T W E N T Y T W O

4.4K 120 3
                                    


DAY THREE

Rich POV

Last day na namin sa paraisong lugar na to.
Ang ganda talaga dito.

Kagabi ang pina init na stay ko dito. I can still remember what she said…

"Why Baby? Am I that seductive to you? Right at this moment..Hihihi. Cos to tell you honestly, your so hot." - sabi ni Luna..

My God! Kung di ako nakapag timpi, ay naku!Haha.
Hindi nya alam ang sinasabi nya kagabi. Hindi nya alam na kasing init nya ang panahon dito. Seeing her wearing those 2 "mini" clothes gives shiver to my entire body.

Kahit medyo lasing ako kagabi hindi ako makatulog.
God know's kung anong pagtitimpi ang ginawa ko to make her totally mine.

Sumakit lang puson ko. Hahaha.. tapos sya, tiningnan ko sya while peacefully sleeping in our bed. Anak ng. She's really unaware how charasmatic she is and oozing with sex appeal. Ang manyak ko ata sa girlfriend ko.

Mag 6 am na.
I need to wake her up. Susulitin namin to kasi babalik na kami ng city mamayang gabi.

"Baby, wake up..wake up" - pag gising ko sa kanya.

"Hhhmmmmm.." - ungol nya. Ano ba yan Rich, umagang umaga…

"Baby, bangon na please. Last day na natin dito. Susulitin natin ang maghapon" - sabi ko pero nakapikit pa rin sya..

"Hhhmmm.. kiss muna. Kiss mo muna ako, gusto ko yung kiss na pang gising ko sayo."- sabi nya at ngumiti kahit nakapikit. Pilya talaga to..

"Haha.. crazy. Pero gusto ko yan" - lumapit ako sa kama nya at humiga patagilid ng nakaharap sa kanya. Hinahalikan ko sya all over her face..

"Bangon na Baby." - sabi ko. Dumilat sya ang ngumiti sakin.

"Ang sarap naman nun Rich. Hehehe..Gusto ko ikaw yung alarm clock ko. Pede ba yun? I wanna see your face first thing in the morning. Can I?"- sabi nya. Pucha naman! Nakakakilig talaga tong babaeng to. Ka aga aga.

"Of course. My pleasure Luna. Kahit araw araw pa..Hehehe..pero mag ayos ka na muna." - sabi ko.

"Okey. Give me 20 minutes." - bumangon na sya at bago pa man makapasok sa cr, hinarap nya ako.

"You promise Rich hah, ikaw na ang alarm clock. Hehehe"- sabi nya bago tuluyang pumasok sa banyo.

Wag kang mag alala Luna, gusto gusto ko yun para di mo makalimutan ang mukha ko at para maging maganda ang simula ng araw ko. Sabi ko sa sarili habang nakangiti at nakatingin sa pinto ng banyo.

Pagkalabas nya. Kumain agad kami ng breakfast at nagsimulang maglakad lakad sa may pampang.
Hanep! Lakas maka pelikula.. Hahaha..

"Rich, masaya ka ba sakin?"- tanong nya bigla. Ang random nya mag isip.

"OO naman Luna. Ang tagal kong pinangarap at iningatan to noh..Eh ikaw ba?Are you happy?"- sagot ko..

'Good to know. Basta sabihin mo sakin pag di ka na masaya sakin o kaya nawawala na yung spark kasi gagawa ako ng paraan para bumalik yun. Ayokong magsalita ng patapos Rich, pero I want to stay beside you as long as we live or forever if that word really exist. Masaya ako Baby, masayang masaya."- sabi nya sakin. Ang random talaga. Pero masaya ako sa narinig ko. Knowing that the person you love the most wanted to keep you forever.

"Ako ang dapat magsabi nyan Luna. Sabihin mo sakin pag di ka na masaya kasi we will work things out. Ayoko din magsalita ng patapos but hopefully tayo na till the end. Parang Popoy at Basha. Kung walang Luna, walang Rich and the other way around." - sabi ko na ikinangiti nya.

Pasimple nyang inangat ang kamay ko at isinuot..

"Happy 1st Monthsary Baby. Akala mo nakalimutan ko noh?Hehe. Salamat sa gift mong get away. Hehe. Alam ko kasing hindi ka basta nagyaya dito para mag unwind. Andito tayo para i enjoy ang first 31 days natin together. Mahal kita Rich Sandoval. Isuot mo naman sakin to oh"- sabi nya sabay pakita nung isa.

Ang cute, couple bracelet pala to. Para sayang lubid tapos pinagdugtong ng silver na singsing with our name on it. Itim yung akin, red yung kanya.

"Akina. Ill be happy and honor na isuot to sayo. Thank you Luna. May kasweetan ka pala Buwan!Hahaha..I love you most." - sabi ko. Pinicturan ko yung kamay namin na magkahawak ang kamay showing our bracelet.

Hinalikan ko sya sa noo at yinakap.

"Salamat Luna, my lunatic Baby. Hahaha… ang haba ng buhok ko dun..hehe" - sabi ko sa kanya..

"Gago! So, ako na pala ang "blue" sating dalawa. Magpahaba ka ng buhok mo tapos mag dress ka pa. Amp!"- sabi nya. Hahaha.. matampuhin

"Biro lang Baby. Tara na nga!
Mag ipon na tayo ng memories for our second month" - sabi ko at ngumiti sya.

AN:
Goodmorning everyone:)
Tutulog na ako:)

C.V.T

O U R L O V E S T O R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon