Seventeen

9.4K 237 7
                                    

Nasa headquarters na sila ng NBI at wala pa rin silang pansinan ni Kevin. Ibinigay na ni Samantha ang location kung nasaan si Alex.

Nakikinig lamang si Angela sa plano ng mga superior niya. Ayaw niyang makialam baka mainis na naman siya.

Dalawang grupo ang binuo, ang grupo ni Kevin at grupo ng isang Lieutenant ng NBI. Syempre dahil tauhan siya ni Kevin ay sa grupo niya sila na assign ni Samantha.

Ang mag-amang Villaluz naman ay nasa interrogation room na at ini-interrogate ni Jonas at team nito.

In exactly 1200 ay aalis na sila para pumunta sa location ng warehouse kung saan nandoon si Alex at Nick. Hindi na siya nakaiwas ng tinawag siya ni Kevin at kinausap.

"Xands I know nagtatampo ka pa, pero you need to understand me, insubordination ang tawag dun Xands.",pagpapaintindi sa kaniya ni Kevin.

"I know and I'm sorry.",mahinahon ng sabi niya. Pagkarinig niya ng insubordination ay kumalma na siya. At totoo naman iyon pero kailangan niya lang talagang maligtas si Alex.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

12:00 nn

Hinang-hina na si Alex dahil sa uhaw at gutom at bugbog ng abnormal na si Pietro. Tinanggal nga nito ang piring niya pero nilagyan naman siya ng busal ang bibig niya.

"Hoy! Senador, buhay ka pa ba?", parang baliw na tumawa pa si Pietro sa kaniya. Tiningnan niya ito ng masakit at dahil nakita nito ang ginawa niya kaya binigwasan siya nito sikmura. Halos himatayin siya sa sakit sa ginawa nito.

"Hindi bagay sa iyo ang umirap Senador. Pasalamat ka at hindi pa bumibigay ng go signal ang Dad ko.",sabi pa nito at tinadyakan naman siya sa paa. Parang pinanggigigilan siya nito. Nakita na niya si Nick, at nakatali naman ito sa isang poste na malayo sa kaniya. Malamang kapatid iyon ni Nick ang nakita ko kahapon.

"Gutom ka na ba? Ha! Magpadala ka nga ng pagkain dito Efren kakain ako.", pang-uuyam na sabi ni Pietro at tumalima naman agad ang tinawag na Efren para kumuha ng tanghalian ni Pietro.

Mayamaya pa ay kumakain na ito at talagang sinasadya na paglawayin ako sa kinakain nito. Nasa kalagitnaan ito ng pagkain ng may sumabog sa labas. Muntik na itong mabilaukan sa narinig.

"Ano yun?! Tingnan mo nga doon Efren. Alerto kayo. Kalagan niyo ito at hawakan pati na ang isang yun! Bilis! ",turo niya kay Alex at Nick. Agad namang kumilos ang mga tauhan nito at pumuwesto na.

Nakarinig na naman sila ng isang pagsabog, this time ay sa likurang bahagi na ng warehouse.

" Shit!", dinig niyang sabi ni Pietro. Hinila siya nito at dinala sa tagong lugar. Sumunod sa kanila ang 2 tauhan nito. Sunod-sunod naman na putok ng baril ang kasunod ng pagsabog. Hindi na matukoy kung saan galing, kung sa labas ba o sa loob dahil masyado ng maingay.

Mayamaya pa ay nahinto ang putukan. Nakakubli lang sila sa isang madilim na lugar pati na ang ibang mga tauhan ni Pietro.

Kitang-kita niya sina Lieutenant Henry Gomez at 3 tauhan nito at ang boss ni Angela na si Kevin. Pero hindi mahagilap ng mga mata niya ang babae.

Apat lang ang naunang pumasok sa warehouse, malamang nasa labas pa ang iba. Mabilis naman na sumugod ang ibang tauhan ni Pietro at nakipag-bunong braso ang mga ito. Mabilis kasi na tumilapon ang mga baril ng mga taga-NBI.

Ang ibang mga tauhan ni Pietro ay dahan-dahan namang lumabas para naman salubungin ang iba pang mga sumugod na mga NBI.

Angela's POV

Hindi nila alam na sa likod kami dumaan kasama ko sina Samantha at 3 tauhan ng NBI. Pina-stand by ko na muna ang mga tauhan ni Alex dahil baka masita na naman ako ni Kevin. Lalo na at official itong ginagawang pagsagip kay Alex.

Nakita niya agad si Alex na hawak-hawak ni Pietro. Dahan-dahan silang lumapit ni Samantha sa kinaroroonan nito, pero maagap ang tauhan nito at pinaputukan sila.

Nagpalitan ng putukan ang grupo niya at grupo ni Pietro hanggang sa maubusan ang mga ito ng bala. Pumaikot sila ni Sam sa kanang bahagi ng warehouse at sa kabila naman ang 3 taga-NBI.

Nakita ng 2 tauhan ni Pietro ang mga ito at sinundan ang 3 taga-NBI at nakipagsuntukan na lamang dahil naubusan na nga ng bala ang mga ito.

Si Samantha naman ay nakita si Nick na nakapiring at nakahandusay sa sahig kaya agad niya itong nilapitan at kinalagan.

Siya naman ang sumugod kay Pietro.Nakita naman agad siya nito kaya itinapon muna nito si Alex sa sahig bago niya ako hinarap.

Susuntukin niya sana ako, pero mabilis naman akong nakailag. Nakakita ito ng dos por dos at akmang ihahambalos naman sa akin, pero nakaiwas pa rin ako.

Tinadyakan ko siya sa paa, at nabitawan niya ang hawak niyang dos por dos. Mabilis ko namang kinuha ang kahoy, at hahambalusin na sana si Pietro ng may narinig akong putok ng baril, at isang iglap lang ay may naramdaman akong umaagos na mainit na likido sa bandang tiyan ko. Tiningnan ko muna si Alex na halos maputol ang mgga litid nito sa kasisigaw, pero hindi ko masyadong marinig at maintindihan dahil may busal ito.

Narinig ko ring may pumutok pa, sunod-sunod,pero hindi na sa akin tumama kundi sa bumaril sa akin.

Nakita ko si Kevin ang nagpaputok nun at sa kamukhang-kamukha ni Nick. Headshot ang tama nito kaya alam niyang patay na ito.

Unti-unting nanghina ang katawan ko at nawalan na ako ng malay.

Kevin's POV

Mabilis ang kilos niya ng makitang pinaputukan ng lalakisi Angela. Wala ng pagdadalawang isip na binaril niya ito sa ulo. Nakita niyang unti-unting nawalan ng malay ang babae.

Nilapitan niya muna si Senator Alex at kinalagan bago sabay nilang pinuntahan ang wala ng malay na babae.

"Babe.. babe...gising!",nakita niyang umiiyak na ang senador at kandong nito si Angela. Gusto niya mang lapitan ang babae pero wala naman siyang magawa, dahil nasa piling na ito ng lalaking mahal nito.

"Bravo team, this is Alpha, send medics inside the warehouse, hurry!", radyo niya sa mga ito. Ilang minuto lang ay pumasok na ang isang ambulansya at nagmamadaling isinakay si Angela at si Senator.

Nahuli na rin sa wakas ang mga Villaluz. At halos lahat ng tauhan nito ay napatay sa engkwentro. Wala na silang maitatanggi dahil sa malaki ang ebidensya na hawak nila at si Penelope Hontiveros Villaluz ay tumestigo rin laban sa 2 kapatid niya at sa ama.

Ang malungkot lang din ay may iba silang mga kasama na nasawi rin sa rescue mission nila.

Nakakalungkot lamang isipin na dahil sa mga masasamang tao, may mga mabubuti ring nadadamay.

"Okay ka lang boss?", tanong sa kaniya ni Samantha.

"Yeah, I'm alright! Let's go.",aya na nito kay Sam at gusto na rin niyang magpahinga.

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

02/13/2020

A/N: Salamat sa inyong pagtangkilik mga readers sa My Ex-Senator. Maluha-luha ako kasi talagang this is it na. Sa wakas natapos ko na rin. 😭😭😭😭😭

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon