T W E N T Y F I V E

4.1K 116 21
                                    


Rich POV

Hindi ako mapakali ng makita ko ang isa sa mga bodyguard ni Daddt sa labas ng bahay na tila nagmamasid. Natatakot ako sa pwede nilang gawin.

Aaminin ko, hindi ako si Rich Elijah Sandoval lang..Ang buo kong pangalan ay Rich Elijah Samantha Ongpauco-Sandoval nag iisang anak ako ng isa sa pinakasikat na business tycoon sa bansa. Although ang mga business ko ay hindi galing sa kanila, pinag paguran ko yun sa tulong na din ni Gab. Natuto akong mabuhay mag isa pagka graduate ko ng College, sabay ng pag amin ko sa Ama ko ng totoong pagkatao ko pero hindi nya matanggap, he disown me, my own father. Tanggap ako ni Mommy ng buong buo, palihim nya akong sinuportahan.


And now, bigla silang susulpot kung kelan masayang masaya ang estado ng buhay ko. Natatakot ako na baka si Luna ang pag initan ni Daddy, I can't let that happen lalo na't si Luna ang sinisisi nya kaya naging ganito ako…

F L A S H B A C K

"Youre what?" - madiing saad ni Daddy

"Im inlove with girl Dad. Im lesbian" - sagot ko habang nakatingin ng diretso sa mata nya.

"And youre inlove? With a girl?So all this time, tama ang hinala ko… dahil to sa kapatid ni Gab Palma di ba? Si Luna…"- sagot nya na ikinagulat ko at nagtataka..Paanong.

"Remember, isa kang Ongpauco-Sandoval Samantha. Lahat ng nakakasalamuha mo ay pinaiimbestigahan ko for your own security…"- matuwid nyang saad.

"Dad, dont blame her. Bago ko man sya makilala ganito na ako. Alam ko yun. So please, Can you just accept it Dad?"- pakikiusap ko sa kanya.

"NO! I CANT! BECAUSE OF THAT GIRL KAYA MAS LALO KANG NAGKA GANYAN… MY GOD! ANONG SASABIHIN NG IBANG TAO?SA PAMILYA NATIN? LALAYO KA SA PAMILYANG YUN SAMANTHA LALO NA SA BABAENG KINAHUHUMALINGAN MO… ITS SO DISGU…"- galit na galit nyang saad…

"SIGE DAD! ITULOY NYO! UMAMIN AKO SAINYO, AT LEAST YOU KNOW…Hindi ko naman inaasahan na matatanggap nyo agad eh,.pero please open your mind and your heart… dito ako magiging masaya..Alam kong sa kanya ako sasaya. Alam kong HS pa lang sya but Im willing to wait Dad. Mahal ko sya." - sagot ko kay Dad.

"Walang kasiguraduhan ang gusto mong mangyari… Paano kong hindi ka nya mahalin?" - tanong ni Dad

"Then, babalik ako dito at gaya ng plano nyo na kayo ang pipili ng mapapangasawa ko. Give me time hanggang maka graduate si Luna ng College pero kung mamahalin nya din ako, then it will be forfeited. Kung hindi nyo pa rin ako tanggap that time, okey lang po. Daddy ko kayo pero mas pipiliin ko ang posibleng kasayahan na mararamdaman ko sa kanya."- saad ko. I need to take a risk.

"Then, its a deal but dont expect that you will get something from me. From now on, you need to live on your own. Prove yourself and if that kind of love really exist"- sabi nya sabay talikod.

E N D

After that night, with my Mom's help. Nakahanap ako ng titirhan ko, sinabi ko ang lahat kay Gab pati na ang tunay kong pagkatao.
Kaya naman,tinulungan nya ako sa abot ng makakaya nya at nagulat din ako sa nalaman ko, hindi rin basta basta ang mga Palma though wala pang alam si Luna sa tunay na estado nila sa buhay dahil gusto nilang mag enjoy muna ito bago ibigay ang totoong buhay nito.

Nagtayo kami ni Gab ng business at the same time,may sarili din akong negosyo. Kelangan kong patunayan ang sarili ko sa Daddy. Kasabay nun ang pangbabakod kay Luna. Hehehe..Priority ko yun eh..

And now, I succeed.
Mahal ako ng babaeng pinakamamahal ko. Maayos ang buhay ko, ang negosyo ko.

Pero, kilala ko si Daddy. Ayaw nyang natatalo kaya naman natatakot ako lalo na, walang alam si Luna sa totoong pagkatao ko o kahit sa negosyong meron ako. Ang alam nya lang eh yung business namin ni Gab saka ang alam nya nasa abroad ang parents ko.

Im afraid that she might get mad sa oras na malaman nya na totoo, natatakot ako na baka gamitin yun ni Dad against me.

Alam ko at ramdam kong gagawa ng paraan si Daddy anytime, kelangan kong maghanda para dun. I can't let him ruin Luna, her family or even us.

Pagdating ko sa office, agad hinanap ng mata ko si Gab..

"Tol, Ive got a problem…"- sabi ko sa kanya pagkapasok namin sa office ko

"About?Business"- tanong nya

"Nararamdaman kong guguluhin nya na kami ni Luna anytime." - sagot ko

"H-huh?" - pagtataka nya

"Daddy. Nakita ko ang isa sa mga bodyguard nya na nasa labas ng bahay nyo at bahay ko. Nagmamasid. I need your help Gab. Natatakot ako sa pedeng mangyari. Alam mo ang kayang gawin ni Daddy tol, baka kung anong…" -sabi ko but he cut me off

"Akong bahala ki Luna at sa pamilya ko. Hindi nya kami magagalaw, alam mo rin ang kakayahan ng pamilya namin Rich. Hindi ako papayag na gipitin nya sina Mommy at Daddy lalo na't ini enjoy na nila ang pinagpaguran nila lalong lalo na si Luna, ang prinsesa natin.
Basta pag kelangan nating kumilos, kikilos tayo. No worries tol" - sagot ni Gab na nagpakalma sakin.

"Salamat. Hindi ko kakayanin kung mawawala pa sakin ang kapatid mo. Saksi ka tol,alam mo yan..hehehe" - sabi ko

"Oo na. Puta, ang korni!Hahaha" - saad nya na tumatawa.

Okey na to, at least alam kong may malalapitan ako pag nag kagipitan. Hehe.

Isusugal ko lahat pero hindi si Luna, hinding hindi.

Kung mawala man ang kami, alam kong sa kanya pa rin ako babalik at babalik. Kalimutan ko na ang lahat pero hinding hindi si Luna, my lunatic girlfriend.Haha.

AN:

Conflict reveal…
Conflict nga ba?;)

Goodnight!

C.V.T

O U R L O V E S T O R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon