Zoey's POV
"W-What the!My God!Hindi ka ba marunong kumatok?!Bigla bigla ka na lang papasok!"
Irita ko syang tinignan.At ang loko nginisihan lang ako.
"And so?Ano naman ngayon?This is also my room,remember?"
"Fuck your room.Fuck this.You should have known,Mr.Demons na kailangan ko rin ng privacy."
"You have dirty mouth now,huh."
Tinintigan nya ako.Naiilang naman ako sa uri ng pagtitig nya.Its giving me goosebumps!Ano naman kayang iniisip ng lalaking to.
"Quit staring!"
Napaatras ako kasi naman lumalapit sya sa'kin with that grin on his lips.
"S-Stop!Right there!"
Napangiwi ako ng naramdaman kong wala nakong maatrasan.
"I said stop!"
As usual hindi sya nakinig.Hanggang sa ilang dangkal na lang ang pagitan namin.Muntik pa kong mapasigaw sa gulat ng hinawakan nya yung baba ko.
"No.I'll never stop.Kaya naman maghanda ka.I'll make you fall in love with me again."
I.......I dunno what to say.
"W-What are you saying.U-Umalis ka na nga sa kwarto .Magbibihis nako."
"Sure.But before I'll leave let me kiss you."
Let me kiss you.
Let me kiss you.
Let me kiss you.
Hours had passed pero yan pa rin ang laman ng isip ko.Tapos na rin akong maghapunan actually kami pala.Muka nga akong na stroke habang kumakain eh ni hindi ko magawang tignan sya.I dunno why na awkward-an ako.Kasi naman yung lalaking yun palaging nanggugulat.
Andito nga pala ako sa teresa ng bahay.Ngayon ko lang napansin to.Sobrang ganda ng view.Yakap ko ang sarili ko dahil malamig na dito.Until naalala ko hindi dumating ang mga damit ko.Kanina pa yun ah.
I dialed nanay's number.After a few rings may sumagot na sa wakas.
"Hello?Nak pasensya na baka bukas pa maihatid yung mga gamit mo kasi may emergency sa bahay nila Inna.Yung tatay nya kasi inatake.Hayaan mo bukas ako ang maghahatid dyan."
"Its okay nay.Anyway nay ako na ang magbabayad ng bill nila Inna sa gagastusin sa hospital.Kawawa naman yung bata."
"Napakabait mo talagang bata ka.O sya sige ako ng maghahatid ng bayad nila tamang-tama at pupunta ako bukas pagkatapos kung maihatid yung mga gamit mo."
"Salamat nay."
"O sya ibaba ko na to at may tatapusin pa kong trabaho.Magpahinga ka na riyan at gabi na."
"Opo nay.Good night."
Pagkababa ko ng phone ko nagulat pa ko ng may nagsalita sa likuran ko.
"So wife material."
Hindi ako lumingon sa kanya.
"Kanina ka pa dyan?"
"Yep.I've heard your whole conversation.Napakamaalalahanin mo pala."
Tsismoso.
"And so?Ano naman sayo?Saka maalalahanin talaga ako sa mga taong mahal ko."
"Bat di ko nakita yan sayo nuon?Kung sana hindi ako nagpakatanga sa sarili ko.Sana masaya na tayo ngayon.We are one big happy family with our little one.I'm so stupid for hurting you.I'm sorry,Zoey."
Kahit hindi man ako lumingon.Kahit hindi ko makita ang muka nya.Ang mga mata nya.Naramdaman ko pa rin na sincere sya sa mga sinabi nya.
Hayst.Ano ba Keith!Tumigil ka na I might get swayed.
"Its okay.Wala na naman tayong magagawa dun eh nangyari na.Saka lumalalim na ang gabi tulog nako.Good night."
Nilagpasan ko sya.At nahiga sa kama.
After a few minutes.Naramdaman kong nahiga na rin sya sa kama.At ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap nya sa'kin mula sa likuran ko.
Shit!Paano ako makakatulog nito!
BINABASA MO ANG
He's My Husband
RomanceNang dahil sa isang gabing pagkakamali.Nabago ang kanyang buhay.Ang ordinaryong buhay nya.Lahat ng mga gusto,nagagawa nya.Walang tumututol sa mga lakad nya.Sya ang nagdedesisyon sa buhay nya pero ngayon,iba na. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ I had no esca...