinabalita ni Penelope sa publiko? Kung walang kayo dapat mo ng iclear yan, pero siyempre pagkatapos na ng election. 1 week na lang naman.",anito sa kaniya. Hindi na lamang siya sumagot sa sinabi ni Edna sa kaniya.

------------------

Angela's POV
3:45 pm / NAIA

Nasa waiting area na si Angela, at naghihintay sa paglapag ng eroplano ni Samantha. Kailangan niya maihatid agad si Sam hotel nito, para makapag-ayos pa siya. Medyo excited din siya dahil pupunta mamaya sa condo niya si Alex.

Sa hotel na muna si Samantha mananatili habang pinapagawa ko pa ang katabi kong condo unit, ako din naman ang may-ari nun kaso wala namang gumagamit kaya medyo hindi pa naayos.

Narinig na niya ang announcement na lumapag na nga ang eroplano na sinasakyan ni Samantha.

30 minutes pa siyang naghintay bago niya nakita si Samantha na papalapit sa kaniya, tinext niya ito kanina na nasa waiting area lamang siya umupo.

Nagulat siya sa kasama ni Samantha, hinding-hindi niya talaga ini-expect na kasama ito.

"Kevin?! Why are you here?",gulat na gulat na tanong niya sa boss niya ng nasa harapan niya na ang mga ito.

"That's a very sweet welcoming gesture Xand's.",natatawang saad ni Kevin sa kaniya. At niyakap siya nito, kasunod naman na yumakap sa kaniya si Samantha.

"O halika na, di ba sabi mo may gagawin ka pa mamaya?", At hinila na nga siya ni Samantha at si Kevin naman ang nagdala ng maleta ng babae.

"May pasalubong ba ako?",tanong niya sa kaibigan ng mahimasmasan siya.

Natawa na naman ang mga ito.

"Oo naman, marami, yung mga pinabili mo nandyan na rin.",anang kaibigan niya. Mabuti at alert din ang driver niya kaya paglabas nila ay nakaabang na ito. Kinuha nito ang maleta ng dalawa at inilagay sa likod.

Umupo si Kevin katabi ng driver at sila naman ni Samantha ay nasa likuran.

"So kamusta na? Saan pala kami tutuloy?",tanong ni Kevin sa kaniya ng paandar na ang sasakyan.

"Sa Marriott Hotel na muna kayo mag-stay, pinapaayos ko pa ang isa ko pang condo unit, mabuti na lang talaga 2 ang room ng unit ko.",sabi niya dito.

"So kelan kami lilipat sa condo unit mo?" - Samantha

"Sa makalawa na. Hanggang kailan ka ba dito boss?",tanong niya kay Kevin nakapikit na ang mga mata nito.

"Mga 2 weeks lang naman, kailangan lang natin na magdoble kayod ngayon para may usad tayo.",sabi nito habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Heto ang investigative report ko.",sabay abot kay Kevin.

Binasa niya ito at maiging inaanalisa. Kumunot ang noo niya sa nabasa, at bumaling sa akin.

"So ang mga Hontiveros ang iniimbestigahan mo ngayon?",tanong nito sa kaniya.

"Yes, sila ang direct na may contact kay Smith at kay Chua. Ito ang mga pictues na kuha ko sa kanilang hideout last week.",at ibinigay niya dito ang mga pictures na kuha nina Villaluz at Chua at ang 2 anak ni Villaluz na lalaki.

"Bakit wala si Smith?",tanong nito.

"Hindi pa ito bumabalik sa Pilipinas.",aniya.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng dumating na sila sa hotel. Bumaba na silang 3 at sinalubong agad sila ng bellboy.

Maglalakad na sana papasok ang 2 ng magsalita siya.

"Wait!, kayo na ang pumasok ha? I'm really in a hurry. The room is booked after you two, so viola!",sabi niya sabay pasok sa sasakyan niya para hindi na makaalma ang dalawa.

Habang nasa daan siya ay nag-order na siya sa Kenny Rogers ng pagkain. Masarap kasi ang chicken ng Kenny Rogers kaya ito ang napili niya. Magugustuhan din naman siguro ito ni Alex.

Malapit lang naman ang bahay niya dahil nasa Pasay lang din naman, matatagalan lang dahil sa traffic.

Mga 30 minutes pa bago siya nakarating ng condo niya. Almost 7pm na at wala pa naman si Alex, she assumed na nandito na ito ng mas maaga. Pero mali siya, dahil siguro napaka-busy nitong tao.

5 minutes before 7pm ay dumating naman ang mga inorder niya. Binayaran niya ito at pagkatapos ay inihain na sa mesa. Natatakam na siya sa friedchicken pero hindi na muna niya binawasan.

Hanggang sa nag 7:30pm na at wala pa ring Alex na dumarating. Ayaw niya namang itext ito, dahil baka isipin talaga nito na naghihintay siya.

Naisipan na niya munang maligo at magpalit ng pambahay na damit. Nanlalagkit na rin kasi siya.

Nang sumapit na ang alas 8 ay doon na siya nainis. Pinaghintay talaga siya nito ng 1 oras ha? At wala man lang abiso kung pupunta pa ba o hindi. Sa inis at gutom niya ay kumuha na siya ng isang friedchicken at nilantakan. Bahal siya diyan kung hindi siya makapunta basta busog lang siya.



My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon