11 - Ngiti

9 0 0
                                    

CAMILLE POV

Pagkagising ko sa umaga ay nagsisigawan yung mga tao sa labas. Anong meron?

Pagkalabas ko ng tent ay nakita kong sumasayaw ang mga tao. Teka ano ba talagang nangyayari?

Napatanaw ako sa labas. Maaliwalas na ang panahon sa labas. Eto siguro kinasasaya nila. Bigla kasing naging pangkat-etniko tong mga kasama ko haha.

Agad kong ginising sila mom at dad para sabihin na umaraw na sa labas at pwede nang umuwi.

Pagkapunta ko sa tent ay nakita ko na silang gising na. Mukhang mahaba at mahimbing silang nakatulog.

"Magandang umaga sainyo mom, dad." Bungad ko sa kanila.

Nag-unat muna sila bago nagsalita.

"Ang ganda ng umaga mo ha." Masayang sabi ni mom sakin.

"Siyempre, mom." At sinuklian ko rin siya ng isang magandang ngiti.

Narinig din nila na nagkakagulo at nagsasayahan sa labas. Hindi mapakali si mom sa mga naririnig niya sa labas.

"May nangyayari ba sa labas, anak?" Tanong sakin ni mom.

"Ano ka ba ma, wala. Nagsasayahan lang sila sa labas." Sagot ko.

Sobrang ingay na nila sa labas na dahilan ng pagkagising ni Roldan. Aba ngumiti agad tong kapatid ko agad ha. Siguro may nangyaring magandang panaginip to.

"Magandang umaga ate." Bungad sakin ni Roldan. Hindi nga ko nagkakamali, ang saya-saya niya ngayon. Bakit kaya? Siguro nakita niya yung Yuna na yun kaya kinilig siya ng todo.

"Mas maganda pa rin ako sa araw." Bati ko sa kapatid ko. Natawa naman si Roldan sakin. Hoy, hindi ako nagbibiro. Mas maganda talaga ako sa araw hmpk hihi.

"Baliw ka talaga ate." Tumatawa pa rin si Roldan. Nako ang swerte niya parehas kaming nasa good mood, tsaka maraming tao dito. Baka binigwasan na kita.

"Anong baliw?" Tinarayan ko na lang siya.

"Wala, ate. Sabi ko ang ganda mo." Good. Marunong ka pala makiramdam Roldan. Thanks hihi.

"Nako ang gaganda ng mga araw niyo ha." Bungad samin ni dad.

"Maganda sana, kaso tinawag lang ako ni Carm na baliw. Kaya sira na araw ko." Sabay tingin ko kay Roldan na masama. Gusto ko lang naman na takutin siya sa tingin ko.

"Hay nako, tara na magimpake na tayo." Singit na sabi ni mom.

"Saan tayo pupunta mom?" Tanong ni Roldan na ako sana magtatanong.

"Grr." Mahina kong sabi.

"Saan pa ba? Edi babalik tayo sa bahay natin." Sabi ni mom sabay tawa. Nababaliw na rin si mom mana lang sakin hihi.

Nagimpake na kami ng gamit at lumabas na ng tent. Nakita namin yung mga kabarangay na sobrang saya.

"Wala na raw yung bagyo. Humina na raw."
"Ay salamat naman sa Diyos!"
"Makakabalik na tayo sa bahay."

Napangiti kaming lahat sa mga sinasabi ng mga tao. Totoo kaya yun? O baka lalakas pa mamaya at kelangan ulit naming lumikas.

"Dala-dala niyo na ba?" Tanong ni mom samin.

"Opo ma." Sagot naming dalawa ni Roldan.

"Tara na." Marami pa tayong aayusing gamit." Sabi ni papa.

"Magsuot muna ho kayo ng bota sir." Isang boses ang nagsabi para tumigil kami sa paglalakad.

Pagkalingon namin ay nakita namin si Inno tsaka may kasama siyang babae na may dala rin ng bota. Baka si Yuna yun.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon