chapter 12

8.8K 213 5
                                    

Maingat na pumasok si Angel sa bahay ni Alex. Wala naman ang lalaki ngayon pero  ayaw niyang magising ang nga katulong nito. Nasa kalagitnaan na siya at malapit na sa hagdan ng may naulinigan siya na nakaupo sa pang-isahang upuan sa sala. Laking gulat niya ng pina-ilaw nito ang lampshade.

"A-a-alex? Akala ko nasa Bacolod ka pa?",nauutal na sabi niya sa lalaki.

"At bakit parang gulat na gulat ka, Angel?",galit at nagdududa na tanong nito sa kaniya. Pinatay nito ang lampshade at sinaklit siya sa braso at kinaladkad paakyat sa kwarto nito. Gusto niyang magpumiglas hindi dahil sa takot siya dito kundi dahil masakit ang braso niya.

Ng marating nila ang 2nd floor ay pumasok agad sila sa kwarto nito at ini-lock ang pinto.

"I can explain this okay, please don't get mad at me.",sabi niya ng salyahin siya nito sa kama. Masakit ang sugat niya dahil ito mismo ang hinawakan ng mahigpit ng lalaki kanina. Nakita niya na dumugo ang benda na nakapalibot sa sugat niya.

"Then start explaining to me, bago ko pa mabugbog si Nick para kompirmahin na totoo ang lahat ng nakita at hinala ko!!",sigaw nito sa kaniya.

Nakita din nito ang sugat niya kaya sa sobrang inis ay naihilamos nito ang kamay sa mga mukha nito.

"Nakita? What do you mean?",naguguluhan na sabi niya. Hindi niya ito maintidihan, nandoon ba siya kanina sa operasyon namin? Pero imposible iyon.

"I saw your room, open ang dalawang computer mo na kita ang buong kabahayan pati kwarto ko, at first akala ko tauhan ka ni Villaluz, pero imposible yun, and then I searched your room, I saw your black suitcase full of gadgets, and I saw all the files of Villaluz and Benjamin Smith. So I suspected you as one of the FBI, I heard that Samantha called you Xands the last time they were here. I figure it out she called you with your 2nd name.",mahabang paliwanag nito sa kaniya.

Shit nakalimutan ko bang i-lock ang room ko kanina? Darn it!

Malalim na napabuntong hininga siya at tumitig ng matiim kay Alex. Nilapitan niya ito at hinalikan sa nga labi. Hindi niya maintindihan ang sarili matapos nitong mabuking siya, she really wanted to kiss him and hug him and be by his side while explaining the details one by one.

"I'm sorry kung tinago ko ito sa iyo, ayaw lang kitang mapahamak. Masyadong delikado ang trabaho ko, ayaw kong malagay sa alanganin ang buhay mo",mahinang sabi niya at yumakap siya dito. Mahina itong napabuntong hininga at niyakap din siya.

"Can you quit your job after ng misyon mo?",tanong nito sa kaniya. Napakalas siya sa yakap nito at napaupong muli sa kama.

"Can you quit being a senator after the election then?",balik tanong niya dito. Napahalukipkip siya at tinitigan itong mabuti.

Napalalim ang buntong hininga ito, at napaupo sa tabi niya.

"Look, I know you love what you are doing, helping other people and stuffs but I also love my work, although mahirap siya dahil sinasabay ko pa sa company ni Daddy, but don't worry I can manage.",paninigurado na sabi niya dito at hinawakan ang kamay niya.

"Paano akong hindi mag-aalala eh ngayon nga may sugat ka na.",malungkot na sabi nito sa kaniya. At hinawakan nito ng maingat ang sugat niya.

Hays kung alam lang nito na sobra pa ang  bugbog at sugat ang napapala niya noon sa mga misyon niya sa Amerika.

"Hwag ka na kasing mag-alala, mabuti pa magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat bukas, at magpapahinga na din ako sa kwarto ko,okay?",mabilis siyag humalik sa pisngi nito at tinakbo na ang pintuan nito para makalabas na agad siya ng kwarto. At para hindi na rin makaangal pa ang lalaki.

Pagkapasok siya sa kwarto niya ay tinungo agad niya ang banyo dahil lagkit na lagkit na siya, at para makapagpahinga na din siya.

-------------------------------------------

Nick's POV

Nasa interrogation room na si Petyr Villaluz. Wala itong kawala at piyansa dahil malakas ang ebidensiya na nakuha ng NBI.

"Ano nagsalita na ba?",tanong ni Nick sa mga tauhan niya. Umiling ang mga ito at napatungo ang tingin sa loob ng interrogation room.

Nakaupo ngayon doon si Petyr Hontiveros at ang abogado nito. Nag-uusap ang mga ito sa mga nangyari. Sisiguraduhin nila na may mapipiga sila sa Hontiveros na ito, hindi pwedeng makawala pa ito dahil malakas ang ebidensya nila.

"Ako ang papasok mamaya,kapkapan niyo ang abogado niya bago umalis at siyasatin ang mga nasa bag nito baka may pasimpleng ibinigay kay Hontiveros!",utos niya sa dalawang tauhan.

Makalipas ang 15minutes ay natapos na ang pag-uusap nila. Sinunod naman ng 2 tauhan niya ang utos niya kanina at ang 2 naman ay naiwan sa viewing room nila.

Pumasok na siya sa interrogation room at nakita niya ang pagngisi ni Petyr Hontiveros.

"Kamusta ka na Hontiveros?", ngumisi din siya at umupo sa harap nito.

"Pakawalan niyo na ako Sanchez, wala kayong mapapala sa akin. Hindi ako involve sa inaakusa niyo.",confident na sabi nito sa kaniya.

"Really? At sino naman kaya ang taong kamukha mo sa video na nasa amin? Anino mo?",sarkastikong tanong niya dito. Doon na nawala ang ngiti nito at tumalim ang tingin sa kaniya.

"Oras na makalabas ako dito, ikaw ang una-una kong papatayin, Tandaan mo yan, gago!",nanggagalaiti na ito sa kaniya. Napatawa siya sa reaksyon nito, tumayo na rin siya at lumabas ng kwarto. Wala na siyang mahihita dito, halata naman na kabado na ito.

Ng makalabas siya ay tinawagan niya agad si Angela. Kailangan niya itong kumustahin, mukhang nadaplisan ito kanina, baka makahalata pa si Senator sa nangyari sa kaniya.

Nakatatlong ring pa bago nasagot ng babae ang tawag niya.

"Goodwork Angela.",bungad niya dito. Narinig niya ang malulutong na pagmura nito. Ng sinipat niya ang kaniyang relo ay ay madaling araw na pala.

"Leche ka! Alam mo ba kung anong oras pa lang?",sabi nito sa kaniya.

Napatawa siya sa sinabi nito, kung hindi niya ito gaanong kilala ay magtataka siya sa pagmumura nito, pero isang taon na rin niya itong kilala mula ng dumating yan muli dito galing sa America.

"Sige magpahinga kana lang muna. Mamaya na tayo mag-usap.",at mabilis na pinutol na niya ang tawag.

Napapailing na lamang siya at tinungo na ang opisina niya para doon na muna magpahinga.

~~~~~~~~~~~~~~

November, 2019

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon