chapter 11

9.1K 217 4
                                    

Lumipas ang isang buwan na nasa bahay pa rin siya ni Alex, at monitored pa rin niya ang buong bahay nito kahit nasa opisina siya.

Wala namang kahina-hinala sa mga current na mga bodyguards nito. Medyo busy na rin ngayon ang lalaki sa pangangampanya dahil malapit na ang election.

Siya naman ay busy tuwing gabi sa pagmamanman sa mga Villaluz, kasama niya si Samantha. Nalaman na nila ang kuta ng mga ito at hindi pa nila nakikita si Smith.

"Sniper, ano na ang vision mo?",tanong niya sa kaibigang si Samantha gamit ang radyo nila. Sniper ang call sign nito at siya naman ay si Venom. Nasa kabilang puno ito sa may bandang likuran ng area, siya naman ay sa may gilid at nagtatago din sa itaas ng puno.

"Nakita ko ang instik at si Petyr Villaluz na pumasok. Hindi pa sila lumalabas sa building.",ani Sniper sa kaniya.

"May papasok na panel van. Mukhang positive nga na may iiexport ngayon na mga babae.",sabi niya dito.

"Shit ang dami. Hinihilira na nila isa-isa.",sabi ni Sniper sa kaniya, malapit-lapit kasi ang area nito kesa sa kaniya. Dinig niya na kinukunan na ng litrato ni Sniper para sa kanilang ebidensiya.

"Kailangan na nating mapigilan ito, Snipe.",inis na sabi niya.

"No! Tumawag ka sa NBI na kaibigan mo, wala tayo sa pwesto para dakpin sila.",agad na tutol sa kaniya ni Sniper.

Doon na niya napagtanto na hindi pala jurisdiction ang Pilipinas. Nakalimot siya sandali doon dahil sa inis sa nakikita niya, agad naman niyang hinugot ang cellphone at tinawagan si Nick.

"Nick, may tip ako sa iyo positive 'to. Kailangan namin agad ng back up.",agad na bungad niya sa tinawagan. At madali ring pinatay ang tawag.

Tinext niya agad dito ang area nila. Nasa isang liblib na lugar sila ngayon sa Bulacan ni Samantha. At mag-aalas dies na ng gabi. Mabuti na lang at nasa Bacolod ngayon si Alex at doon ang area ng kampanya nito at bukas pa ang balik nito. Limang araw na lang at eleksyon na at hanggang bukas na lang ang pangangampanya nila kaya masaydo itong busy.

Sige papunta na kami diyan. Marami ba sila?

Oo kaya damihan mo ang back up.

Hindi na nagreply si Nick sa kaniya, mga 30 minuto na paghihintay nila ay nakita na niya sa di kalayuan ang sasakyan ni Nick nakaparada ito.

Sayang at nakaalis na si Chua at Petyr Villaluz, sampung minuto na ang nakakaraan. Pero sigurado ako na nakuhaan na ni Samantha ang mga ito ng litrato.

"Snipe ready na nandito na ang back up. Go agad tayo sa signal mo.",sabi niya dito.

"Copy that, malapit na sila matapos sa pag inspection sa mga babae. Pagnapapasok na nila lahat sugod agad tayo.",tugon naman ni Sniper sa kaniya.

Ilang minuto pa ang hinintay nila bago maingat na nilundag niya ang pader at bumaba dito. Sumunod naman sa kaniya si Sniper. May nakita siyang apat na guwardiya na nakabantay sa gate kaya, maingat nila itong inisa-isang pinatulog.

Mabilis ang kilos niya na binuksan ang main gate at para makapasok ang mga NBI. May search warrant na nakahanda si Alex sa bodega walang silang problema dito.

May ibang mga tauhan ni Villaluz ang nanlaban kaya nakapagpaputok pa ang mga ito ng baril. Pinasok naman nila Sniper ang opisina ng mga ito para mangalap pa ng mga ebidensiya. Hindi naman silang dalawa nabigo, kaso ng palabas na sila ay may sumalubong agad na 5 tauhan ni Villaluz siguro ay lilinisin ng mga ito ang opisina kaso naunahan na nila. Nakipagbuno pa silang dalawa ni Sniper sa limang lalaki. Suntok at tadyak ang inabot ng mga ito sa kanila. Ang isang kasama nito ay may dala pang kutsilyo at siya agad ang punterya nito pero mabilis siya nakailag.

Sinipa niya ang kamay nito na may hawak na kutsilyo pero sadyang mabilis ito at inilipat ang kutsilyo sa kabilang kamay nito kaya nadaplisan siya sa braso   niya. Inis na sinioa niya ulit ito, this time ay sinigurado na niya na matatamaan niya ito at mapatumba.

"Okay ka lang?",hingal na tanong ni Sniper sa kaniya.

Tiningnan niya ang daplis sa braso niya at tumango. Maliit lang ito kumpara sa mga misyon nila noon. Nadakip ang lahat ng mga tauhan ni Villaluz sa buong bodega, at nasagip ang 50 na babae na dapat ay iiexport nila patungo sa China.

--------------

"Leche! Nasundan ka ba ng mga NBI ha Petyr?!",galit na tanong ni Señor Martin Villaluz sa anak nito.

"Dad, alam mong maingat ako.",tugon nito, gabing-gabi na at tinawaganpa siya nito.

"At bakit nadawit ang pangalan mo sa balita ngayon? P*tang ina na mga NBI na yan, alam mo bang Milyon ang nawala sa atin ngayong gabi?",galit na galit pa rin ito at halos na gusto na nitong tirisin ang anak. Narinig ni Petyr na may mga tao sa labas ng bahay niya.

Shit!

"Dad, I have to go may mga bisita ako.",sabi nito sa ama at pinutol na ang tawag nito.

Naabutan niya na pinapasok na ng asawa niya ang mga NBI.

"What is this all about?",patay malisya niya tanong sa mga NBI.

"Mr. Villaluz, pwede ka ba naming maimbitahan sa headquarters?",sabi ng isang NBI agent. Sa pagkakaalaala niya ito ay si Nick Sanchez.

"Ano ba ang problema?",tanong ulit niya.

"Kailangan namin ang pahayag mo sa isang bodega na na-raid namin kanina, at may ebidensiya na nakita ka sa lugar na iyon.",yamot na tugon nito sa kaniya.

"Well sige magko-cooperate ako, pero wala itong saysay dahil hindi naman ako involve diyan. Kung nakita man ako sa lugar na iyan, baka nag-iimbestiga lang din ako.",palusot pa niya sa mga ito.

Tiningnan niya ang kaniyang asawa.

"Hon, babalik lang ako. Mauna na kayong matulog,okay?",sabi niya dito at sumama na sa mga NBI agents.

-----------

"Kuya, nabalitaan mo na ba ang nangyari kay kuya Petyr?",natataranta na tanong ni Penelope sa kuya Pietro niya. Tinawagan niya ito ngayon sa cellphone nito. Wala siyamg pakialam kung anong oras na. Ayaw niyang tawagan si Daddy baka ma-high blood pa ito.

"Turn on your tv now!",utos niya sa kapatid ng hindi pa rin ito tumitinag. Narinig niyang ini-on nga nito ang tv at balita agad tungkol sa kuya Petyr niya ang nabungaran nito.

"Wtf, anong nangyari?! Bakit nagkaganito?",gising na ang diwa ng kuya niya ng kausapin siya.

"I don't know, we have to do something about this kuya, kung hindi mabubulok sa bilangguan si kuya Petyr.",histerikal na  sabi niya sa kapatid.

"Will you please come down, alam na ba ni Dad?",tanong nito.

"I don't know, natatakot ako na baka kung mapaano si Daddy, kuya, do something about this! I have to go.", Sabi niya sa kapatid at pinutol na ang tawag.

-------------

A/N:

Another update mga friends.

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon