46 - The Competition

3 0 0
                                    

A.N/ Baka nalilito po kayo goysh ha, kasalukuyan pong nasa katawan ni Roldan si Charles a.k.a Inno at si Charles ay nasa katawan ni Roldan.






CAMILLE POV

Kinabukasan ay naging magaan ang pakiramdam ko. Ngayon ko lang makikita na seryoso si Roldan/Inno at Inno/Roldan sa archery competition ngayon.

Competition? Pwedeng malagay sa panganib ang buhay nila dahil kay Alicia.

Hindi nga nila ako napatay, pero maaring sila ang papatayin ngayon. Kailangan ko silang bantayan sa competition.

Bumaba ako at nagmadali sa pagkilos. Napansin naman ako ni Martha na nagkakape sa kusina at lumapit sakin para tanungin.

"Cuál es el problema?" Takang tanong ni Martha sakin. (What's the problem?)

"Yung kapatid ko, malamang nasa panganib sila ngayon. Necesito salvarlos." Sabi ko naman at tsaka ay naligo na at nagbihis. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil magtatagal lang ako sa kanya. (I need to save them)

Pagkababa ko ay nakabihis na pala si Martha. Napakabilis niyang gawin iyon kumpara sakin.

"Estaré juntos." Sabi ni Martha at kumilos na kami. Kailangang mailigtas sila sa dadating na panganib dahil sakin. (Sasama ako.)

Pagkadating namin sa kotse ay agad pinaandar at ilang minuto lang ay nakarating agad kami sa school ko. Its good to see you back.

Papasok na sana ako nang bigla akong hinila ni Martha.

"Hindi ako pwedeng pumasok dyan. Dito na lang ako sa labas." Sabi niya.

"Heto, may extra I.D ako. Gamitin mo iyan." Sabi ko at nilabas ko yung isang I.D na kinuha ko sa bag ng kaklase ko. Ginamit naman niya iyon at agad na nakapasok kami.

"Buenos días señor." Bati niya sa mga gwardiya na nagbabantay sa campus. Bumati naman sila pabalik at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. (Good morning sir)

"Separémonos para no percibirlo." Sabi niya at tsaka naghiwalay kami. Ako sa kanang bahagi ng gym, siya naman ay nasa kaliwang bahagi. (Maghiwalay tayo para hindi tayo mahalata)

Umupo na kami at nanood ng laban nila sa archery. Nag-iinit ang laban nila Inno, Roldan, Cassie at Falcon dahil sila ang napili para sa finals, at isa sa kanila ang papasok bilang representative para sa cluster na magaganap sa April.

"Camille! We miss you." Sigaw ng mga kaibigan ko na halos dalawanpung metro lang ang layo namin. Pumunta naman ako doon at niyakap ko sila.

"I miss you too." Sabi ko sa kanila habang yinayakap ko sila.

"Balita ko sis nagka-amnesia ka raw." Ang lakas talaga makasagap ng balita etong kaibigan ko hehe.

"Oo nga." Nagsang-ayunan naman ang mga kaibigan ko sa sinabi ng tigabalita namin.

"Ano ba kayo, okay na ko. No need to worry for me." Sabi ko sa kanila at tsaka ngumiti.

"Edi ibig sabihin kilala mo pa kami?" Tanong ni Rica na close friends kami at tumawa ako sa kanya.

"Ewan." Sarkastiko kong sagot.

Habang nag-uusap kami ay umaalingawngaw ang mga sigaw ng magkabilang panig na ikunuha ng atensyon namin.

"I'm sorry Falcon Mendoza of Grade 8 level and Cassie Sanchez of Grade 7 level but you didn't make it to the last duos." Sabi ng emcee na nasa gitna habang kinukuha ng mga maintenances ang mga palaso sa target.

Sila Charles at Roldan na lang ang natitira sa kanila, at isa sa kanila ang magiging representative nila.

"It's up now to Charles Garcia of Grade 10 level, and Roldan Francisco of Grade 9 level." Sabi pa ng emcee at muling sumigaw ang mga tao sa gymnasium.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon