44 - Grand Ceremony

4 0 0
                                    

CAMILLE POV

"Bakit ano bang meron?" Muling pagtatanong ni papa nang makauwi na kami sa bahay. Huminga muna ng malalim si Martha at tsaka siya nagsalita.

"Naalala na ni Camille ang pagkatao niya." Sagot niya habang nakatingin silang lahat sakin.

"Camille, o-oka-" Hindi na natuloy ang tanong ni Inno nang bigla akong sumigaw sa kanya.

"Hindi Inno!" Sigaw ko sa kanya dahilan para magulat siya.

"Pasensiya na, magpapahinga na lang muna ako sa taas." Pagkasabi ko nun ay lumabas na ko sa kotse at umakyat na ko sa kwarto ko.

Pagkaakyat ko sa kwarto ay binalibag ko ang damit at heels at nagbihis na ako ng damit pangbahay at tsaka humiga.

Habang inaalala ko ang lahat ay hindi ko namalayan na napaluha na ako sa bigat ng nararamdaman ko. May narinig naman akong kumatok at pumasok si Martha dala-dala ng isang baso ng gatas.

"Camille, alam kong binabagabag ka ng nangyari kanina kaya inabutan kita ng isang baso ng ga-" Natigilan siya nang bigla ko siyang tinanong ng masinsinan.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Sa unang tanong ko ay hindi siya sumagot kaya inulit ko muli ang tanong.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Sa ikalawang tanong ko ay mas diniinan ko pa, at dala ng kaguluhan sa kanyang utak ay nagsalita siya.

"Sasabihin ko sana sayo kaso." Tumigil siya sa pagpapaliwanag, huminga muna siya ng malalim at nagsalita ulit.

"Nakakaramdam ka ng sakit ng ulo kaya hindi ko matuloy." Paliwanag niya dahilan para malinawan ang gulong-gulo kong utak.

Nanaig ang katahimikan sa buong kwarto at ilang minuto pa ay napagpasyahan ni Martha na umalis na sa kwarto ko at ilang saglit pa at nakatulog ako ng mahimbing.

Pagkagising ko ay isang usapan ang bumungad sakin sa baba. Naririnig ko si papa tsaka si Martha.

Pagkababa ko ay puro gamit ni Martha ang nasa baba. May balak na ba siyang umalis? Napansin agad ako ni papa kaya dali-dali akong tinawag.

"Camille, halika dali aalis na si Martha." Sabi ni papa at tumingin ako kay Martha.

"Tutal magaling ka na ang papa mo na ang bahala sayo. Maraming salamat sa lahat, at patawad din kung hindi rin kita nasabihan dati pa. Patawad sa lahat ng nagawa ko. Maraming salamat rin sa lahat, naging matagumpay ang mga nagdaan nating misyon." Sabi niya sakin sabay yakap. Bumibilis naman ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko inaasahan na aalis na si Martha.

Pagkatapos namin magyakapan ay hindi ko namalayan na umalis na pala siya sa harapan ko. Sinubukan ko siyang hanapin sa garahe at sakto ay nandun pa siya at inaayos pa ang mga gamit niya. Hinabol ko siya at susubukan kong wag na siya umalis.

"Teka, teka." Sigaw ko at lumingon siya sakin na tumatakbo.

Pagkarating ko sa kanya ay kinausap ko siya tungkol sa nangyari kagabi.

"Kung aalis ka dahil sinigawan kita, patawarin mo ako." Pagmamakaawa kong sabi pero ngumiti lang siya.

"Hindi dahil doon, kasi hindi nyo naman talaga ako kapamilya mo at may naghihintay sakin sa Zambales." Sabi niya at sumakay na siya sa kotse niya. Siguro hindi ko na siya mahaharang pa.

"Pero bago ako uuwi ng Zambales may huli akong misyon na gagawin dito." Sabi pa niya.

"Pero paano ang pagiging señora mo sa Lariaga?" Tanong ko.

"Ipapasa ko na sayo ang tungkulin ko. Ikaw na ang mamumuno sa Lariaga." Sagot niya na ikinagulat ko.

Magiging pinuno ako ng Lariaga? Papaano eh hindi naman ako naging miyembro man lang.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon