6 - Inis

12 0 0
                                    

ERIC'S POV

Ako si Jhon Erico Salvador. Lumaki akong mahirap. Dating nakatira sa Guagua, Pampanga. Ako ay itinakwil ng aking ama dahil sa isang trahedyang nangyari samin.

Kargador ng gulay ang trabaho ng tatay Kolar ko, habang labandera at minsan katulong naman ang trabaho ni nanay Inda. May tatlo akong kapatid, si Francine, si Erica at si Riel. Nakatapos na ng kolehiyo si Riel sa kursong BS Accountancy at nagpasyang magabroad sa Amerika para sa mga gastusin namin.

Si Erica naman ay nasa 2nd year College na sa kursong abogasya, si Francine na 1st year College sa kursong AB Psychology, at ako na 3rd year high school pa lang na dapat ay 4th year at graduating student na dapat ako.

Gusto kong kumuha ng kursong BS Nursing, pero sa tingin ko hindi na kakayanin ni papa na paaralin kaming lahat kahit na may trabaho na si ate Riel sa abroad ay hindi pa rin kasya ang perang natanggap namin sa pang-araw-araw na gastusin. Ang lahat ng perang nakukuha namin ay ipinambabayad lang sa utang sa tindahan ni aling Isin.

Ang sahod naman ni papa ay yun na lang ang pinagkakasya namin sa pang araw-araw na pamumuhay. Kahit sila ate Erica tsaka si ate Francine napilitang tumigil muna sa pag-aaral para lang magtrabaho para may pandagdag gastusin sa bahay.

Ang nakukuha namang pera galing sa paglalabada ni nanay ay napupunta lang din sa utang.

Minsan naman kung matumal ang pagiging kargador ni tatay ay rumaraket siya sa kaibigan niya at tinutulungan niyang magtanim ng palay. Hati sila sa perang natatanggap nila kapag binibenta yung ani, ngunit di pa rin sapat kahit pagsamahin yung  sahod niya sa pagiging kargador at pagtatanim ng palay.

Kahit pagsamahin pa yung sahod ni ate Erica bilang crew sa isang fastfood chain at ni ate Francine bilang isang janitress sa isang mall, hindi pa rin kasya sa pang-araw-araw na gastusin.

"Mga anak, pasensiya na sa hapunan natin." Sabi ni tatay habang naglalapag ng nilagang saging na saba at nilagang kamote.

"Ayos lang, tay. Nakakakain pa naman tayo, diba?" Sabi ni ate Francine. Napangiti kaming lahat. Ayos lang samin kahit anong ulam ang nasa mesa, basta masaya kaming nagsasalo-salo.

"Sana nandito si ate Riel nyo para sobrang saya natin." Nalungkot kami sa sinabi ni nanay.

"Hindi kaya magagalit si ate Riel kung nalaman niya na yung perang pinapadala niya e pambayad lang ng utang?" Napatingin kami sa sinabi ni ate Erica. Nalungkot naman si nanay sa sinabi niya.

"Bueno, wag na muna niyong isipin yan. Kumain na muna tayo." Sabi ni papa at kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain ay naglatag na kami ng banig at unan. Magkatabi sina nanay at tatay, habang magkatabi naman sila ate Erica tsaka si ate Francine. Habang ako ay nasa upuan na gawa sa kawayan ako natulog. Hindi na kasi kasya pa yung banig para matulog ako sa baba.

Maaga ako gumising para magpakain ng mga manok, at para maglinis ng kotse ni Don Pago, para may pambaon ako.

Pagkatapos ko maglinis ng kotse at ng bakuran niya ay binigyan niya ko ng 40 pesos. Malaking bagay na sakin yun pang pamasahe papunta at pabalik. 14 pesos papunta sa bayan at 14 pabalik. At yung sukli ay iipon ko na lang para may ipambili ako ng prutas para sa pamilya ko.

Habang nagkaklase ako ay hindi ko maiiwasang matulala ay lumipad ang utak ko habang nagtuturo si mam. Natauhan naman ako nung tinawag ako ni maam para sa recitation.

"Erico, answer this." Sabay turo sa isang math problem.

"Ma'am, hi-hindi ko p-po alam y-yan. P-pasensya na p-po mam." Utal-utal kong sagot.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon