2019
Napili na ang mga senador na linya sa administrasyon. Sila ang mga napili rin ng taumbayan, ayon sa SWS ay may matataas na ratings. Sila ang mga sumusunod:
1. Stanford, Alex Angelo 95%
2. Cojuangco, Romie 85%
3. Hechanova, Leomel 84.8%
4. Guevara, Socrates (Soc) 82.1%
5. Jimenez, Gin 79%
6. Gatchalian, Susan May 76.4%
7. Hontiveros, Penelope 75.3%
8. Besañez, Nonat 74.7%Nangunguna pa rin sa listahan ang batang-bata at pinakagwapo at pinakamaraming aktibidad na Senador. Gulat din ang mga nasa business world ng malaman na tatakbo bilang senadora si Penelope Hontiveros,anak ng isa sa mga business tycoon ng bansa na si Jaime Hontiveros. Usap-usapan na si Penelope Hontiveros ang dating nobya ni Senador Stanford noong college days pa nito, dahil sa iisang paaralan lamang sila gumradweyt.
Pinatay ni Angela ang tv at inihagis ang remote control. Kay aga-agang pambubwisit agad ang mababalitaan niya.
Actually wala naman siya talagang hilig sa Politics at wala siyang pakialam sa mga buhay ng mga senador na yan.
Pero......
Biglang tununig ang cellphone niya at nakita ang pangalan ni Sandra.
"Besh, nakita mo ba ang balita? Grabe talaga yang ex bf mo. Number 1 pa rin kahit 2nd term pa lang niya.",dire-diretso ang pagsabi ng kaibigan niya at walang preno.
Napabuntong hininga siya sa sinabi ng kaibigan. At hindi na naman ako titigilan ng mga ito.
"Besh,magpakita kana kasi kay senador, at magpa interview ka na ikaw ang ex niya. Hay naku, kahit kailan epal talaga yang Penelope na yan. Ni hindi nga siya pinapansin noon ni Alex.",eto na naman ang kaibigan niya sa walang prenong bunganga nito.
"Besh,mag-aayos na muna ako ha, may meeting pa ako by 10am.",sabi niya kay Sandra at ini-off ang phone. Ayaw na muna niya ng bad vibes.
Naligo na lamang siya para maka-early siya sa opisina. Wala pa naman ngayon ang daddy niya at siya ngayon ang acting CEO kahit hindi naman sana dapat kaso ang Presidente ng kompanya nila na kuya niya ay sumama sa Mommy niya muna sa Hongkong.
After an hour ay nasa office na siya ng daddy niya, at tambak na ang mga pipirmahan niya.
Kumunit ang noo niya habang binabasa ang isang foundation na humihingi ng tulong sa kanilang kompanya.
At nakapirma doon ang pangalan ni senador Alex Angelo Stanford.
Binasa niya itong muli, humihingi sila ng financial assistance para sa mga cancer patients.
Well i don't care about his foundation so i wont sign this request. He's rich, why asked help for others. He is so full of himself to asked for help,i wonder why?
Tinawag niya ang sekretarya niya para papasukin sa office niya.
"Yes ma'am?",anito.
"I don't want to sign these papers. Please return this to them.",sabi niya sa sekretarya ng Daddy niya.
BINABASA MO ANG
My Ex-Senator (COMPLETED)
RomanceEx ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming taong hindi kami nagkita, may pag-asa pa ba na magkabalikan kami.