8.

3 0 0
                                    

Being nice


8am ang oras ng pagkikita namin. I was 15 minutes earlier dahil nga hindi ako mapakali. Kinakabahan ako at naeexcite. First time ko na imemeet siya for business purpose.

"Am I late?" I automatically stood up upon seeing the person in front of me.   Napakaformal niyang tingnan at walang ni bahid na imperfection sa mukha man o katawan. Her deep dark brown eyes really resembles Yuan.

"Mrs. Amalia De Travis, I'm glad to finally meet you." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. Tinanggap naman niya ito pagkatapos ay sabay na kaming umupo.

"Where is your mom?"

"She's busy with some events. But I assure you she has told me of the things we will discuss."

Tumango lang siya. She scanned the documents swiftly. No one will believe that infront of me is a 55 year-old woman. She looks like in her 30s.

"This project worths 100 million pesos and I have reviewed the documents ma'am-"

"You used to call me tita Lia so call me that instead." She smiled at me. I smiled back.

We discussed about the project pero mas madalas napag usapan ang kahapong nagdaan.

"I heard BU is earning a good reputation. Yuan enrolled there no'ng nag second year siya." I smiled at her statement.

I knew that dahil nagresearch ako tungkol sa mga nangyari sa kanya rito sa Pinas. I even hired a private investigator just to assure that whatever information I got firsthand ay totoo at walang filter.

Nagpatuloy kami sa aming deal and at the end she agreed to have a deal.

"Thank you, Tita. You will never regret this." Sobrang natuwa ako dahil isa ito sa malalaking project ko for this year kahit pa ay originally kay mama ang project na ito.

"Now, Blythe. Wala bang nasasabi ang mommy mo na mga bagay bagay?" I saw her smiling face turn to a serious one. Medyo kumonti ang lapad ng ngiti ko pero nakangiti pa rin ako dahil nga sa  nangyari.

"Hmm mostly po kasi business ang napag uusapan namin ni mommy. About anything else, wala siyang nababanggit." Sabi ko na lang. She knew about the event my family got involved into.

Close ang family namin dati pero siguro dahil na rin sa ayaw na ni mommy may makisawsaw sa issue ay naging isolated kami mostly sa mga family friends. Dahil ikanga ni mommy hindi namin kailangan ng mga taong makikiusisa kahit pa maganda ang intensyon. We don't know the real motive.

At simula rin noon, naging distant si Yuan sa akin. But why did he enrolled in my school? Hindi niya ata alam na sa family ko ang eskwelahang pinasukan niya.

Tumango lang si tita sa sagot ko at tumayo na. Pero bago siya umalis ay nagsalita muna siya ng mga katagang hindi ko alam kung saan nanggaling.

"I hope your mother found her way to forgiveness this time. I'm still waiting for her to call me up."

Tumayo na rin ako para makipagkamay kay tita at makipagbeso.

"I'll tell her to beep you up when I come home, Tita. Don't worry." Hindi ko ugaling umusisa ng problema ni mommy sa ibang tao. Mas gusto kong siya ang kausapin para maging fair ako sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit pati kay Tita Amalia ay naging distant si mommy. They used to be like sisters.

Pagdating ko sa  bahay ay hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni tita. Kaya naghintay ako sa sofa kay mommy. Pero naubos ko na ata lahat ng palabas sa TV ay hindi pa siya umuuwi. Hindi naman niya sinabi sa akin na hindi siya uuwi rito ah.

I decided to call her  up pero naunahan niya ako. My phone was ringing when I picked up my phone.

"Ma?" I heard indistinct conversations sa background.

"How was it?" Narinig kong may kausap siya pero alam kong ako ang sinabihan niya nito.

"Okay na po mom. Naclose na po ang deal. Bale sisimulan na ngayong Lunes dahil may mga pagkakaabalahan daw si Tita Lia." She was silent for a few seconds. I heard her sigh after.

"So you still call her that. Well, that's good then. I have to go, honey. Matulog ka na. Good night." Narinig kong kinausap siya ulit ng kausap niya sa background pero nagbakasakali pa rin akong nasa tenga niya pa ang cellphone niya.

"Ma-" But to my dismay, she hung up. Whatever the reason of my mother being this distant to Tita Lia ay dapat malaman ko. I sense something at sana mali ang nasa isip ko ngayon.

Kinaumagahan ay kinontak ko agad ang private investigator ko na inarkila ko noong una bago pumasok sa school.

Naging busy rin ako pagdating ko roon dahil may mga activities na dapat salihan. Sumali ako sa sports at pinili ko ang badminton. Nasa indoor kasi at medyo konti lang ang nanonood. Mas kalma ang environment at hindi ko kailangan ang crowded places ngayon.

Nakapasok ako sa championship- solo. I was about to give  my opponent a smash when I saw Yuan holding hands with a girl. I unsuccessfully smashed the bird kaya nanalo ang kalaban ko. Shit! What's wrong with him? Akala  ko ba tapos na ang ganitong eksena?

Lumapit ako sa bleacher para kunin ang bottled water ko at uminom. Pero hindi pa ako nakakalapit ay nakita ko na siyang patakbong lumapit sa akin. Now what? I hate this.

Inabot niya sa akin ang isang bottle ng B'lue na lychee flavor. I love lychee but right now parang gusto kong talikuran na lang ito.

"Meron ako."  At ipinakita ko ang bottled water ko at uminom rito. Nakita ko siyang medyo nawala ang ngiti niya pero agad namang nakabawi.

"You did good. Natalo ka nga lang. Pero mas maganda ka naman sa kalaban mo." Inirapan ko lang ang sinabi niya kahit na dapat ay kiligin ako.

"So you got a new girl, huh. I can see." Shit. Bakit ko sinabi iyon? Hindi dapat kahit na iyon naman talaga ang gusto kong sabihin. Pero kasi maling malaman niyang nagseselos ako.

"You're jealous. Why? Ikaw pa rin naman kasi ang best friend ko rito." His words pierced my heart to its depth.

"Yeah. Sinasabi ko lang naman. Akala ko lang naging mas focused ka ngayon sa pag-aaral mo." Nagkibit balikat lang ako kahit na gustong gusto ko siyang sapakin ngayon dahil sa nararamdaman kong inis ngayon.

"Oh. Si Gelly, classmate ko iyon sa logic class ko dati." Tumango na lang ako habang kinokolekta ang mga gamit ko para ipasok sa bag.

"Alis ka na? Saan ka punta?" Sinusundan niya lang ako palabas sa school. Alam kong gusto kong ganito siya sa akin. Nasa labas na kami ng gym at pinagtitinginan na naman ng mga matang halos ay patayin ako dahil sa talim ng mga ito.

"Magpapahangin lang. Napagod ako eh."

If I tell him now that I am Blythe, will he still follow me like now? Now I'm jealous of my alter ego. Bakit si Blythe iniiwasan niyang magkatagpo ang mga landas nila pero pag si Azura hahabol-habulin niya. I want this treatment as Blythe, not as Azura.

"Samahan na kita."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang siya ay kinukuha niya ang bag ko dahil mukha raw mabigat.

I stopped at the middle of the field. Nasa soccerfield kami ngayon. Mas mahangin kasi rito at wala masyadong tao.

"Yuan, what are you doing this for?" He stopped walking and stared at me blankly.

I want him to tell me na gusto niyang kalimutan si Blythe. I want him to tell me na kailangan niya ng diversion para lang mawala sa isip niya si Blythe. Kasi babalik ako sa kanya as Blythe kung ako ang rason ng pagiging balisa  niya tuwing nagkikita kami.

He is affected right? Affected siya dahil nakita niya ako as Blythe. Pero bakit 'di niya sinasabi sa akin ang mga ito? Am I paranoid? Overthinking? Assuming?

"I'm just being nice."

Nahinto ako sa mga  pinag iisip ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Of course! He is being nice to me dahil nga "best friend" nga raw ako ng gagong ito. Bullshit!

Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon