T H R E E

7.3K 183 1
                                    

Luna POV

Pagkatapos ng kahihiyan at pagkain namin. Nagpaalam ako sa kanila.

"Kuya,maglalakad lakad lang muna ako. Text mo ako Kuya kong san kayo hah" - sabi ko at bahagya syang tumango.

"Samahan na kita Buwan. Wag mo akong iwan dito. Thirdwheel." - sabi ni Rich sakin. Mataman ko syang tinungnan..

"Sige. Pero wag mo akong kukulitin at aasarin" - sabi ko ng may pagbabanta.

"Promise. San ba tayo pupunta?" - tanong nya pagkalabas namin sa resto. Bahala si Kuya magbayad dun. Hahaha.. Wait….

"Hoy, pulubing shibs.. Binayaran mo ba yung kinain mo dun? Para paraan ka pa para di magbayad. Grabe ka!" - pang aasar ko

"Sus, yun lang pala di ikaltas sa sweldo ko. Remember, business partners kami ng Kuya mo and aside from that bestfriend ko sya." - pangangatwiran nya.

"Ewan ko sayo. Tsk tsk reasons" - sabi ko na lang pero nagulat ako ng hilahin nya ako papasok ng pastry shop.

Wow! Ang ganda naman dito. Ang ganda ng ambiance.. Parang at home na home ang dating..Napatingin ako sa mga larawang nakasabit sa dingding na napapaligiran ng paintings..
Teka lang, babae ba to pareho? Tiningnan ko pa yung paintings, dalawang batang babae, yung mga paintings para kang kinukwentuhan ng nangyari sa buhay nila hanggang sa KASAL?
Teka, kinasal? Parehong babae?Interesting.. I wanna met them. Napatingin din pala si Rich dito tapos sakin, ngek!? ngumiti? Abnormal talaga to. Nagulat pa kami pareho ng may magsalita sa likod namin.

"Sila ang mag asawang Harren Keith and Margarette Keith de Fernandez" - sabi nung lalaki? Sino ba to?

"Hi, Im Ash and this is my wife Amber" - ang ganda ni Amber infairness at yung Ash, magandang gwapo.

"Ahh..Hi,Im Luna and she's Rich.Obviously hindi kayo yung nasa picture..Hehehe.. ang ganda nung paintings nila para na ring kinuwento yung lovestory and I assume t-tulad nyo..I mean you know.." - medyo nahihiya kong sabi.. Tahimik lang si Rich sa tabi ko.

"Hahahaha..parehong babae.. no worry, sanay na kami." - napayuko ako sa sinabi ni Amber

"Hindi naman sa ganun.. nagulat lang ako at the same naagaw yung atensyon ko ng dingding na to" - sagot ko, at least totoo naman eh..

"Interesting kasi ang pagkaka arrange ng mga paintings tapos nag iisang wedding picture sa gitna. Nakaka curious ang kwento nila" - nakangiting sabi ni Rich..eh!? Pareho kami ng naiisip. First time to ah..

"I want to met them"- sabi ko. Gusto ko silang makilala. Medyo nalungkot yung mga mata nila.

"Gustuhin man namin pero imposible.. Hahaha.." - sabi ni Ash.. Pagtataka ang nasa mukha namin ni Rich but good thing dinugtungan ni Amber..

"Sa langit na kasi nila pinagpatuloy ang FOREVER nila, kaya kung mapapansin nyo -Forever pastry shop- ang pangalan ng shop na to" - medyo naiiyak na sambit ni Amber pero nakangiti. Nalungkot ang puso ko bigla kaya napakapit ako sa kamay ni Rich, nagulat ako nang inintetwined nya ang mgadaliri namin. Bat ganito si heart?

"H-huh?teka lang..m-medyo magulo eh? Patay na s-sila?" -alangang tanong ni Rich

"Yep, more than a year na din. Itong pastry shop na to ay kanila talaga, we decided na ipagpatuloy kasi isa to sa mga alaala nila." - medyo malungkot napahayag si Ash..

"Nakakalungkot naman yun pero bat pareho silang namatay. Gusto ko pa naman marinig ang kwento nila" - nalulungkot kong sabi

"Wag kang malungkot. Pede naming i kwento sayo. Saksi kami sa kwentong pag ibig nila" - sabay nilang sabi at tumingin sa larawan.

Tumango kami ni Rich. First time talaga to na pareho kami ng gusto.

"Manager, cheesecake po saka iced tea for 4"- sabi ni Amber.

"Paborito nila yun" - dagdag ni Ash

And they started narrating the story…

AN:
Segway segway lang po:)

Kung di nyo pa nababasa yun, pabasa muna although walang koneksyon dito. HAHAHA…

COMMENT.VOTE.THANKS.

O U R L O V E S T O R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon