chapter 9

9.2K 217 4
                                    

Mag-aala onse na ng makarinig si Angela ng doorbell sa unit niya. Kumunot ang noo niya kung sino pa ang nang-iistorbong ito. Bumangon na siya sa kaniyang kama at kinuha ang roba. Baka sina Sam at Kevin ito at may importanteng nangyari. Pero teka, hindi naman alam ng mga ito ang bahay niya.

Tinungo na lamang niya ang pinto at tiningnan sa peephole kung sino ang nasa labas. Nabigla siya ng makita si Alex, at kasama ang mga SPG nito.

Dali-dali niyang binuksan ang pintuan niya.

"Alex....?",biglang tanong niya dito ng mabuksan na niya ang pinto, agad naman siyang niyakap ni Alex ng mahigpit.

Nakita niyang ngumiti ang mga kasama nitong SPG. Nailang naman siya kaya kumalas siya sa pagkakayakap nito.

"A-anong nangyari?",takang tanong niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang dugo sa polo niya.

"Mamaya na ako magpapaliliwanag, pwede mo ba akong papasukin?",sabi nito sa kaniya.

Nilakihan niya ang hukas ng pinto at pumasok na nga si Alex.

"Magbantay na lang kayo dito sa labas.",uto niya sa mga ito at tuluyan ng pumasok sa unit niya. Pinaupo niya ito sa sofa.

"May nangyari ba?",tanong ulit niya ng makaupo na sila. Nakita niyang pagod na pagod ito at ipinikit pa ang mga mata nito pagkaupong-pagkaupo nito.

"Wala naman, pagod lang ako galing sa Bulacan."pangsisinungaling nito sa kaniya.

"Eh anong nangyari dyan sa balikat mo?",tanong ulit niya.

"Wala lang ito, nadulas lang ako.",pagsisinungaling pa rin nito at nakapikit pa rin ang mga mata nito na nakasandal sa sofa.

Bumuntong hininga na lamang siya at tumayo.

"Alam kong hindi ka pa nakakain kaya iinitin ko na muna ang ulam at kumain ka.",sabi niya at pumunta na ng kusina. Iniwan na muna niya ito sa sala, dahil mukhang gusto na talaga nitong matulog.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng roba at tinawagan ang kontak niya sa NBI.

"Nick, may nangyari ba sa Bulacan kanina?",dire-diretsong tanong niya dito. Naramdaman niya ang pagkabigla nito.

"Paano mo nalaman?",balik tanong nito.

"Anong nangyari?, baka may kinalaman ito sa kaso ko.",palusot na sabi niya dito.

"Ahhh...meron ngang kinalaman sa kaso mo. Ang target nila ngayon ay si senador Alex Stanford, pinaiimbestigahan na naman ngayon kasi ni senador ang mga Villaluz.",walang malisya na explain nito sa kaniya. Napahinto naman siya sa kaniyang ginagawa dahil sa narinig.

Kung ganun nasa pananganib ang buhay ni Alex ngayon. Kailangan niya itong protektahan dahil involve na ito sa kaso niya.

"At inambush ang sinasakyan ni senador kaninang alas 4 ng hapon galing siya sa pangangampanya niya sa Bulacan at pauwi na sana ito.",dugtong pa nito na kwento sa kaniya. Tama ang hinala niya, sugat nga mula sa baril ang nasa balikat nito.

"Sige Nick, gusto mo ba ng tulong ko? Ako na ang bahala na magbantay sa senador.",walang pakundangang sabi niya dito.

"Sige ikaw na ang iaasign ko sa kaniya, iemail ko na lang mamaya sa iyo ang details niya.",sabi nito sa akin at nagpaalam na rin ito dahil may gagawin pa daw.

Napabuntong hininga siya sa mga nalaman. Hindi niya akalain na malalagay sa panganib ang buhay ni Alex. Pero dapat iniexpect na niya na kapag nasa pulitika, may mga ganito talagang eksena.

Kawawa naman si Alex, sisiguraduhin niya na ligtas palagi si ito, at hindi na mangyayari ang mga ganitong pangyayari sa hinaharap.

Matapos niyang initin ang pagkain ay pumunta na siya ng sala para gisingin ang lalaki, pero naabutan na niya itong mahimbing ang tulog.

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon