28 - Raindrop

9 0 0
                                    

CAMILLE POV

Nakakaboring dito sa bahay. Panonood lang ng TV sa bahay at pagcecellphone ko lang ang nagagawa ko dito. Minsan pa ay walang gana makipaglaro sakin si Groot kahit na si Drax. Hay nako talaga.

Naisip ko kung magluto kaya ako para paguwi ng dakila kong kapatid e may makain siyang lason. Joke lang hehe.

Pumunta ako sa kusina at nagbukas ng ref para tignan kung ano yung pwede kong lutuin.

Gusto ko kasing iupgrade yung pagiging babae ko into cooking hehe.

Pagkabukas ko ng ref ay tanging mga lutong ulam at ham lang ang nasa ref. Tsaka ilang noodles din. Nakakainis naman, kung kelan mo gustong magluto e wala namang lulutuin.

Pagkabukas ko ng freezer ay tumambad sakin yung mga lalagyan ng ice cream. Ngumiti ako dahil kahit papaano isda laman ng mga lalagyanan.

Nang nilapag ko na ang lalagyan ay binuksan ko ito. Kamalas-malasan talaga ng buhay ko dahil literal na ice cream ang laman ng bawat isang lalagyan at walang isda. Nakakainis na araw.

Dahil wala na talaga akong mailuto nilabas ko na lang ang frozen adobo sa ref at ininit ko na lang. Mas okay na to kesa wala akong makain.

Dahil naririnig ni Groot ang kalantsing ng kutsara't tinidor bumaba siya at dumiretso sakin. Kahit kailan talaga pagkain lang trabaho ni Groot.

Pagkainit ng pagkain ay hinanda ko muna yung dog food kay Groot. Tinabi ko sa sala ang lalagyan niya habang takam na takam siya sa dog food ko.

Pagkalapag ng isang tabong dog food ay agad nilamutak ng aso ko. How cute.

Pagkatapos kong lagyan ay pumunta ako sa kusina para asikasuhin naman yung pagkain ko. Kumuha ako sa freezer ng isang solo pack na ice cream, kasama ng kanin at ulam ko at kumain ako sa TV habang nanonood.

Ilang oras din akong natapos kumain habang si Groot naman ay natutulog sa tabi ng kainan niya.

Hinugasan ko na ang plato ko at nagligpit na, at bumalik ulit sa sala para manood.

Buti na lang at Mazerunner ang current movie ngayon, kundi mabobored ulit ako.

Pagkatapos kong manood ay nagpasya na lang ako na gumala kasama si Groot. Bahala na kung saan kami makakapunta, basta makalabas at makalanghap man lang ng sariwang hangin.

"Groot, bonding tayo with mommy!" Sabi ko para gumewang-gewang ang mga buntot niya. Yep were excited dahil tandem na naman kami sa gala.

Pinatay ko na ang TV at tsaka tinali ko na si Groot at umalis na kami. Pagkalock ng gate ay tinanaw ako ang daan kaliwa't kanan at huminga ng malalim.

"Groot, let's go." Sabi ko sa aso ko sabay bulsa ng susi.

Habang nagbabaybay kami ng daanan ay mga taong may kanya-kanyang buhay ang tumambad sakin. How busy they are.

Patuloy pa rin akong naglakad papunta sa isang park ay nagring ang phone ko.

From: Unknown Number
[Sorry ipapaliwanag ko na lang mamaya kung paano ko nakuha yung number mo. Si Martha to, nasa bahay mo na ako, pero wala ka.]

Hala may usapan pala kami ni Martha na magkita kami.

"Groot, uwi na tayo." Sabi ko at tsaka muling naglakad pabalik.

Ilang minuto at nakabalik na ako sa bahay ko. Nandoon pa rin si Martha na nakasandal sa kotse niya.

"Martha, pasensiya na." Sabi ko at tumingin sa kanya.

Nakasuot siya ngayon ng white plain shirt at black jacket,nakasuot din ito ng black cap na nakaponytail ang buhok niya at nakashades, bagay na ikinacool ng tingin niya.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon