20 - James Hywer

10 0 0
                                    

CAMILLE POV

Pagkapasok namin pabalik sa bahay ay naligo na ko agad. Eto namang bakulaw na kapatid kong to naiinis pa rin sa ginawa ko kanina. Natawa na lang ako.

"Ano ka ba? Magkikita pa kayo." Sabi ko habang nasa shower ako.

"Ang ganda na ng usapan namin eh." Inis niyang sabi habang naghihintay sa labas.

"Ano naman? Pwede niyo pang ituloy yun. Wag kang maarte." Pagtataray kong sabi.

"Whatever." Naramdaman ko yung yabag ng paa niya na paalis na ng pinto. Success! Nakaganti rin ako sa kapatid kong b-a-k-u-l-a-w.

Nang matapos na ko maligo ay pumunta na ko sa kwarto ko para magbihis. Eto na namang uniform kong to yung susuotin ko. Mukha na kong bungisngis sa suot kong to. Paano kasi 4 years ko na tong suot buti na lang at kasya pa sakin to hanggang ngayon.

Pagkatapos kong magbihis ay nanatili muna ko sa kwarto ko. Ayoko pang bumaba ewan ko kung bakit.

Naisip kong hanapin yung chest na naglalaman ng mga liham at alaala namin ni James. Na-mimiss ko na siya.

"Namimiss na kita, James? How's up there in heaven?" Sabi ko na kasabay ng pag-agos ng mga luha ko.

"Don't worry, I still love you today." Napabuntong-hininga ako nang makita ko na yung chest.

Of course yung susi ng chest ay laging nasa I.D lace ko. Ayoko mang dalhin yung chest araw-araw yung susi na lang ang natitirang alaala na pwede kong dalhin kahit saan.

Nang binuksan ko na ang chest ay naglantaran ang mga alaala namin kasama ko siya.

"Kasama kita sa pangarap ko. Pangarap kong makasama ka hanggang sa simbahan. Mahal na mahal kita, Cams." Habang binabasa ko ay hindi ko mapigilan na maging emosyonal ako. Sa totoo lang, sa kanya nagmula ang palayaw ko na "Cams" dahil sawa na siyang makarinig ng Camille. Masyadong mahaba daw.

Habang inaalis ko isa-isa ang mga liham ay may nakita akong isang maliit na kahon. Mukha itong bago kaya napagtanto ko na buksan ito.

Nakatambad sa loob ang dalawang sulat na nakatupi, at isang kwintas na ginto.

"Sa takdang panahon pa magiging abo ang kwintas na iyan. At sa pagkakataong maisalin ang henerasyon ni Don Protacio Francisco ay mangyayari ang nakatakda." Nagtataka ako sa nilimbag dito sa munting papel. Mukha itong lumang-luma na at ang panulat ay hindi ko maihalintulad kay James. Nakakapagtaka kung saan ito galing.

Nang binasa ko na ang pangalawang papel ay may nalaglag na abo. Natatakot ako baka eto na yung kwintas na sinasabi huhu.

"Ang ika-unang henerasyon mula sa kanunuan ni Don Protacio ay nakatanggap rin ng sumpa sa mga katutubong tagalog, naipasa kay Don Protacio at titigil lang ang sumpang ito kapag naipasa na sa ikatlong henerasyon ng mga Francisco." Iyon ang nakasulat sa papel na gula-gulanit na.

Nang marinig ko na si Roldan papalabas na ng pinto ay niligpit ko na ang mga gamit at binalik sa ilalim ng bookshelf.

Nakakapagtaka pa rin kung saan galing ang mga liham na iyon. Nakakatakot din sa mga nakasulat sa liham na iyon. Kahit na alam kong di mangyayari yun naiisip ko pag nangyari ang nakasulat.

"Ate, tara na! Ano pa bang iniisip mo dyan?" Sigaw ni Roldan dahilan para matauhan ako.

"Ah s-sige susunod ako." Nauna nang bumaba si Roldan, at sumunod na ako pababa. Hinatid naman kami ni mama at mangangakong susunduin kami mamayang uwian.

"Ate, may problema ba?" Bungad sakin ni Roldan dahilan para magulat ako.

"Wala. Pre-occupied lang tong utak ko." Tumawa siya sa sinabi ko.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon