Alex's POV
Maaga siyang nagising dahil sa hindi rin siya mapakali sa nalaman niya kagabi. Alas siyete pa lamang ng umaga at wala na naman siyang campaign ngayon dahil eleksyon na sa susunod na mga araw, kaya buong araw silang magkasama mamaya ni Angela.
Mamaya daw ipapaliwanag nito sa kaniya ang lahat, pero may ideya na din naman siya kahit papaano.
Mabilis na siyang naligo at nagbihis at pumunta na agad sa opisina niya sa bahay.
Tinawagan niya ang kaibigang si Nick.
"Nick, what's the update?"dire-diretso niyang tanong dito.
"What the...Alex? It's still early to get an update, don't you think?",sarkastikong sagot nito sa kaniya. Narinig niya na humihikab pa ito.
"Shut up Sanchez! Marami ka pang ipapaliwanag sa akin! Pumunta ka dito agad sa bahay ko.",galit na sabi niya dito at pinutol na niya ang tawag.
Nabasa niya sa internet ang pagkadakip ng NBI kay Petyr Hontiveros. Nasa custody na ngayon ito ng NBI, at si Nick ang nagha-handle ng kaso nito.
Malamang na may kinalaman din ang mga Villaluz na ito sa pag-ambush sa akin noong mga nakaraang araw.
Malalaman ko mamaya ito kay Nick pag dumating na siya. Samantalang aayusin na muna niya ang mga papeles na kailangan pa niyang pirmahan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nick's POV
"Lintek na! Nabuking na ba si Angela? Kay aga aga pang nambulabog 'tong senador na 'to.",bumangon na siya at nag-ayos ng sarili, dito na pala siya sa opisina niya natulog.
Doon na lamang siya mag-aagahan sa bahay ni Alex. Kinuha niya ang isang folder at usb para ipakita niya sa senador.
Nasa pintuan na siya ni Alex, parang nagdadalawang isip pa siya na pumasok, mabilis lang naman ang biyahe niya patungo sa bahay nito, pero sana pala ay binagalan niya ng kaunti.
Nakita niya ang kasambahay ni Alex na papunta sa kaniya.
"Sir pinapapunta na po kayo ni sir Alex sa opisina niya.",sabi ng kasambahay at umalis na din ito. Ni hindi na nito hinintay ang sagot niya.
Napagdesisyunan na niyang harapin si Alex, at mabilis na tinungo ang opisina nito.
Kumatok muna siya bago pumasok, nakita niyang nakaupo ito at nasa harapan ito ng laptop at may binabasa na kung ano.
"Tol, ang aga mong mambulabog ah.",sabi niya at sinabayan ng tawa. Tinapunan siya ng matiim na tingin mula rito.
"Sitdown asshole!",sabi nito sa kaniya at ramdam niya na parang susuntukin siya talaga ng senador.
"Opps, ang init ng ulo natin ah, heto baka mapalamig ang ulo mo.",sabay patong niya ng dala-dalang folder at usb.
Tiningnan siya muli ni Alex ng masakit bago binuklat ang folder. Magkahalong galit at inis ang nakikita niya sa mga mata nito. Parang gusto na nitong kainin ng buhay ang mga tao na nasa folder. Lalo na at alam na nito kung sino ang may pasimuno ng pag-ambush dito.
"Gawin niyo ang lahat para madakip na ang pamilyang ito. They are hazardous to the country. Dapat itong buwan na ito ay may improvement na.",galit na sabi ni Alex sa kaniya. Tumango na lamang siya at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
My Ex-Senator (COMPLETED)
RomanceEx ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming taong hindi kami nagkita, may pag-asa pa ba na magkabalikan kami.