2 - Identification Card

16 0 0
                                    

Camille POV

"Tiga rito pala si Charles." Bulong ko sa sarili ko.

Nakita ko yung i.d niya habang pinupulot ko yung 20 pesos. Ang gwapo pala niya dito sa picture.

Nung tinignan ko yung section niya nanlaki yung mga mata ko.

Classmate ko siya.

Pero bakit wala akong naririnig na pangalan ni Charles sa room? Kahit sa quiz wala akong nakikitang Charles sa papel. Madalas kasi na ako yung nagchecheck sa mga papel nila dahil ako lang din yung madalas na perfect sa mga quizzes.

Pagkauwi ko sa bahay pumunta na ko sa kwarto ko dahil nabusog naman talaga ako sa kinain ko kanina thanks to Carm. Ang cute cute ng kapatid ko pag nililibre ako. Pero pag di niya ko nililibre mas panget pa siya sa engkanto.

Pagkapasok ko sa kwarto tapos humiga muna ako. Pagod na pagod ako ngayong araw sa dami ng pinapagawa. Dagdag mo pa yung assignment ni Carm. Bakit ko pala yun sinabi pinagsisisihan ko na huhu.

Maya-maya kumatok si Roldan.

"Bukas yan."

"Pagbuksan mo ko ng pinto."

"At sino ka naman para utusan ko." Tinarayan ko siya ng boses para di na siya pumalag

"Ah ganon, sige sisipain ko na lang tong pinto." Banta niya sakin.

"Eto na bubuksan ko na." Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin yung illustration board, cartolina at mga panulat para sa assignment niya.

Napalunok ako ng laway bago ako magsalita. "Yung totoo Roldan, assignment ba yan o project?" Tinarayan ko siya.

"Gagawin na raw siyang project sabi ni sir minutes ago." Sagot niya.

Ginulo ko yung buhok ko na para akong nababaliw sa kanya.

"Kelan deadline nito?" Tanong ko.

"Secret." Aba may pasecret secret pa tong mokong na to. Iniinis talaga niya ako.

Tumawa bigla si Carm. "Alam ko na yang istilo mo ate. Kung kelan kinabukasan yung deadline tsaka mo pa lang gagawin. Kaya lagi akong F yung grade sa projects." May pa ganyan pa siya ha. Ayoko ngang gawin to.

"Yun naman pala eh, bat di ikaw gumawa kung wala ka nang tiwala sakin. Iniinis mo lang ako Roldan." Sabay taray ko sa kanya. Di na mapakali si Roldan sakin.

"Sorry na ate, basta ha. Next week yung deadline. Pag maganda yan lilibre kita ng milktea." Bigla naman akong ngumiti ng todo sa mga sinabi niya. Lilibre ako ng milktea? Sure ba, gagandahan ko lalo yang project mo tapos A+ yung grade mo.

Tumawa naman si Roldan. "Tignan mo talaga, adik talaga sa milktea. Uy basta ha ate. Punta na ko sa kwarto ko. Bye." sabay alis ni Roldan.

Teka naisahan ako ng kapatid ko. Argh! Dahil lang sa milktea kelangan ko pang gandahan yung gawa niya. Eh pwede naman akong bumili niyan anytime. Ah basta, libre naman eh hihi.

Tinignan ko ulit yung i.d ni Charles. Tinignan ko yung likod ng i.d niya baka nandun yung number niya baka sakaling tatawagan ko siya para malaman niya na nasakin yung i.d niya.

Tinawagan ko yung phone number na nakasulat sa likod pero cannot be reached daw.

Tinext ko naman siya pero sent lang. Hindi na siya nagreply o sineen man lang yung message ko. Mukhang lowbat yata siya kaya dadalhin ko na lang to bukas baka makilala ko pa siya doon.

Tinignan ko yung address na nakasulat sa likod. Malapit nga siya rito, eh kung puntahan ko na lang kaya siya. Kaso wag na, bukas na lang.

Nilagay ko yung i.d niya sa bag ko tapos binasa ko na yung instructions sa notebook niya. Medyo nakakatamad basahin dahil masyadong mahaba.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon