Luna POVMaaga akong nagising kahit off ko ngayon, magluluto ako ng agahan at kakausapin sina Daddy, Mommy at Kuya. I need their blessings.
Past 7 ng marinig kong pababa na sila….
"Oh anak, ang mo ata at nagluto ka pa" - puna ni Mommy…
'Anong meron sis?Nahanginan ka ata…Haha" - asar ni Kuya
"Upo muna po kayo…
Mom, Dad, Kuya… I need your blessings…" - panimula ko…"Sure ka ba dyan anak? Samin walang problema. Pero ang mga tao sa paligid nyo? Ang panghuhusga? Kaya mo ba?" - tanong ni Dad. Alam kong nag aalala sya.
"Sigurado ako Dad. Kaya ko at kakayanin ko. Mas hindi ko ata kakayanin na mawala sya. Mahal ko sya Dad. Ang mahalaga lang naman po sakin ay tanggap nyo kami at susuportahan nyo kami." - sabi ko na ikinangiti ni Mommy.
"Im so proud of you Anak. Tama ang pagpapalaki namin sayo. Marunong kang manindigan at pahalagahan ang gusto mo. Excited ako na may bago akong anak. Mabait syang bata at mahal na mahal ka. Saksi kami dun." - sabi ni Mommy at hinawakan ang kamay ko.
"Bagong anak? Laging andito yun. Bago pa ba yun My?Haha" - asar ni Kuya.Loko to ah.
"Thank you Mom, Dad. Tse ka Kuya! Wag kang ano, magiging ano mo sya…hhmmm… hipag ba?" - sabi ko at inirapan sya.
"Sus! Dati kong makapagtaboy dun sa tao…" - asar nya.
"Tigilan mo ako Kuya. Saka I need your help… Sosorpresahin ko sya…" - sabi ko…
"Oh cge, ano bang plano mo?" - tanong nya…
And we started to plan things out…
Rich POV
Nakatanggap ako ng text ki Gab. Pinapapunta ako sa *******.
Namangha ako sa lugar, ang ganda nya. A perfect place, dadalhin ko dito si Luna minsan. Isa syang resto na may garden sa loob at bago makarating dun may dadaanan kang mini Japanese bridge…
Nakakapagtaka kasi walang tao sa paligid. Kinakabahan ako, mali ata tong napuntahan ko. Lalabas na sana ako ng….
"At san ka pupunta? Pinapunta kita dito tapos aalis ka? Kokonyatan kita eh" - sabi nya. That voice, na 2 araw ko nang di naririnig.
"Luna,. A-anong i-ibig s-sabihin nito?" - sabi ko, ano ba to?
"Makinig ka muna and let me do the talking tapos saka ka magreact" - Sabi nya, marahan akong tumango…
"First of all, I wanna say sorry…"- but I cut her off..
"Basted ba ako Luna? D-di mo naman k-kelangan mag desisyon a-a-agad"- sabi ko sa kinakabahang tono,
"Epal! Sabi ko makinig ka muna di ba…panira ka!"- sigaw nya sakin….parang may tumawa from somewhere…
"Una, I wanna say sorry sa mga nagawa ko before, sa pang aaway ko sayo noon. Sorry kong na offend kita dati. Sorry sa paninigaw ko sayo..." - naiiyak ako sa mga sinasabi nya kasi parang sa bandang huli sasabihin nya Sorry, hindi kita mahal. Shet! Mamamatay ako sa sakit nun.
"Sorry sa mga hampas at batok na nakuha mo sakin. Sorry kasi minsan napapahiya ka sa pagsigaw sigaw ko sayo. Sorry sa mga pang iirap ko sayo. Sorry kasi lagi kitang tinataboy sa bahay. Sorry sa pagpapaiyak ko sayo ngayon at higit sa lahat Sorry kasi mula ngayon di na kita papakawalan. Sorry kasi di ka na makakaalis ng di nagpapaalam sakin. Sorry kasi dadagdag na ako sa oras mo.
Sorry kasi simula ngayon kelangan mo na akong i consider sa mga desisyon mo. Sorry kasi mula sa araw na to ikukulong na kita dito…"- sabay turo sa puso nya. Teka, nagugugluhan ako… Sorry kasi ikukulong na nya ako sa puso nya?Di na papakawalan? Teka lang… Lumapit ako sa kanya na naluluha at hinawakan sya sa mukha…"T-totoo ba to my Luna? Di ka n-nagbibiro? A-akin ka na t-talaga?" - tanong ko, I need a confirmation. Marahan syang tumango.
"I love you my Luna, your my sweet little moon Baby. Im the happiest woman alive" - sabi ko at tuluyan syang niyakap.
"I love you more Baby" - sabi nya at mas niyakap ako ng mahigpit.
"Baby? Ang sarap pakinggan" - ngiti ko sa kanya… Akmang hahalikan ko sya when…
"YEHEY! CONGRATS!" - sigaw ni Gab from somewhere at may confetti pa.
"TOL! TIMING! ALAM MO YUNG TIMING!" - sigaw ko sa kanya with frustration.
"HOY, WAG MO AKONG SISIGAWAN HAH! HINDI PORKET GIRLFRIEND MO NA YANG UTOL KO EH, GANYAN KA NA" - sigaw nya din sakin.
"Ulitin mo nga yung girlfriend tol. Shet! Kinikilig ako"- ang sarap pakinggan. Sobra.
"Tangina mo! Ang korni mo tol…Haha… pero masaya ako para sayo. Lahat ng pinaghirapan at pangbabakod mo, nagbunga." - asar ni Gab
"Tama na yan. Kumain na tayo. Tiff, ayusin natin yung table. Sumunod kayong dalawa hah" - sabi ng Baby ko… ehhh, kinikilig talaga ako…
Masaya ang gabing to. Sobra.
This is the start, our journey.
Our Lovestory.AN:
Ayan na!:)
Commment.Vote.Thanks.
BINABASA MO ANG
O U R L O V E S T O R Y
RandomRich Elijah Sandoval - sya ang shibs na trip na trip akong bwisitin mula higschool pa lang sya. Lagi nya akong hinahabol habol, Sinusundan kahit san man ako magpunta sa kadahilanang barkada nya ang Kuya ko. Inaaway nya lahat ng nanliligaw sakin kasi...