Alex's POV
2 years later
"Sir, for signatures po.",sabi ng sekretarya niya sabay bigay sa kaniya ng folder.
"Thank you Ann, I'll just read it first.", sabi niya sa sekretarya. Tumango naman ito at lumabas na. Napabuntong hininga siya sa dami ng trabaho niya. Gusto na niyang umuwi at matulog. Masyado na siyang subsob sa trabaho at hindi na niya namalayan na mag-aalas siete na ng gabi. Ito na ang routine niya since last year, gusto talaga niyang isubsob sa trabaho ang puso't isip niya.
Nag-aayos na siya ng mga gamit niya ng may tumawag sa kaniyang cellphone. Nakita niya sa screen ang Mommy niya.
"Mom, napatawag ka?",tanonh agad niya sa ina.
"Nak, hindi ka ba pupunta kina Collin? Bisitahin mo naman ang anak mo.", malungkot na sabi ng Mommy niya. Gustong-gusto na niyang makita na ang anak niya, 1 year and 3 months old na ito, at simula ng maipanganak ito thru cesarean ay hindi pa niya itong nakikita ng personal. Sa mga pictures na pinapadala ng Mommy niya lang ito nakikita at kung minsan ay sa malayo.
Bumuntong hininga na muna siya bago sinagot ang ina.
"I'll try to go there tomorrow Mom, sa ngayon masyado lang talaga akong inaasikaso.",sabi niya at nagpaalam na sa ina. Ayaw niyang magtagal pa ang pag-uusap nila baka pilitin siya ng pilitin na pumunta sa mga Montenegro.
Ng nasa parking na siya ay naisipan niyang pumunta sa lugar na gustong-gusto niyang puntahan. Malulungkot man siya na pumunta doon pero kailangan niya ng may makausap.
Ng marating na niya ang lugar na iyon biglang tumulo ang mga luha niya.
"Babe, I wish you were here with me. Ang sakit na nararamdaman ko, hindi pa rin nawawala.",tahimik lamang siyang lumuluha. Ng may dumating, ay agad naman niyang pinahid ang luha niya.
"Good evening po Senator, check ko lang po mga vitals ni Ma'am.",sabi ng nurse na kakapasok pa lang.
Matapos nitong icheck ay lumabas naman agad ito. Tiningnan niya si Angela ng malungkot, parang natutulog lang talaga ito, at gustung-gusto na niyang gisingin. Naalala na naman niya ang mga nangyari.
Flashback
" Babe... babe... please hwag mo akong iwan.", pagsusumamo niya habang hawak-hawak niya ang kamay nito. Nakasakay na sila ngayon sa ambulansya. Iyak siya ng iyak, he don't care if it looks like gay, but damn! He can't control it!
Hanggang sa nakarating na sila sa ospital ay hawak hawak pa rin niya ang kamay ng babae. Ayaw niya na itong bitawan, natatakot siya. Ng nasa Operating Room na sila ay pinigilan na siya ng mga nurse na pumasok. Gusto niyang magmakaawa na papasukin siya pero ayaw talaga nilang pumayag.
Until her Mom and Dad came, and then Collin and Sandra. And my parents. Magkakasunod-sunod sila na dumating and asks me what happened. Pero hindi niya masagot ang mga ito.
"Anak, siguro ay magpagamot ka na din muna. May mga sugat at pasa ka pa.",umiiyak na sabi ng ina niya.
"Sige na Alex, para pagkalabas ni Angela sa operating room malakas ka.", sabi ng Daddy ng babae. Ayaw niya sanang iwanan si Angela, pero ang ama na nito ang nagsabi sa kaniya. Wala din siyang magawa dahil sinamahan na siya ng ina niya sa emergency.
Habang nasa emergency room siya at ginagamot ay lumabas naman ang doctor na gumagamot kay Angela.
"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?", tanong ng doktor ng makalabas.
"Kami po doc, ako ang ina niya.",sagot agad ni Yvone Montenegro sa doktor.
"Kamusta po ang anak namin?", tanong naman ni Ismael Montenegro.
BINABASA MO ANG
My Ex-Senator (COMPLETED)
RomanceEx ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming taong hindi kami nagkita, may pag-asa pa ba na magkabalikan kami.