chapter 2

13.3K 246 7
                                    

2007

Nasa salon  na silang tatlo at ready na siya sa kaniyang make over.

"Hi Sunny, make my friend beautiful please.",sabi ni Leni sa isang bading na mas maarte pa sa kaniya.

"Okay,pwede na muna kayong mag-shopping at balikan niyo na lang siya after 3 hours.",sabi ng bading sa mga kaibigan niya.

"So pano yan besh, balik na lang kami ha? Don't worry ibibili ka rin namin ng damit.",sabi ni Leni sa kaniya at mabilis na silang umalis ni hindi na nga siya pinasagot ng mga kaibigan niya.

"Ciao.",pahabol ng bakla sa mga kaibigan niya.

Nakangiwi na bumalik ang atensyon niya sa bading.

"Unahin na muna natin ang buhok mo. We will make you a very beautiful princess.",sabi naman ng bading sa kaniya.

At nagsimula na nga siya sa pagkulikot ng  buhok niya. Sabi pa nito na matulog na muna siya. At iyon nga ang ginawa niya, natulog na muna siya para hindi niya makita ang mga pinaggagawa sa kaniya.

After 3 hours ay ginising na siya ng bading at talagang nabigla siya sa transformation niya.

Maski siya ay hindi na niya nakilala ang sarili niya.

"Ako na ba talaga ito?",hinawakan niya ang kaniyang hair pati ang kilay.

"Oo madam, ikaw yan! At ang ganda-ganda mo. Konti lang naman ang ginalaw ko ang kilay mo lang at ang buhok. Tapos konting make up. O di ba bongga!",pagmamalaki ng bading. Proud na proud ito sa gawa niya.

"Besh!",sabay pa ba sigaw ng mga kaibigan niya. Nabigla din ang mga ito sa transformation niya.

"Ang ganda mo,yan dapat mag make up ka na palagi. Timing at binilhan ka rin namin ng make up.",sabi ni Sandra sa kaniya at excited ito na pinakita sa kaniya ang mga pinamili.

Nagbayad na muna siya plus the tip sa bading na nag-ayos sa kaniya at nagpaganda.

"Thank you.",sabi niya sa bading at umalis na silang 3 sa salon nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ganito ang ayos niya pagstraight ang buhok niya.

Tiyak na magugulat ang pamilya niya pag-umuwi siya mamaya.

Napatigil siya ng may nagtext sa kaniya.

Hi Angel, I guess nagkapalit ang books natin. Can we meet up? Kailangan ko kasi yan bukas.

Alex

Muntik na siyang himatayin ng mabasa ang nagtext sa kaniya. Ipinakita niya agad sa mga kaibigan ang text ni Alex.

"Ano ang isasagot ko? OMG, tinawag pa niya akong Angela. Pamilya ko lang at kayo ang tumatawag sa akin nun. OMG! OMG!",kinikilig na sabi niya sa mga kaibigan.

"Ako na kaya magreply.",sabi ni Lani sabay agaw ng cellphone niya.

"Huwag na ako na lang. Baka ano pa sabihin mo sa kaniya eh.",sabi niya rito,sabay agaw ulit ng cellphone niya.

Hi Alex,yeah kailangan ko rin yang book ko bukas eh. Pacnxa na at hindi ko kanina napansin mga pinupulot q.

So can we meet?

Yeah, san ba?

Sa Cafeteria na lg outside campus. Around 6pm.

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon