3 - Nawawala

15 0 0
                                    

CHARLES' POV

"Gumising ka na Kuya Charles."
"Sabing ayokong tawaging Charles e."
"Sorry na Kuya Inno."
"Yan good, mas better pakinggan."

Ang pangit ng gising ko sa bungad ni Yuna, pinsan ko. Gumising na lang ako at bumangon sa pagkakahiga ko, ayokong masira tong araw ko dahil sa kanya dahil may tumawag lang sakin na 'Charles'.

May reporting pa kami sa English class kaya dapat focus muna ako sa mga sasabihin ko.

Bumaba na ko at pumunta na sa dining table. Kasama ko ngayon sa hapag-kainan si Yuna, si mama, si papa, tsaka si ate Reigne.

"Nak, kamusta naman yung sarili mo sa school?" Tanong ni mama dahilan para masira yung katahimikan.

"Ayun, patay na patay pa rin kay Camille." Singit na sabi ni Yuna.

Sinamaan ko ng tingin si Yuna. Tumatawa naman siya. Ayoko kasing malaman nila na hanggang ngayon patay na patay pa rin ako kay Camille.  Bwisit kasi tong si Yuna e, bakit ba nandito si Yuna e di ko naman kapatid?

"Manahimik ka Eunice." Inis kong sabi.

"Hoy! Ayokong tawagin na Eunice kaya pwede ba Yuna na lang. Cute kasi." Aba feeling pa tong Yunang to kala mo diwata mukha namang ermitanya.

"Edi quits na tayo. Tinawag mo kong Inn--" oops. Buti na lang napigilan ko yung sarili ko.

Ayaw ni mom & dad na ibahin yung pangalan ko. Tanging Charles lang ang pwedeng tawagin sakin. Si Yuna lang tsaka mga classmates ko lang pwedeng tawaging Inno.

Ang cute kasi bigkasin yung inno, ang sweet pa hihi, kasing charming ko. Tsaka inno means innocent. Inosente naman ako talaga, walang halong biro. Charming lang ako tsaka matalino, pero si Camille lang nasa puso ko hehe, kahit di ako gusto non.

Di ko na inisip yung pangit na araw ko ngayon, mas mahalaga yung reporting namin sa English para mamaintain yung honor student ko. Sayang naman yung hirap at pagod ko kung wala rin namang mapupuntahan.

Ano ba kasing nakain ng teacher ko at final project namin yung reporting. Ang hirap kaya non lalo na sa isang di palakibo sa room. Di ko nga alam kung kilala ako ni Camille eh, o ng kahit sinong tao sa room. Kilala lang nila ako bilang 'Inno' at hindi 'Charles'.

Gusto ko nga rin sa I.D ko na Inno e sabi daw ng gumagawa kelangan daw talaga real name. Kaya Charles Garcia nakasulat doon.

Pero teka, nasan yung I.D ko? Naiuwi ko ba? Ahhh puñeta naman nalaglag pa yata sa daan. Sobrang lutang ko na.

Pagkaligo ko agad naman akong nagbihis pero walang i.d na nakasabit sa katawan ko. Pakiramdam tuloy nakahubad ako huhu.

Pagbaba ko nagpaalam na ko sa kanilang lahat at umalis na. Kasabay ko naman si Yuna tsaka si Ate Reigne pero magkaiba kami ng school na pinapasukan kaya ako laging naiiwang mag-isa sa biyahe.

Habang nakasakay kami sa kotse ni mama iniisip ko kung saan ako huling nagpunta noong mga araw na yun.

'Habang naglalakad ako pauwi ay napadaan ako sa tindahan para bumili ng softdrinks. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa bilihan ng baga at isaw para bumili. Habang kinakain yun ay binangga ako ng mga batang naghahabulan, hindi ko naman pinansin yung mga yun kaya umuwi na ako. Pagkalingon ko sa mga bata nagkumpulan sila at parang may pinagpipiyestahan silang isang bagay. Tapos hinagis ng isang bata paitaas tapos tumakbo sila. Hindi ko na tinignan kung ano yun dahil sa pagod ako at wala naman akong pakialam kung ano yung bagay na yun.'

Posible kaya yung bagay na hinagis ng bata eh I.D ko yun? Andaming tanong sa isipan ko.

Natauhan ako nung narinig ko yung boses ni mama.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon