A/N:
Sisikapin ko na matapos na talaga ito. Sobrang natagalan na ang story nila Alex at Angela. ☺️☺️☺️
Sa mga silent readers, just keep on reading. Salamat. 💋💋💋
××××××××××××××××××××××××××××××××
4:30 am
Pagkagising ni Angela ay madaling araw na, dagli niyang hinanap ang cellphone niya baka may update na sa search warrant at travel ban ng mga Villaluz. Nakita niya agad ang tatlong missed call mula kay Jonas ang assistant ni Nick.
Dagli niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Jonas.
"Jonas, tumawag ka...? ", tanong niya agad dito.
"Yes Ma'am, papunta na kami sa bahay ng mga Villaluz ngayon. Nakuha ko na ngayon-ngayon lang ang warrant at travel ban. ",sagot nito sa kaniya. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay pinutol na agad niya ang tawag.
She sighed with a relief, pero hindi pa rin nakikita hanggang ngayon si Alex. It's almost 24 hours now, malamang marami ng ginawa ang mga hunghang na iyon kay Alex and Nick.
Naligo na muna siya bago lumabas at bumaba kung saan naroon pa rin sina Samantha at mga tauhan ni Alex.
"Anong balita Sam?", tanong niya agad kay Samantha ng marating niya ang sala.
"Mahina ang signal ng tracking device Xands. Pero lalawakan ko pa ang boundaries ko. Just give me an hour."sagot nito sa kaniya.
"An hour is too long Sam, make it 30 minutes.",utos niya dito. Hindi na siguro nila mahihintay si Kevin. Jonas and his team is on his way to Villaluz's house.
"Roger, naka-stand by pa ba ang mga tauhan mo sa bahay nila Villaluz?", baling naman niya sa head security ni Alex.
"Yes Ma'am, dineploy ko na sila agad pagkatapos ng meeting natin kahapon.",sagot naman nito.
"Good, hintayin natin ang tawag ni Jonas. By hook or by crook kailangang makuha natin ang matandang Villaluz.",matiim na sabi niya sa mga ito. Napatango na lamang ang mga ito at bumalik na sa pwesto.
Mga ilang minuto paang hinintay nila ng tumawag si Jonas sa kaniya.
" Ma'am, hindi namin naabutan sina Martin Villaluz sa bahay nila. Kasama daw nito ang anak na si Penelope, pero sabi ng isang maid kaaalis lang daw ng makarating kami.",imporma ni Jonas sa kaniya. Nagpasalamat lang siya dito at tinawag si Roger.
"Inform your team na on the way na si Martin Villaluz sa inaabangan nilang daan. Sa warehouse na tayo magkita.",sabi niya dito at tinawag na si Samantha para umalis na sila papuntang warehouse, kung saan nila dadalhin ang mag-amang Villaluz. Makalipas ang isang oras at kalahati ay narating na din nila ang abandonadong warehouse na pinahanap niya kay Roger kahapon. Mabuti at may mga koneksyon din ito kaya mabilis silang nakakita ng warehouse.
6:00 am
Pagkadating nila doon ay nakita na niya ang mga tauhan ni Alex na nandoon na at naghihintay sa kaniyang pagdating at naroon din sa gitna ang mag-amang Villaluz, nakaupo sa silya, nakatali at nakapiring.
"Kanina pa kayo nandito?", tanong ni Roger sa mga tauhan.
"Mga 30 minutes pa lang sir. Mabuti at nahuli naman agad namin itong matanda. Nagkabarilan pa, may mga kasama kami na nasugatan.",report ng tauhan ni Roger dito.
"Nagsalita na ba?",tanong naman niya.
"Hindi pa po Ma'am.",sabi nito. Sinenyasan niya ang tauhan nabigyan siya ng kutsilyo. Mabilis naman itong tumalima at binigay ang army knife sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Ex-Senator (COMPLETED)
RomanceEx ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming taong hindi kami nagkita, may pag-asa pa ba na magkabalikan kami.