Hi to daisy080671. Advance Happy Valentines to you and to everyone.===============================
"Lintek na mga NBI na yan!! Papaanong may warrant sila sa bodega natin?!",galit na galit si Señor Martin sa mga tauhan niya at sa anak na si Pietro.
"Dad, hindi rin namin alam. Baka ang Senador ang nagpamanman sa atin.",sagot ni Pietro sa ama niya.
"May plano na ba kayo sa Senador na yan?! Patayin niyo kung kinakailangan. Mga inutil!",sabi ni Señor Martin at inihagis ang baso nito na may lamang whiskey.
"Meron na po Dad, election bukas, aabangan namin sila kung saan siya boboto.",sabad naman ni Penelope na kararating lang.
"Siguraduhin niyo na mapapatay niyo yang lintek na yan, at ilabas niyo sa kulungan ang kapatid niyo!",utos nito sa dalawang anak at sa mga tauhan nito.
Tinawagn ni Pietro ang lahat ng mga tauhan niya para pulungin sa gagawing pag-ambush kay Senator Stanford.
-----------------------------
Alex's POV
"Excited kana ba bukas,hon?",tanong ni Angel sa kaniya habang nanonood sila ng tv ngayon at kumakain ng chips.
"Hindi masyado, ang gusto ko lang ay madakip na ang mga Villaluz na yan.", may halong galit at pangamba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
"Hwag kang mag-alala may plano na naman kami bukas, kung saan kasi less mong ini-expect na titira sila ay baka doon kapa titirahin, kaya mabuti na ang handa.",sabi ng babae sa kaniya.
"How would you know?, isa pa gun banned ngayon dahil election.",tanong niya dito.
"Hon,iba mag-isip ang mga may sayad sa utak. Wala silang pakialam sa mga banning na yan, lalo na at milyones ang nawala sa kanila. Thank God at nadakip na rin si Benjamin Smith at Richard Chua sa America kaya malakas ang ebidensya natin sa mga Villaluz na yan.",paliwanag nito sa kaniya. Hindi na lamang siya umimik at itinuon na ang paningin sa pinapanood nila.
8:00 ng umaga - E-Day (Election Day)
"Ready ka na ba para bumuto?",tanong ni Angel sa kaniya habang pinapasuot siya nito ng bulletproof vest.
"Medyo kinakabahan ako para sa iyo,babe. Mag-ingat ka na lang din mamaya.",sabi nito habang inaayos na nito ang necktie.
"Ikaw ang dapat na mag-ingat. Don't worry too much, you have me as your best bodyguard ever.",at sinabayan pa nito ng tawa. Nagtaka siya kung bakit naka-pants lang ito, naka-white t-shirt at naka-leather jacket. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa habang pinapanood nito na inaayos ang mga baril nito.
Napansin rin siya ng babae na pinapanood niya ito.
"Why? Ngayon ka lang ba nakakita ng babae na humahawak ng baril?",tanong nito sa kaniya, at agad naman siyang nilapitan matapos nito isukbit ang baril sa likuran nito.
Ikinawit nito ang mga kamay sa leeg nito at hinalikan siya. Tinugon naman niya ang bawat halik nito, pero tumigil din ito para ayusin na ang suot niya.
"Hon you must wear this. This is a communicator device, if anything happens maririnig ko agad. Got it? And this pen, this is a weapon. Use it when you need it.",paalala nito habang ikinakabit ang maliit na device sa damit niya at ang isa ay sa tenga niya, ibinigay din nito ang pen, ng pinindot niya ito ay naging maliit na knife.
Nang matapos na silang maghanda ay bumaba na din sila. Nakaabang na sa kanila ang mga body guards nito at si Nick sa baba.
"Goodmorning Senator.", bati ng mga tauhan niya.
BINABASA MO ANG
My Ex-Senator (COMPLETED)
RomanceEx ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming taong hindi kami nagkita, may pag-asa pa ba na magkabalikan kami.