7.

6 1 0
                                    

Meeting



I started to appear as Blythe in public. I have been Blythe sa school in four days. I've met the board and as they know who I am, they all gave me the respect due to me.

Four days ding absent si Azura since my alter ego must disappear for Blythe to come out from her shell. And for four days iniiwasan ako ni Yuan.

Just like the first day I came to school as Blythe.

"Yuan", I said when I saw him look at me with confused look then later on he plastered his poker face. I tried to approach him pero lagi siyang lumiliko at umiiwas sa pagkikita namin.

One thing is confirmed. He is mad. Whatever the reason is, I know he is still mad at me.

The second day was still as cold as ice. He was sent to the Disciplinary Office dahil may sinira siyang bagay sa isang classroom. I was at the DO when he was sent there dahil may tiningnan akong files ng officer.

"Mr. De Travis, hindi mo man lang ba idedepensa ang sarili mo? Why are you suddenly violent? Kahapon din nandito ka dahil may sinuntok kang kateam mo ah." Sabi ni Ms. Sanchez, the Disciplinary Officer.

Hindi rin nagsalita si Yuan kahit nakailang tanong na si Ms. Sanchez.

"Gusto mo bang maexpel?" Hindi pa rin siya sumasagot. Tiningnan ko siya at nakayuko lang siya. I approached their table.

"Yuan-"

"Just expel me if you want. I don't care. May I leave now?" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumayo na siya at naglakad palabas ng office. Ms. Sanchez called for him but he didn't answer at dire-diretso nang lumabas.

"Okay na, Aurora. May isesend akong file sayo. Kelangan mo yun tomorrow. Give me your opinions tapos magpatawag ka ng meeting by 3pm tomorrow with the officers only." Without hearing any from her, I went to follow Yuan.

I found him at the soccerfield. Great. Ang init. Buti na lang nakalong sleeve ako.

"I'm sorry for what happened." Tiningnan niya ako nang masama na parang kasalanan ang kausapin siya.

"Hindi ko alam kung bakit ka ganito. You were the typical nice guy-"

"Will you just shut up? Bakit ka ba nandito?" I was taken aback to his response.

"I-I was trying to help-"

"Bakit bigla kang nagpakita sa akin? And you own this school?"

"Yuan, you left me-"

"Shit."

He cursed under his breath then he stood up.

"Don't go near me."

"Yuan, ano bang nagawa ko? Bakit ka ba lumalayo? Why did you left two years ago? And treat me like this?"

"There are things you should not know or those will hurt you. Just don't go near me, Lauren." Then he left me alone again.

For the next two days, hindi ko na siya nakikita sa school. Medyo naging busy na rin ako dahil nga may mga bagay na kelangan ang presensya ko and KC was busy with her business too. My mom is always demanding me to come over to her office every once in awhile. Naisip ko ngang idrop na lang ang alter ego ko pero magtataka si Yuan at baka malaman niya agad kung sino talaga si Azura.

For the next week, pumasok ako as Azura Zhang. I was asked by my professors about my letter pero I didn't answer it properly. Puro "Some things are none of your business." Or "My reason was written on my letter."

Yuan is not his usual self at alam ko yun kung bakit. When I try to approach him, puro ngiti lang ang nakukuha ko sa kanya.

When I approached his table while he was eating inside the school cafeteria, hindi siya kumibo at hinayaan lang akong umupo sa tapat niya. Some girls are staring at us pero hindi ko na lang pinansin iyon.

"Yuan, what's wrong?" Tiningnan niya lang ako.

"I see you put back your contacts. Mas maganda ka kapag may contacts ka. I hate your eye color." Hindi ako nakapagsalita agad. Ganoon ba talaga niya kahate ang mga bagay tungkol sa akin na kahit kulay ng mata ko ay ayaw niya ng maalala.

"What's with the color of my eyes?" I asked him innocently.

"May naaalala lang akong masamang ala-ala. You wear the same eyes with the person I know. Bakit nga ba wala ka nung mga nakaraang araw?" I smiled bitterly at what he said. Masamang ala-ala? Really? Ako pa talaga?

"May inasikaso lang ako kaso ang tigas ng puso ng taong iyon kaya tinigilan ko muna ng panandalian kasi mababaliw ako kapag magtagal ako na ganoon." Binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Boyfriend?" He asked while eating his fries.

"Nope. Just a person with importance. Anyway, I heard hindi ka na raw nakikipaghalikan sa mga babae mo? Sick of it?" Narinig ko kasi kanina habang papasok ako sa school na hindi na siya nakikita sa mga bar na madalas tambayan niya.

I heard him chuckle. Kumunot naman ang noo ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Ngayon ko lang napansin na lagi pala akong pinag uusapan dito sa school. Bakit ko nga ba hindi napansin iyon dati?" Napakamot siya sa batok niya. Nagbuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko rin pipilitin kung ayaw niya.

"Masaya ba akong kasama, Yuan?" I looked at him straight to his eyes. His eyes were locked on mine. For a minute walang nagsalita sa amin. Until he broke that silence.

"As you can see, ikaw lang ang babaeng malayang nakakalapit sa akin dito sa school." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala eh noh? Ni hindi ko siya nakitang may kasamang ibang babae except sa mga bars. Kinikilig ako~

"Pero baka dahil tinutulungan kita sa acads mo kaya hinahayaan mo ako. Kung hindi pa siguro ako geek, hindi mo na ako kakausapin ever." I pouted at the thought.

He just laughed at me. My forehead creased at his reaction.

"Kung iyon lang ang habol ko sayo, sana nagpatulong na lang ako sa mga Eru-Geeks na laging nag ooffer sa akin na tulungan ako. Masaya kang kasama at saka napakastraightforward mo. Lahat ata ng nasa isip mo ay sinasabi mo eh. " Napangiti ako sa sinabi niya. Whatever his reason is, wala akong pake. Ang importante lang naman sa akin ay nakakasama ko siya kahit hindi bilang Blythe. Nalalaman ko kung anong iniisip niya o kung nagbago man siya. Kung bakit siya galit sa akin o kung kaya pa bang maibalik sa dati ang relasyon namin.

Nagiging mas close kami sa mga sumunod na araw. Umeexcel na rin siya sa mga klase namin. Hindi siya laging tulog at palagi siyang attentive.

Nakokonsensya na ako sa ginagawa kong pagpapanggap. Pero kasi alam ko kung paano siya makitungo kay Blythe. Naexperience ko ang coldness niya sa akin. Unless hindi ko malaman kung bakit siya ganito, hindi ako magpapakilala as Blythe and Azura.

Dahil madalas na kaming magkasama sa school, marami na ring nagtthreaten sa akin na layuan si Yuan. Of course, I ignored them. May naipaDO na rin ako dahil sa pagiging OA nila towards my closeness to Yuan. Kung pwede lang sabihing ex niya ako, ginawa ko na. But of course, I'm still sane so I won't do that.

"Blythe, I need you to review on this. Then you will meet a client tomorrow with this topic. Just ask me if you have questions. I have to attend some important events sa Cebu tomorrow so I will leave you with this. The details are written there." Pagkatapos sabihin ni mama iyon ay lumabas na siya sa kwarto ko. Hindi man lang ako nakahindi.

So I scanned the documents. Napahinto ako sa pagrereview nang mabasa ko ang pangalan ng imemeet ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Makikita ko siya bukas. Paano ba ako kikilos? I looked at the door of my room. Is mom really serious with this?

Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon