Luna POV"Baby, ang haba na ng tulog mo. May balak ka pa bang magising kasi kung hindi mambabae na ako." - sabi ni Rich na nakangiti sakin.
"Luna, Baby.. Aalagaan mo ang sarili mo hah. Wag kang magpapagutom at bawasan ang init ng ulo. Mahal kita Luna, Mahal na Mahal. Hindi ko ginusto pero ganito talaga siguro. Masaya ako, masayang masaya kasi naging akin ka...."- sabi nya pero bat sya lumalayo sakin?
"Rich, bat ka ba lumalayo? Baby, san ka pupunta?" - hinahabol ko sya pero palayo sya ng palayo.
"Baby, I may not be around this time but one thing is for sure. Babantayan kita at patuloy lang kitang mamahalin hanggang doon. Magkikita din tayo ulit, hihintayin kiya Baby. I Love you"
Paggising ko, ang sakit ng katawan ko. Puro puti ang nakikita ko..
Rich? Si Rich.. Asan sya? Ang sakit sa mata ko ng nakikita kong liwanag..
Putok ng baril ang huli kong naaalala. Putok ng baril. Kinapa ko ang katawan ko, wala naman akong butas sa katawan pero ang sakit ng balakang ko.. May pasa ata ako..
Isa lang ang sigurado, nasa ospital ko pero asan sila.. Pero asan si Rich? Bat sya palayo sa panaginip ko."Luna? Anak?" - boses ni Mommy
"Mommy?" - sagot at ngumiti ako.
"Buti naman at nagising ka na, halos 2 araw ka din tulog dahil sa sobrang pagod sabi ng Doctor. Okey ba pakiramdam mo?" - tanong nya sakin pero bat namamaga ang mga mata nya?
"Okey na po ako. Si kuya?Kumusta sya? Anong nangyari? P-putok mg baril ang huli kong narinig eh" - sabi ko. Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Kuya.
"Buti naman at gising ka na. Akala ko kelangan ko pang maghanap ng hahalik sayo para magising. Hahaha" - biro nya. Siraulo talaga na ikinangiti ko.
"Kuya, anong nangyari? Saka asan si Rich? San naman nagsusuot yung babaeng yun? Bat wala sya dito?" - tanong ko pero di sya tumingin sakin. Fuck! Ano bang nangyayari?
"Magpahinga ka muna Bunso. Di ka pa nakakabawi ng lakas mo"- sagot nya
"Okey na ako Kuya. ASAN SI RICH?" - madiin kong sabi pero natatakot ako sa isasagot nya.
"Aahhhmmm.. Wag mo syang alalahanin. O-okey sya B-bunso" - sabi nya at umiwas ng tingin sakin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa malalaman ko. Wag naman sana, nabaril ba sya? Nasaan na kasi ang shibs na yun?Marinig ko lang ang boses nya, magiging okey na ako. Mawala lang tong nararamdaman kong kaba at takot.
"Kelangan ko syang makita Kuya. Anong room nya?" - tanong ko.
"Ano kasi Luna? Aahhmmm..basta magpahinga ka muna" - sagot ni Kuya sakin..
"PANU AKO MAGPAPAHINGA KONG DI NYO SINASABI KONG ASAN ANG GIRLFRIEND KO!? KANINA PA AKO NAGTATANONG KONG ASAN SYA EH!!!!"- sigaw ko sa kanya.
Naiinis na ako. Desperada na ako. Hinila ko ang dextrose na naka kabit sakin at tumayo bigla. I need to know the truth..
Nagpanic bigla sina Kuya at pinatawag ang nurse at doctor.
Nanlaban ako, si Rich lang ang naiisip ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na mawawala sya sakin. Hindi maaari. Di ko kaya at di ko kakayanin..Masakit. Injection. Nanghina ako at naramdaman ko na lang ang pagbuhat sakin ni Kuya. Umiiyak na ako, wala akong magawa.. Hinihila ng antok ang mga mata ko.. Nahagip pa ng mata ko ang pag iyak ni Mommy.
"K-kuya, si Rich.. Bantayan mo sya para sakin. K-kelangan ko syang m-makita.." Sabi ko at hinawakan ang kwintas namin then everything went black.
Gab POV
Awang awa ako sa kapatid ko. Hindi ko alam kong panu sasabihin. Sisisihin nya ang sarili nya at alam kong di yun magugustuhan ni Rich...
Walang kwentang Francis yun.Payapang nakatulog ang kapatid ko habang nakahawak pa rin sa kwintas nya pero paano pag nagising sya? Kelangan nya ng malaman ang totoo at di ko ata kakayanin na sabihin yun sa kanya..
Bat naman namin kasi nangyari pa to?
Okey na eh, masaya na kami eh.The following day...
"K-kuya, kumusta si Rich?" - sabi ni Luna.
Si Rich pa rin ang nasa isip nya..
"Handa ka bang makita sya?"- tanong ko..
"Oo Kuya. Namimiss ko na sya eh..gusto ko syang makita.."- sabi nya na naiiyak.
Ngumiti ako..
"Sige.. Tawagin ko lang nag nurse para tulungan kang mag ayos" - sabi ko..
After 30 mins..
Habang naglalakad kami, di ko mapigilang kabahan.. Ano kayang magiging reaction nya? Hayyy naku...
"K-kuya, bat dito tayo p-apunta?"- tanong nya at halatang kinakabahan..
"Andito sya eh.. Tibayan mo ang loob mo Bunso..."- sagot ko at pagbukas ng pinto...
"R-rich... B-baby.. B-bakit? P-paanong....?"-
Sabi ni Luna sa nauutal na boses.
At tanging tunog ng iyak nya ang maririnig sa buong silid.........AN:
Ayan na. As I promised 1 chapter per day:)
Goodmorning Loviess and Goodnight:)
Bukas ulit^_________^ !
C.V.T.
BINABASA MO ANG
O U R L O V E S T O R Y
RandomRich Elijah Sandoval - sya ang shibs na trip na trip akong bwisitin mula higschool pa lang sya. Lagi nya akong hinahabol habol, Sinusundan kahit san man ako magpunta sa kadahilanang barkada nya ang Kuya ko. Inaaway nya lahat ng nanliligaw sakin kasi...