chapter 4

11.2K 376 11
                                    

Nasa opisina na niya ngayon si Alex, iniisip niya kung paano ibabalik si Angel sa buhay niya.

Ng umalis ito papuntang Amerika, ay gumawa siya ng paraan para mapalapit sa pamilya nito.

Mabuti na lang at wala ang mga itong alam sa relasyon nila.

Madali niyang nakuha ang loob ng ama nito para maging sponsor sa ginawa niyang foundation after college. Pinangalan niyang "Angel's Touch Foundation", at mga tao na may cancer ang main na tinutulungan ng kaniyang foundation.

Kinuha niya ang awditibo ng kaniyang telepono at tinawagan ang sekretarya niya na magpadeliver ng bulaklak kay Angel. Blue tulips ang pinaorder niya at pink rose dahil ito ang paborito nito.

"I'm gonna win you again,Angel. Kahit ayaw mo na, susubukan ko pa rin.",sabi niya sa kaniyang sarili.

----------

Maagang-maaga pa si Angel sa opisina, dahil magha-halfday lang siya ngayon, naka-promise na kasi siya sa dalawang kaibigan niya na magsa-shopping sila.

Nabigla siya ng pumasok na siya ay napuno ng basket ng bulaklak ang kaniyang opisina niya.

Blue tulips at pink roses.

May bouquet din ng bulaklak sa kaniyang mesa, kinuha niya ang card na nakasabit dito.

I will win you back,my Angel. So please,forgive me. I still love you. I love you so much.

Alex

Napabuntong hininga siya sa nabasa. Kinapa niya ang kaniyang dibdib kung nandoon pa rin ba si Alex, at alam niya mismo sa kaniyang sarili na mahal pa rin niya ito.

Tinawagan niya si Leni para may makausap siya.

"Besh, san na kayo? Puntahan niyo ako agad dito sa opisina please.",naguguluhang sabi niya sa kaibigan.

"Anong nangyari?",nag-aalalang tanon ni Leni sa kaniya.

"Si Alex,nagkita na kami kahapon sa restaurant ni Sandra. Hindi ba niya nabanggit sa iyo?",parang nahahapo na kwento niya kay Leni.

"Hindi pa, so may nararamdaman ka pa ba sa kaniya? After all 11 years na ang nakalipas. Patawarin mo na.",sabi ng mahadera niyang kaibigan.

"Pumunta na kayo dito dalian niyo, okay? Tawagan mo na lang si Sandy.",sabi niya at pinutol na ang tawag. After an hour ay dumating naman ang mga kaibigan niya. At nabigla ang mga ito sa nangyari sa opisina niya.

Iniabot niya agad sa mga ito ang card na galing kay Alex.

"So ano na ang plano mo?",tanong ni Sandra sa kaniya.

"Wala.",inis na sabi niya.

"Alalahanin mo senador na siya ngayon, at marami ka ng kahati sa oras niya.",sabi naman ni Leni.

"Argghhh....galit pa rin ako sa kaniya, pero ng hinalikan niya ako kahapon, bigla na lang nawala lahat at lumambot na naman ako.",inis na sabi niya sa mga kaibigan.

"Hinalikan ka na niya agad??",sabay na tanong ni Leni at Sandra sa kaniya. Tumango na lamang siya sa dalawa.

"Alam mo besh, matagal mo ng pinapahirapan ang sarili mo. Ni hindi mi nga siya binigyan ng chance to explain. Larga ka agad sa States.",walang pakundangang sabi ni Leni sa kaniya.

"Tama besh, give him a chance to explain this time.",segunda naman ni Sandra sa kaniya.

"I don't know, maybe if he will call now, bibigyan ko siya ng chance to explain. Pero pag hindi siya tumawag ngayon sa cellphone ko, eh di wala na.",sabi niya sa dalawa, at imposibleng mangyari yun dahil wala naman itong number niya sa cellphone unless binigyan nilang 2 o ng sekretarya niya.

At bigla namang may tumawag sa cellphoneniya, unknown number.

"O hayan na, baka si Alex na yan.",kinikilig na sabi ni Leni sa kaniya.

Sinagot naman niya ang tawag.

"Hello, sino ito?",aniya.

"Angel, si Alex ito,please huwag mo munang ibaba. Can we talk please?", Pagsusumamo nito sa kaniya. Natigilan siya dahil baka tadhana na ang may gawa nito.

Bumuntong hininga na muna siya, bago niya sinagot ito.

"Okay, sige bibigyan kita ng chance to explain.",matipid na sabi niya dito.

"Thank you, thank you. Pwede ba sa bahay ko na lang? Medyo kasi delikado ang eleksyon ngayon marami ang mga marumi maglaro.",sabi nito sa kaniya. Nag-alala naman siya agad dito, pero hindi niya pinahalata.

"Okay sige sunduin mo na lang ako mamaya or ako na lang ang pupunta diyan mamaya.",aniya dito.

"Okay I will wait for you, nasa charity work pa kasi ako ngayon. Thank you si much, babe.",sabi nito at pinutol na ang tawag.

Babe? Ang kapal naman nito.

"OMG! My Alex and Angel version 2.0 na.",kilig na kilig si Sandra sa nasaksihan sa kaibigan.

"Magshopping na tayo ngayon, at pauwiin mo na ang kuya Collin mo, para wala ng sagabal sa lablayp mo.",sabi naman ni Leni.

"Ay pauuwiin ko na talaga si Collin dahil nami-miss ko na siya.",sabad naman ni Sandra.

"Hay, says the girlfriend.",sabay pa na sabi nila ni Leni at nagkatawanan. Hindi niya kasi ini-expect noon na ang bestfriend niya at ang kuya niya ay magkakarelasyon. Pero siyempre boto naman siya kay Sandy para sa kuya niya.

Nagpaalam na lamang si Angel sa sekretarya niya na bukas na siya magtatrabaho dahil masama ang pakiramdam niya, at inutusan niya itong ipadala lahat ng bulaklak sa opisina niya sa condo unit niya.

Nag-shopping na lang muna sila ni Sandra pero si Leni ay nagpaalam na muna sa kanila dahil tinawagan ito ng sekretarya nito na may emergency sa opisina.


Ng maghapon na ay nagpaalam na sila Sandra sa isa't-isa.Narealize niya na bibigyan niya ng chance si Alex, dahil gusto din niya. Nagdala pa siya ng mango cake na paborito nilang pareho.

Malapit na siya sa gate ng bahay ni Alex ng makita niya ito sa labas ng gate na nakikipag-usap sa isang babae. Hindi lang basta babae, kundi si Penelope Hontiveros.

Ipinark na niya ang kotse niya pero hindi pa rin ito napansin ni Alex. Hanggang sa makababa na siya at dinig na dinig na niya ang usapan ng mga ito.

"Hindi ako makapapayag na magkabalikan kayo!",sigaw ni Penelope sa kaniya.

"At hindi ko hahayaan na magiging sagabal na naman kayo ni Chester sa kaligayahan ko!",sigaw din ni Alex sa babae.

"Ha! Talaga, isisiwalat ko sa buong mundo na may nangyari na sa atin, katulad noon, maniniwala na naman si Alexandra at iiwan ka niya. Akin ka lang Alex. Akin lang!", Ang sabi ng lukaret na babae. At hindi na nga siya nakapagpigil at sumabad sa usapan ng dalawa. Sinabunutan niya ang babae sa buhok.

"Hoy! Luka-loka,hindi ka bagay dito, bagay ka dun sa mental. Kaya pwede ba umalis ka na at huwag mo na kaming guluhin.",galit na sabi niya sa babae at sinalya ito.

Nagwawala ito sa sinabi niya at bumalik na sa sasakyan nito at  pinaharurot.

Nilapitan siya ni Alex at niyakap.

"Sorry about her, babe, siya din ang may kagagawan noon sa video, day before our graduation.",nahihingal na sabi nito sa kaniya.

Niyakap niya ito ng napakahigpit na parang dito niya gustong sabihin na okay lang at pinapatawad na niya ito.

Pumasok na sila sa bahay nito ng magkayakap.

----------

04.11.19

A/N:

Guys, please hit the star naman po, and comments is very much appreciated. Salamat po.

My Ex-Senator (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon