2.

7 1 0
                                    

In no time

Lumabas ako sa room nang nakapoker face. Hindi na ako umiyak kasi nakacontact lens ako. I'm not used to keep my feelings. This is my first time to try all the firsts. Including ignoring his presence and keeping my real identity to everyone.

Tinawagan ako ni KC tungkol sa sinabi ko sa kaniyang set up namin. She'll be the proxy owner of the school. Habang ako, kunwaring gagraduate na. Same course as Yuan and same schedule. Pareho ng pag oOJT-han and all. I want to cling with him as much as possible. Ayokong magkalayo pa kami.

"Oh hi. What's your name?", a girl who approaches me in the hallway said. I just smile at her. I'm not in the mood to talk to anyone now.

"Hey, wag ka namang suplada. You're new here ba? Ngayon lang kita nakita eh. You wanna join our group? Napansin ko kasing geeky ka. Baka you want to be one of the Eru-Geeks?" Eru-Geeks? Meron palang gano'n dito sa school ko? I didn't know it until now. What else is not known to me?

Sumama ako sa kaniya para maaware ako sa secret org nila dito. Eru-Geeks isn't a known org here. It's a secret group of the geeks. So corny for the geeks to come up with this idea. But anyway, this is their life and I can't do anything about it.

I sneak out from their hideout at bumalik na sa room ko. Pagbalik ko, wala ng tao. Tiningnan ko ang relo ko at nalaman ko na lang na tapos na pala 'yong klase ko. I wasted my time for that freakin' information.

Umalis na rin ako dahil ayoko nang masayang pa ang ibang oras ko. Pumunta muna ako sa canteen para naman bumili ng pangrefresh. Nakakabagot kasi lalo na kung wala kang kinakain.

Nung narinig ko yung bell, pumunta na ako sa susunod kong klase. Aba't estudyante nga kasi ako diba? 

Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na siya sa isang upuan sa harapan. I have an idea!

Tinawagan ko agad si KC para ipaalam sa kanya ang plano ko.

"Geez. Kaya mo na 'yan, Blythe." Nanlumo ako sa sinabi niya. Pero hindi ako papayag na hindi iyon mangyari.

"Sige na ate. Please? Andito ka naman sa school 'di ba? Daanan mo na lang itong room ko then gawin mo 'yong sinabi ko." I heard her sigh at alam ko na agad na gagawin niya ang sinasabi ko.

"Hindi ko na alam Blythe. You're such a pain in the ass. Osya. Nandito na ako sa building nyo."

Pagbaba ko ng phone ay nakita ko na siya agad na nakasmirk sa akin. Dali dali akong pumasok sa classroom ko at naghanap ng bakanteng upuan sa likod.

Agad namang pumasok ang mga estudyante when they saw KC enter the room. Well, pinaalam na rin kanina na sya ang may ari ng school kaya malamang ay kilala na sya agad ng mga estudyante rito. Nasa loob na rin ang professor namin na agad namang napatayo nang makita si KC na pumasok ng room.

"Good morning, Madam President."

Tumango lang si KC sa bati ng mga tao sa loob ng room. Nakisali na rin ako sa pagbati.

"Oh I see. Pumunta lang ako rito para kamustahin ang bagong transferee. Ms. Zhang, are you fine sitting at the back? Didn't I hear you're nearsighted? Dito ka sa harap umupo."

Lahat ng mga kaklase ko ay tumingin sa akin. Dahan dahan akong tumayo at nilingon si Azrieel kaso parang wala siyang pake sa mga nangyayari.

"What's your surname, Miss?" Narinig kong tanong ni KC sa katabi ni Azrieel. Lumingon lingon pa yung babae na para bang hindi sigurado kung siya nga ba talaga ang tinatanong ni KC.

"Alester po." Medyo nanginginig na sagot ng babae.

"Are you okay sitting somewhere else? Ms. Zhang here needs your space para maklaro nya ang nasa board. According to the medical certificate that she submitted, she has also problems with hearing pag nasa malayo. Are you kind enough to give her your space?"

Tahimik na um-oo si Alester at tumayo para magpalit kamo ng pwesto.

Nang napalagay na kami sa aming inuupuan ay tumikhim na si KC.

"Okay. Now you're all settled, go start your class. I'll better get going."

Lumabas na si KC and after seconds ay nakatanggap na ako agad ng death threat galing sa kanya.

KC

You have to pay for this. See me at my office.

Tumikhim ang professor namin na nasa harapan ngayon. Magsisimula na ata kami sa lecture namin.

Wala namang kaproble-problema sa araw na ito. Sa bawat klase ko ay magkatabi kami ni Azrieel pero ni hindi niya ako tinitingnan. The hell?
The last time I checked, hindi naman ako panget sa transformation ko. Maganda naman ako. Then why the hell that he's not noticing my presence?!

"Okay next meeting, I want you to be paired with your seatmate. You will discuss about certain topics that I will give you. Okay dismiss."

Seatmate? Pag sinuswerte ka nga naman. Nasa bandang gilid si Azrieel so wala akong choice ( at gustong gusto ko naman dahil chance na ito para paibigin ko ulit siya), siya ang magiging pares ko sa discussion na iyon.

Nagsasayaw na ang mga kalamnan ko sa pag-iisip ko  sa maaring mangyari next meeting.

"So I will be paired with a geek. Nice, do all the talking. Makikinig lang ako. I don't have much to say so I'll leave it all to you." And just by that, umalis na siya agad. So ganoon lang yun?

Pero at least, nagsalita na siya sa akin. Nakita na niya ang presence ko at inamin niya rin na kelangan niya ako. Hindi implicit at siguro may halong pagfefeeling ko na rin, ganun na rin ang ibig sabihin no'n diba?

Konting kembot na lang babalik na rin siya sa akin.

Yuan Azrieel De Travis, you'll be mine.. again in no time.

Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon