Luna POV
After nung pagtatapat nya sa Laiya, Batangas… Sinimulan nya ng manligaw. Oo, inaasar nya pa din ako pero susuyuin din. Ang ganda ko dun. Hehehe…
Everyday, may bulaklak ako pero hindi na bouquet, laging long stem roses, tapos minsan dadalhan nya akong lunch with blueberry cheesecake sa office pero iniiwan nya sa guard lagi,ewan ko ba dun. Ayaw akong sabayan. Oo, may trabaho na ako. Maliit lang syang firm for interior designers. We have our own clients here saka napepresent namin yung ideas namin for client hindi yung idadaan pa sa Boss for approval. Masaya ako sa trabaho ko, sa family ko at sa puso ko. Lahat maaayos.
"Maam Luna, andyan po yung lunch nyo. May naghatid po ulit" - sabi na gumising sa pagmumuni muni ko
"Yie, grabe na yan Luna hah. Walang mintis. Ganda mo girl!" - sabi ni Thea, katabi ko cubicle nito eh..
"Hindi naman. Sinurte lang… Hihihi" - sagot ko
"Sus, gaano na kayo katagal? Hindi ka naman kasi nagkukwento samin.." - sabi ni Gayle
"Di naman kasi kayo nagtatanong. Saka hindi pa kami, nangliligaw pa lang sya. Papakilala ko sainyo pag kami na." - sabi ko na kinikilig pa
"Sus, para kang baliw! Ngumingi mag isa…" - sabi ulit ni Thea
"Pakilala mo kami hah. Ang swerte nung lalaki sayo girl,nasa sayo ang lahat…" - sabi ni Gayle na kumanta pa. Baliw! Lalaki alam nila…
"Hindi sya lalaki guys, my prince is a she" - proud kong sabi na ikinagulat nila. Ayokong itago sa kanila ang totoo. Proud ako kay Rich. Kelangan ngayon pa lang sinasanay ko na ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Mapangmata ang lipunan na meron tayo, ayokong maramdaman ni Rich na ako ang unang huhusga sa kanya, sa amin.
"A-aahhmmm… t-tomboy s-ya?"- sabi ni Gayle.
Tumango akong nakangiti.
"Hahahah… Dapat gayahin mo sya Gayle. Be proud." - sabi ni Thea na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit?Anong meron?" - tanong ko
Hindi nagsalita si Gayle bagkus si Thea ang nagsalita…Bestfriend sila eh sa pagkakaalam ko.
"Yung nakukwento namin na ex nya na di sya maka move on is a butch as well. Pero dahil duwag tong bestfriend ko, ayaw mapagtawanan at kutyain ng ibang tao. Nakipagbreak sya at ngayon sya ang nahihirapan" - kwento ni Thea. Naiiyak si Gayle. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Inaamin ko naman na duwag ako eh. Hindi ko alam kong kakayanin ko. Panu ang mga magulang ko?ayokong ma disappoint sila…"- sabi nya sa pagitan ng paghikbi
"Hindi ko alam hah. Wala ako sa posisyon para sabihin to pero…
Sa ginawa mo, ikaw ang unang nangutya sa kanya at nangmata sa kanya. Alam mo naman na mapangmata ang lipunan natin pero siguro kakayanin nya yun kasi alam nyang andyan ka lang.
Sa mga magulang mo naman, hindi mo sila na disappoint kasi nakapagtapos ka ng maayos, may magandang trabaho at sinusuportahan sila. Dun pa lang, bawing bawi ka na. Tatanggapin ka pa rin nila kasi anak ka nila, siguro sa una mahirap pero matatanggap din nila yun. Unless, hindi sya worth it para ipaglaban mo… siguro?"-sabi ko, totoo naman kasi. Hindi ako bulag sa mga nakikita ko sa paligid ko.
"Tama si Luna Gayle. Kung worth it ang pinsan ko, ipaglaban mo sya hagga't Mahal na mahal ka pa nya. Who knows, baka paggising nya, wala ka nang karapatan sa kanya"- sabi ni Thea. Anak ng, pinsan nya pala kaya naman medyo masama loob… pero hindi na lang ako umimik. Bigla kaming natahimik at bumalik sa trabaho.
Sabay sabay kaming naglunch…
Ang sarap ng luto nya. Tinext ko sya…
Rich, salamat sa lunch. Ang sarap. Sabayan mo ako bukas hah.
Agad syang nagreply:
Ikaw pa Baby, malakas ka sakin. Your welcome. Ingat ka pag uwi mamaya…
Nabobother ako kay Gayle.
Nakakalungkot naman yung pinagdadaanan nya.
Pauwi na kami ng may humarang kay Gayle.
"G-gayle, pede ba tayong mag usap kahit last na to?"- sabi nung taong lumapit sa kanya.
Malamang ito yung kinukwento nila kanina. Infairness, may dating kaya lang halatang walang tulog… Nakatitig lang si Gayle sa kanya na naiiyak…Kaya naman pasimple kaming dumistansya ni Thea para makapag usap sila pero dun kami sa naririnig pa rin namin sila… Usisera lang…
"H-hindi na B-babe?"- sabi ni Gayle na naiiyak at ikinakunot ng noo nung kausap nya…
Nagulat kami ng bigla syang niyakap ni Gayle.
"B-babe, Jac…Im sorry. I really do… Please,let me make it up to you…"- sabi ni Gayle. Napangiti yung Jac at niyakap si Gayle. Nakaka agaw na sila ng atensyon.
"This is not what I expected but Im so happy. Yeah, you can. Andami mong utang sakin Babe for the past 4 months. God knows, how much I missed you." - sabi ni Jac na talaga namang kinilig kami ni Thea. Para kaming tanga.
"Babawi ako Babe. I love you so much and I miss you. Let's start all over again. Im so sorry for hurting you. Im so sorry for being coward, Im so sorry kasi tina…"- hindi na natuloy ni Gayle kasi hinalikan sya ni Jac.
Anak ng… hahaha…
"Sssshhhhh, ngayon pa lang bawing bawi ka na… I love you more Babe… Hindi natin kelangan magsimula ulit, we just need to continue our journey together. Napause lang saglit Babe pero ngayon itutuloy na ulit natin." - sabi ni Jac. How sweet!
Nagyakapan sila.
"Oh tama na ang drama nyo. May audience na kayo eh… kayong dalawa hah, ingatan nyo ang isat isa…"- sabi ni Thea na naiiyak papalapit dun sa dalawa… Siguro, pareho kami ng nararamdaman. Masaya kami para kina Jac at Gayle and I cant wait to start my journey with Rich. Excited na ako for us:)
Lumapit ako sa kanila at ipinakilala ako nung dalawa.
Tinext ko si Rich na magkita kami bukas. Kelangan masimulan na namin yung amin. Hihihi…
AN:
Para di tayo maumay sa RichAndLuna. Hahaha…
Comment.Vote.Thanks.
BINABASA MO ANG
O U R L O V E S T O R Y
RandomRich Elijah Sandoval - sya ang shibs na trip na trip akong bwisitin mula higschool pa lang sya. Lagi nya akong hinahabol habol, Sinusundan kahit san man ako magpunta sa kadahilanang barkada nya ang Kuya ko. Inaaway nya lahat ng nanliligaw sakin kasi...