Study
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gustong gusto kong umalis na pero mas lalong napako ang tingin ko sa kanilang dalawa nang magtama ang mga mata namin ni Yuan.
Dapat ay umalis na ako. Hindi niya dapat makitang nandito na ako sa Pilipinas. Pero parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusang lumapit iyon sa kanila.
"This girl must be into you so I got to go. I'll wait for your call." The girl went away at nakisiksik sa kumpol kumpulang tao sa dance floor.
Napatingin ako kay Yuan at nakitang nakatitig lang siya sa akin. I cleared my throat para makabuo man lang ng salita.
"Kamusta?" Napaawang lang ang kanyang mga labi sabay tunog ng cellphone nya.
Sinagot niya ang tawag at nakinig sa sinasabi ng tumawag sa kabilang linya. Hinintay ko na matapos silang mag-usap sa kausap nya.
"Yes. I'll be there in five minutes." Binaba niya na ang cellphone nya at nilingon niya lang ako saglit. Hindi siya nagsalita at tumango na lang. Umalis siya nang walang sinasabi sa akin. I feel defeated.
Pero tumango naman siya hindi ba? He didn't totally ignored me, right? I sighed at the thought. In the end, hindi niya pa rin ako kinausap.
Kinaumagahan ay hindi pumasok si Yuan. Tumambay na lang ako sa soccerfield. Nang napag isip isip kong magpalit ng damit para tumakbo sa field at nang mawala ang stress ko. Pagpasok ko sa locker room, maraming tao kaya hinintay ko munang medyo kumonti ang tao bago nagpalit.
Habang tumatakbo ako, hindi ko maalis sa isip ko 'yong nakita ko kagabi. Marami na ata siyang nahalikan simula nang maghiwalay kami. Pero bakit nga ba kami naghiwalay?
It was an abrupt break up. Bigla na lang siyang nawala pagkatapos niya akong tinext na break na kami. Maiintindihan ko pa sana at matatanggap na wala kami kung dumaan kami sa process na nag away kami tapos naging cold sa isa't isa pero hindi eh. Okay naman kami noon eh. Tapos bigla na lang siyang nawala. The next news I heard was he is in the Philippines. That's when I planned to be back to my hometown. Pero sa pag-uwi ko, ilang beses ko ba siyang nakitang may kahalikan siya? Ilang beses pa ba bago niya ako kausaping muli?
I saw the least person I want to see this day na kumakaway at palapit sa akin ngayon. Shit! Before I say anything stupid, pinaalalahanan ko ang sarili ko na hindi ako si Blythe ngayon. Si Azura ako.
Kumaway ako pabalik sa kanya pagkatapos kong mapakalma ang sarili ko. He handed me a bottle of water. Nagtataka man ay tinanggap ko na rin ito. He's being friendly now? Kahapon lang ay sinungitan niya ako as Azura pagkatapos hindi ako kinausap bilang Blythe tapos ngayon, he's giving me a bottle of water? Shit, kahit inis ako ay di ko pa rin mapigilang kiligin.
"Ah, hi. Azura right?" Tumango ako sa kanya.
"Well, uh.. tungkol sa offer mo na tulungan ako sa failing subjects ko, pwede pa ba iyon? Sorry kung nasungitan kita kahapon. Wala lang kasi ako sa mood kahapon dahil sa sinabi ni prof. Sana pwede pa yong offer mo." Napahawak siya sa kanyang batok pagkatapos niyang sabihin iyon. How can I refuse? Isinantabi ko na muna ang nakita ko kagabi at itinuon na lang ang pansin ko sa nangyayari ngayon.
This is my chance para mapalapit siya sa akin. And I will definitely grab this opportunity.
"Yeah. Okay lang yung kahapon. Naiintindihan ko naman. So kelan mo gustong simulan ang pagtuturo ko sa'yo?"
Hindi lang kita tuturuan kung paano pumasa sa exams at lahat ng subjects mo. Tuturuan din kitang mahalin ako ulit at kalimutan ang lahat ng mga babae sa paligid mo dahil mapapasaakin ka Yuan. Mapapasakin ka ulit.
BINABASA MO ANG
Love Me Like I Do
Teen FictionLMLID is a story of a girl who's desperate to bring his ex-bf back. But she was betrayed by that guy and now she wanted to do everything to prove her worth. Will he be the guy worth for her efforts? Will she bring him back to the old days? Blythe La...