3.

1 1 0
                                    

Help


Pumunta ako kay KC pagkatapos ng lahat ng klase ko at ikuwento sa kanya ang mga nangyari and how excited I am sa discussion next meeting. I cannot contain my excitement sa thought na mag uusap kami ng masinsinan. Oh my gosh, maiinlove na siguro siya ulit sa akin panigurado.

"Tumawag ang mama mo tinatanong kung anong kagagahan ang pinanggagawa mo rito. Syempre sinabi kong hinahanap mo yung ex mo. Kitain mo na lang kaya iyong papa mo kesa sa habol ka nang habol sa ex mong gago?" As always, pambasag trip na sabi ni KC.

"I'll handle my father next time. Nakaplano na ito eh yung pagpapakita ko sa tatay ko ay hindi pa so basically, priority ko ito. I'm so close KC. Ngayon pa ba ako aayaw?"

Hindi na nagsalita si KC at bumalik na lang sa pagbabasa ng mga reviews ng clinic niya. At ako naman, bumalik sa pagdedaydream ko.

The following day, hindi ko iniexpect kung sino ang nasa doorstep ko. Humihikab pa ako nang pagbuksan ko ang kanina pa nagdodoorbell sa labas.

"Ma?!"

Sinabi ba talaga ni KC na naghahanap ako sa ex ko kaya ako nandito? At kaya nandito si mama para iuntog sa pader ang ulo ko.

Hindi siya nagsalita at pumasok na agad. Tulala pa rin ako habang pinapanood siyang nililibot ng tingin ang buong bahay.

"Wala naman masyadong nagbago. Iniba mo lang ang interior colors which is actually good. Now what is going on?" My mom is very keen in every detail of my life. She's too nosy pagdating sa akin. And now, look. She travelled all the way here just to what? Check the changes I made to the house?  I know there's something else she wants to know and I'm afraid alam na niya ang totoong pakay ko rito.

"What do you mean what's going on? I just want to change the interior. The last time I was here ganoon lang ang hitsura. Medyo boring na kasi." I calmly answered kahit na kanina pa nag aalburoto ang puso't isip ko dahil di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

"Oh really? Light colors? This is not you. You prefer dark colors since you were a toddler. So what's going on?" I inwardly rolled my eyes. Pati ba yon napansin niya?

"And what's this? You bought a new sofa? What are you wasting your money for?" I sighed. Paano ko ba makukumbinsi si mama na gusto ko lang talagang baguhin ang hitsura ng bahay.

"Mom, I'm growing up. Can't you see? Isa pa, I realize na yong color purple na sofa is so chickie. Nice naman kasi ito diba?" Umupo pa ako sa sofa to make her see the comfort that it could give. Umupo rin siya sa tapat ko.

"Now, if whatever made you think of changing the stuffs to these things, it's good. But still, hindi pa rin mawawala sa isip ko ang pagkikita ninyong mag-ama." I smirked at the thought of seeing him. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto pa rin ni mama na mabuo ang pamilya namin when in fact iniwan na kami ni papa noon. Tinalikuran niya kami habang nagmamakaawa si mama na wag kaming iwan para sa kerida niya.

"Ma, will you stop that? Nagpapakatanga ka na naman." Look who's talking? Pero syempre hindi ko na isinatinig iyon. Ano ako? Tanga para ilabas baho ko? No way!

Pinaulit ulit niyang sinabi sa akin na kelangan naming mag-usap ni daddy pero hindi ko iyon pinaunlakan dahil masusura lang ako pag nagkita kaming dalawa. Iniisip ko palang ang mukha ni mama noon ay hindi ko na siya kayang titigan pa o makasama kahit saglit lang. How I hated him because of what happened. My mom was miserable and I started handling Brintesia University dahil napapabayaan na ni mommy dahil sa pagkalugmok nya sa depresyon noon.

Mabuti na lang ay tinulungan rin ako ng mga kakilala ko noon para makabangon ang University na malapit na sanang lumubog noon.

Nanatili si mommy sa bahay ng mga ilang araw dahil may bibisitahin daw muna sya na kamag anak bago bumalik ulit ng States.

Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon