chapter 10

10.3K 274 9
                                    

Angela's POV

Matagal ng wala sa bahay niya si Alex, umuwi na muna ito para magpalit ng damit pero siya ay hindi pa rin mapakali.

Dinampot niya ang kaniyang cellphone at     tinawagan si Samantha.

"Is Kevin awake already? I need to talk to him, he's not answering his phone.", Umiral na naman ang pagkamadaldal niya.

Narinig niyang bumuntong hininga ang kausap niya.

"For pete's sake Xandy...ang aga-aga mong mambulabog.",inis na sabi nito sa kaniya.

"Sam,this is urgent, naambush kahapon si Alex sa Bulacan. Villaluz is involve to his ambush.",eksaherada niyang sabi sa kaibigan.

"What?! Wait, I'll go to his room stay on the line.",sabi nito at narinig niya na mabilis pa sa alas kwatro itong tinakbo ang kwarto ni Kevin. Narinig pa niyang nabulyawan ito ni Kevin dahil sa panggigising nito. Kumalma lang si Kevin ng marinig ang sinabi ni Sam.

"Xandy, report now.",mayamaya ay sabi ni Kevin sa kaniya. Nireport nga niya ang mga nangyari base na rin sa sinabi sa kaniya ni Nick.

"I need to be his 24hr body guard without him knowing. Lilipat na ako sa bahay niya bukas, nakapagbigay na ako ng alibi sa kaniya buti na lang kinagat niya.",sabi niya dito.

"Okay, do it. And report to me or to Samantha directly. We need to catch Smith immediately. Masyado na siyang kanser sa lipunan. Bye for now I really need to sleep.",sabi nito at ibinalik na ang phone kay Samantha. Pinatay na rin ni Sam ang tawag niya matapos nitong magpaalam na matutulog na rin muna ito.

Nag-empake na siya ng mga gamit niya. Dalawang maleta ang dadalhin niya, isa sa nga damit niya, ang isa sa mga laruan niya.

Lalabas na sana siya ng bahay ng tumawag ang kuya Collin niya.

"Yes, kuya?",walang ganang saad niya sa kapatid. Naiinis siya dito kasi ang tagal ng bakasyon nila ni Mommy sa Hongkong.

"Nandito na kami sa Pilipinas, kagabi lang. Umuwi ka daw muna sa bahay sabi ni Mommy.",sabi nito sa kaniya.

"Buti naman at umuwi ka na, ikaw na muna bahala sa kompanya, may reports pa akong tatapusin sa isa ko pang trabaho.",aniya dito. Wala itong alam sa pagiging agent niya sa FBI. Ang alam nitong sideline niya ay ang pagsusulat ng novels.

"What?! Eh sabi ni Mom umuwi ka muna sa bahay, dito ka na magsulat.",anito.

"Kuya, I'm in a hurry now okay, hindi pala ako sa condo ko titira for 1 month or 2, ipaparenovate ko kasi eh. Ciao.",mabilis na pinutol na niya ang tawag at lumabas ng tuluyan sa condo niya.

Masusupervise ko pa din naman ang bahay ko dahil may nilagay ako na mga cctv na hindi lingid sa kaalaman ng interior designer ko.

Mag-aalas dose na ng marating ko ang bahay ni Alex. Pinapasok naman ako ng gwardiya dahila nakilala ako ng isa sa nga ito.

Mabuti naman at marami pa ring bodyguards si Alex.

Naabutan niya ito na nagbabasa ng diyaryo sa sala nito. Nabigla pa ito ng dumating siya, ang alam kasi nito ay bukas pa siya lilipat sa bahay nito.

"Angel? I thought....",napatayo itong bigla ng makita siya.

"Sabi kasi ng designer ko maaga pa sila bukas kaya naisipan kong ngayon na lang lumipat.",palusot niya dito. Tinawag niya ang isang body guard niya at si manag Mona para iakyat ang dalawang maleta niya.

"Ah paki-ingatan ang itim na maleta ha? May babasagin kasi diyan. Salamat.",sabi niya sa body guard nito. Tumango naman ito at umakyat na sila ni manang Mona.

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon