Luna POV
Hanggang ngayon di pa rin ako maka get over sa kwentong yun at bwisit tong pulubing shibs na to, ikwento ba naman kay Kuya kaya ayan tuloy hanggang pag uwi pinagtatawanan nila ako. Kakainis!
"Hindi ka ba titigil sa kakatawa mo dyan hah Rich!?Kanina ka pa. Leche! Hindi ako natutuwa sayo" - naiinis talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako at the same time nahihiya sa shibs na to. Tumatawa pa rin sya. Pinagmasdan ko lang sya, ngayon ko lang napansin ang mahahabang pilik mata nya at mga matang tila nangungusap. Ay! Ano ba yan?
'HOY BUWAN! Kanina pa kita kinakausap. Alam kong gwapo ako pero please naman, wag kang tumitig." - sabi nya na tumatawa pa. Leche to ah. Binatukan ko nga.
"Wag kang assumera oy! Di kita type. Nuknukan ka ng kayabangan.Kuya,ihulog mo na nga to sa bahay nya. Masasampal ko lang to eh" - nayayamot kong sabi at peste tong Kuya ko, dedma ako. Pag andyan si Tiff, wala na sya. May sarili nang mundo.
"Wag ka naman ganyan. Kaw naman Buwan, inaasar ka lang eh. Wag na tampo" - tinitigan ko sya. Ang cute nya..Nakarating na kami sa bahay at nakababa na sina Kuya pero Teka nga, bat palapit ng palapit ang mukha nya sakin. S-shit, ano bang ginagawa nitong shibs na to..
"A-nong g-ginagawa mo?" - natataranta kong sabi,panu ba naman. Ang lapit lapit nya sakin. Napapikit ako. Bat antagal. Naramdaman ko na lang ang pitik nya sa noo ko.
"Anong kaartehan yan?papikit pikit ka pa. Aalisin ko lang tong seatbelt mo. T-teka, wag mong sabihing pinagnanasaan mo ako Buwan?Kadiri ka!di kita type" - sabi nya at tumawa na naman.leche! Leche! Ano bang nangyayari sakin. Inirapan ko sya.
"Wag ka nga! Hinding hindi ako magkakagusto sa tulad mong Shibs! Wag kang assumera! Marami akong pangarap na di mo mabibi…" - napatakip ako sa bibig ko..Ooppss.. napatingin sya sakin. Tingin na nasaktan.
"Alam ko naman yun Luna. Di mo naman kelangan ipamukha sakin yun. Sige na, baba ka na. Kelangan mong magpahinga. May pasok ka pa bukas" -bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto. Shit!nakokonsensya ako. Curse my mouth.
"Ahhhmmm R-rich.." - sabi ko but she cut me off.
"Tol, Tiff una na ako sainyo. Kita na lang tayo sa office. Sige Luna" - sabi nya at naglakad na palayo. Di na nakasagot si Kuya at nagtatakang tumingin sakin.
"Anyare dun?" - tanong ni Kuya
Nagkibit balikat lang ako. Alam kong nasaktan ko sya. Eh sya naman kasi eh. Feeling..Arrgghhh! Shit!
Pagkagising ko, pakiramdam ko may hinahanap ang mga mata at tenga ko. Kabababa ko lang pero may iba. May hinihintay ako,parang ganun..
"Oh anong ginagawa mo dyan sa may hagdan Luna? Kakain na tayo. Walang Rich ba aakay sayo papunta dito. Hahahaha.." - sabi ni Kuya.
"A-ahhhmmm ano po Kuya..aa-no.." - bat ganito. Ano ba yan..
"Wag kang mag alala di magagalit sayo yun. Magpapalipas lang yun." - sabi ni Kuya na ipinagtaka ko.
"Sinabi nya sakin kagabi. Luna, alam kong asar ka sa bestfriend ko pero hinay hinay din minsan. Niloloko ka lang nun pero alam mong inaalagaan ka nun at concern yun sayo."- sabi ni Kuya na totoo naman.
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya Kuya. Sya kasi eh" - nakayuko kong sabi.
"Hayaan mo na. Gaya ng sabi ko, di magagalit sayo yun. Babalik din yun. Tiwala lang." - sabi ni Kuya. Tumangona lang ako.
Two weeks na ang nakakaraan pero wala pa ring Rich na sumusulpot sa bahay o kaya sa school. Laging si Kuya ang sumusundo sakin. Nakakaramdam na ako ng kakulangan.. Aiisshhh.. Ano ba yan? At magkakaroon pa kami ng ball. Naku naku, andami kong gagawin tapos dumagdag pa yung shibs na yun. KAASAR!
Tulad ngayon, natapos na naman ang araw ko na di sya nakikita. Bat ko ba kasi hinahanap ang kumag na yun. Kulang lang to sa tulog.
Nagising ako sa lakas ng tugtog ng kapitbahay naman!Leche!Ka aga aga, ano to!?May pasayaw!?Leche!makakatikim to sakin. Bumangon ako sa sobrang inis at tuloy tuloy lumabas..
"Sis, san ka.." - sabi ni Kuya pero nag hand sign ako ng stop.
Bwisit ako!Sinira nya ang tulog ko, kung sino man tong walang pakundangan magpatugtog. Makakatikim talaga to sakin.
Naramdaman kong sinundan ako ni Kuya.
Nag doorbell ako, naka ilang ulit na ako. Antagal lumabas..
Pagbukas nya ng gate, umarangkada agad ang bibig ko.
"HOY! KUNG SINO KA MANG NILALANG KA!WAG KANG MAMBULAHAW NG KAPITBAHAY! ALAM! MO BANG NGAYON LANG AKO MAKAKATULOG NA MAAYOS TAPOS MAG IINGAY KA NG WALANG PAKUNDANGAN! HUSTISYA NAMAN!" - tuloy tuloy kong sabi pero nakayuko pa rin to..
"ABA'T!? DI KA SASAGOT!? BWISIT KA!" - mas naasar ako ng yumuyugyog ang balikat nya.Leche! Tumatawa pa talaga sya.
"B-Buwan, Hahahahah.. wag ka ng magalit! Sinadya ko yun para ikaw ang unang pumansin sakin.. hehehe..Ayos ba?" - tinawag nya akong Buwan? Isang tao lang ang tumatawag sakin nun. Si R-rich nga! Bumilis ang tibok ng puso ko bigla. Oh my!
"Ahh..eehh.. Teka nga? Bat andyan ka sa bahay na yan? Talagang nananadya ka. May kasalanan ako sayo pero wag naman yung bubulahawin mo ang tulog ko!!" - sabi ko pero mas tumawa pa sya at tiningnan ako head to toe.
"Imba ka talaga Buwan! Hahahaha..Nakalabas ka ng bahay nyo ng di nagsusuklay?Naka pajama, malaking t-shirt?Di tumitingin sa salamin?Saka ang langis ng mukha mo..Hahaha..saka dumakdak ka na agad, pupusta ako di ka nagtotoothbrush. Grabe ka!Hahahaha" - pananabla nya sakin. Oh shet! Nakakahiya talaga. Damn it! Namumula na ako sa kahihiyan, pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan at may mga tumatawa. Aisshh, nakakahiya talaga. Mukhang napansin yun ni Rich..
Bigla syang ngumiti sakin, a genuine smile..
At marahang sinuklay ng kamay nya ang buhok ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, shit!may spark? Napatingin ako sa kanya.
"Binibiro lang kita Baby. Kahit ganyan ang itsura mo sa umaga, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sakin. Partida pa yan Baby, kakagising mo lang. Wag ka ng magalit. Ginigood time lang kita" - sabi nya na ikinabilis ni puso, pero mas nagwala ang buong sistema ko ng halikan nya ako sa noo. Umurong ang dila ko sa kaba at gulat. Ano bang nangyayari?
"Halika na nga Baby! Uwi na tayo sainyo" - yaya nya pero nadikit ata ako sa kinatatayuan ko.. Nagulat ako ng binuhat nya ako bridal style.
"Tara nang umuwi Baby! Tapos na po ang palabas. Magsiuwi na po kayo" - ngiti sa mga usisera, at yung ibang babae naman kinilig pa. Asar!
Papasok na kami ng bahay ng nag thumbs up pa si Kuya sa kanya. What is that for?
AN:
Goodnight everyone, Lovieess!:))
Itatatry kong mag update everyday as much as I can para matapos ko sya, nabibitin ako eh.Hahaha.. Kasi magiging busy ako then the following month mag aala Dora ako. Hahahaha.. Mag iisland hopping ako all by myself then Christmas na!Yahooo! Sana matuloy at sana walang bagyo na dumating *cross fingers*!!:))
Comment.Vote.Thanks.
BINABASA MO ANG
O U R L O V E S T O R Y
De TodoRich Elijah Sandoval - sya ang shibs na trip na trip akong bwisitin mula higschool pa lang sya. Lagi nya akong hinahabol habol, Sinusundan kahit san man ako magpunta sa kadahilanang barkada nya ang Kuya ko. Inaaway nya lahat ng nanliligaw sakin kasi...