Angel's POV
Tahimik lamang nagtitinginan sina Alex and Angela. Nasa sala sila ngayon ng bahay ni Alex.
"So, care to tell me the whole story?",basag ni Angela sa katahimikan nilang dalawa. Lumapit si Alex sa kaniya at hinawakan ang nga kamay niya ng nakaluhod.
"Babe, first of all, I'm really, really sorry for what happened 11 years ago. Dapat sinabi ko na agad sa iyo ang plano ng mga ka-frat ko. Totoo yun na dinare nila ako, pero hindi ko ginusto na ikaw yun. Pero nagpapasalamat pa rin ako noon at ikaw ang nakabangga ko, kung hindi, hindi ako nagkalakas ng loob magtapat sa iyo.",madamdaming saad ni Alex kay Angela.
"Pero ex mo ba talaga si Penelope at may nangyari na sa inyo?",malumanay lang na tanong niya sa lalaki.
Napabuga ng marahas si Alex. Parang nahihirapan ito na sagutin siya.
"Hindi ko siya ex noong college days natin, ex ko siya nung kumukuha na ako ng law. Pero 3 months lang kami nun. At masyado lang akong nalasing noon kaya naging kami.",mahinahon na paliwanag nito kay Angela.
"Pero hindi mo ako hinanap.",malungkot na sabi niya dito.
"I swear to God, hinanap kita sa New York after our graduation. Pero mali ata ang ibinigay na address ni Collin.",anito sa kaniya.
"New York? Eh nasa LA ang bahay namin.",natatawa na sabi niya dito.
"LA? Eh sabi ng kuya mo...nak ng putakte....niloko pala ako ni Collin.",halos hindi ito makapaniwala sa narinig.
Alam na nga siguro nito ang nangyari sa kanila ng kapatid niya at ito ang gumanti para kay Angel. Pinahirapan niya talaga ako ng husto, at to think of it, kaibigan niya pa ito hanggang ngayon na para bang walang nangyari. Potek!
Napatawa si Angel sa nabalitaan. Hindi niya akalain na iba ang sinabing address ng kuya niya kay Alex.
"Babe, ipagtatapat ko na ito sa iyo ha? Kasi masyadong mahaba na ang panahon na nasayang. Naaalala mo si Chester nung college, inutusan pala siya ni Penelope na paghiwalayin tayo dahil noon pa man may gusto na sa akin ang babaeng iyon.",paliwanag nito sa kaniya.
Masakit ang nangyari sa kanila noon, walang formal break up, walang pag-uusap basta umalis na lang siyang bigla sa Pilipinas.
"Totoo na nag-usap kami tungkol sa dare , bago pa lang ako sa frat noon at yun ang pinapagawa nila sa akin, pero, God knows na noon pa man simula noong Highschool tayo, gusto na kita. At alam naman yan ni Collin kaso natatakot ako noon, hanggang nabigyan nga ako ng chance. Kaso nasira pa ng dahil lang sa video na yun.",malungkot ulit na paliwanag nito sa kaniya.
Naantig naman ang puso niya sa mga sinabi nito, pero haler! Ayaw niya munang mag risk, baka masaktanna naman siya.
"Well napakinggan ko na ang side mo, makakaalis na siguro ako.",sabi niya dito at akma na siyang aalis ng bigla siyang pinigilan ni Alex at hinalikan siya sa mga labi.
Una ay naging mapusok ito, kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi talaga niya kaya ang lakas nito. At kalaunan ay naging sweet na ang mga halik nito at natatangay na siya. Napaupo siyang muli sa sofa at si Alex naman ay naitukod ang kamay sa sofa. Pero nahirapan na siguro ito napaupo na rin ito sa sofa at kinandong siya. Mapusok na ang bawat galaw nila at ang isang kamay nito ay naglalakbay na sa likod niya, habang ang kamay naman niya ay nakasabunot na sa buhok nito.
Natigil lamang sila ng may nabasag na plato sa bandang kusina nito. Bigla silang nagpahiwalay at inaayos niya ang kaniyang damit, nahiya siya sa mga nangyari kaya mabilis siyang lumabas ng bahay nito at umuwi.
Nasa daan na siya pauwi ng tumawag si Alex. Hindi niya ito sinagot,nahihiya siya.
Hanggang sa makarating na siya ng condo niya ay hindi pa rin niya sinasagot ang tawag nito.Nababaliw na ba siya at nagpadala na naman siya sa mga halik nito? Ano ba ang dapat niyang gawin? I know her family will support Alex as my boyfriend dahil matagal ng sinusuportahan ng Daddy niya ang mga advocacy nito.
Kahit nandun pa siya sa LA noon nababalitaan pa rin niya ang nga nangyayari sa Pilipinas.
Kaya ba niyang tanggapin muli si Alex sa buhay niya? Mayamaya ay nakatanggap na siya ng text message, mula ito kay Alex.
I love you still Angela. And please, please, give me another chance to prove it to you.
Alex
Binasa niya ang mensahe nito. Gusto na talaga niyang bumigay pero hindi pa pwede sa ngayon. May sinumpaan siyang tungkulin, at uunahin na muna niya iyo kaysa sa lovelife niya. Tatapusin niya ang last misyon niya at magreresign na sa trabaho.
__________________
Aligaga naman si Alex sa bahay niya, hindi niya talaga maintindihan si Angela sa mga ikinikilos nito.
Tinutugon niya bawat halik ko pero bakit dumidistansya siya? Bigla namang nag ring ang cellphone niya,si Nick ang tumatawag sa kaniya.
"Bro bakit?",kunot noo niyang bungad sa kaibigan. Minsan lang itong tumatawag, NBI Agent na kasi ang loko kaya medyo busy, pero bawat tawag nito ay mahalaga.
"Bro, nasa bahay ka lang ba ninyo? Kailangan nating mag-usap. Papunta na ako diyan ngayon.",sabi nito sa kaniya.
"Sige bro, hintayin na lang kita. Nasa sala na naman ako eh.",aniya at binaba na ang tawag nito. Ilang minuto lang ang hinintay niya at dumating na nga si Nick.
"Pare halika upo ka dito.",aya niya sa kaibigan.
Seryoso ang mukha nito na tinitigan siya.
"Bro, may balita ako sa iyo. Naaalala mo ba ang isang sindikato na binangga mo noon dahil sa drug traficking?",seryosong tanong nito.
Kumunot ang noo niya, at pinilit inaalala.
"Yeah, yung sa mga Villaluz?",kompirma niya dito. Tumango ito at may iniabot na folder.
"Yan pare basahin mo.",anito.
Real Name: Penelope Hontiveros Villaluz
(Penelope S. Hontiveros)Age : 30
Birthdate : Sept. 18, 1987
Parents: Senior Martin Villaluz
Señora Casandra Sanchez
HontiverosDetails : Only daughter of Senior and Señora Martin Villaluz the ex governor of Cavite. Penelooe has 2 brothers known as Petyr Villaluz, 40 ,PNP Chief of Cavite and Pietro Villaluz, 35, Businessman.
"Totoo ba itong lahat,bro?",hindi makapaniwala na tanong niya sa kaibigan.
"Oo bro, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit Hontiveros ang ginagamit na apelyido ni Penelope,kahit noong college pa tayo.",ani Nick sa kaniya.
"Kung gayon alam ni Penelope ang mga transaction ng ama niya. Nasa partido ko pa naman siya.", Naihilamos ni Alex ang mga kamay niya sa kaniyang mukha. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman.
"Don't worry bro, paiimbestigahan ko pa ng mabuti si Penelope, mabuti ng aware ka sa kaniya. At pababantayan kita sa mga agents ko.",pagbibigay assurance ng kaibigan niya. Nag-inuman na muna sila ng konti bago nagpaalam na si Nick sa kaniya.
Looks can be decieving sometimes, pero may ugali naman talaga si Penelope na hindi maganda. Pero hindi niya akalain na masasangkot siya sa pamilya ni Villaluz.
Umakyat na lamang muna siya sa kaniyang kwarto at nagpahinga. Bukas na lamang niya iisipin ang mga nalaman. At bukas pupuntahan ulit niya niya si Angela para suyuin. Hindi niya hahayaan na mawala na naman ito sa kaniya.
05.30.19
A/N: sori guys medyo natagalan na naman ang update.
BINABASA MO ANG
My Ex-Senator (COMPLETED)
RomanceEx ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming taong hindi kami nagkita, may pag-asa pa ba na magkabalikan kami.