22 - Pangarap

8 0 0
                                    

CAMILLE POV

After 2 months.
"Good morning people. Today is the first day of September, which means that cold breeze is officially here." Hindi ako makatulog kaya nakikinig muna ako ng radyo. Sobrang lamig ngayon, hindi angkop para magjogging.

Dahil wala akong magawa ay pinatay ko na yung aircon at binuksan yung bintana at dumampi sa balat ko yung malamig na hangin. Good feeling.

Gusto ko ulit makaramdam ng ganitong feeling after 2 months of puro aral. Tutal natapos na yung exam namin so chill muna kami rito.

First day of September pa lang pero ramdam mo na yung lamig. Bakit ang aga naman nangangatog ako sa lamig.

Bumaba ako para magtimpla ng mainit na tsokolate. May naririnig na naman akong yabag ng paa papalapit sakin.

Nakaramdam ako ng takot at kumuha ako ng patalim bilang depensa sakin. Bumabagal ang paglakad niya na kinatakot ko lalo.

"Ibaba mo yan, baliw ka talaga." Mahinang sabi ng isang boses na pamilyar sakin.

"Roldan? Ang aga pa ha." Sabi ko.

Binuksan niya ang ilaw at kumuha rin siya ng baso.

"Magtitimpla rin ako ng tsokolate. Bilisan mo diyan, sayang ang lamig ng panahon sa taas." Sabi niya.

Pero teka, wala namang bintana sa kwarto niya ha. Nakakapagtaka.

"Ano?" Nagtaas ako ng kilay sa pagdududa ko na pumasok siya sa kwarto ko.

"Sa rooftop kasi ate." Sabi niya at dahil doon lumuwag ang paghinga ko.

Pagkatapos kong magtimpla ay agad siyang nagtimpla at umakyat na ako sa taas.

Pumunta ako sa rooftop kung saan tumatambay si Roldan. Bakit pa sa bintana eh may pinto naman sa gilid mas mahangin pa pag sa labas.

Kumuha ako ng tuwalya bilang panakip sa aking sexy body at tumanaw sa kawalan.

Sobrang lamig at sobrang sarap sa feeling habang may pampainit ka. Sana tumagal pa si Roldan kasi masarap dito mag-isa.

Ito yung feeling na pag may kasama kang mahal mo, ito yung best night ever. Dahil magkayakap kayo habang tinatanaw ang mga bituin sa langit.

Pero di na mauulit yun dahil kay James. Hay James, sana nandito ka ngayon. Magkasama pa sana tayo dito habang tinatanaw ang mga bituin.

Kay Inno? Pwede rin pero hindi magbabago yung tingin ko kay James.

Naramdaman ko si Roldan na umaakyat na at papalapit siya sakin. Wala na yung feeling ko tuloy.

"Ate, kanina ka pa diyan?" Tanong niya sakin habang hinihigop ang mainit na tsokolate.

"Oo, dami ko na ngang naiisip eh." Sagot ko.

Muli kaming tumingin sa mga nagtaasang mga building na kayang abutin ang langit. At tsaka muli siyang nagtanong.

"Ano bang pangarap mo ate?" Tanong niya sakin na ikinataka ko.

"Cardiologist." Simple kong sagot na ikinatawa niya.

"I mean, ano na bang balak mo ngayon?" Tanong niya ulit sakin habang ngumingisi siya.

Humigop muna ako ng tsokolate at sumagot.

"Manatili muna sa buhay ko." Sagot ko.

"I'm not fixing myself, I'm just improving." Sagot ko para mapanganga si Roldan. Hugot!

"Then you are improving for what?" Muli niyang tanong sakin.

"To make the better version of me."

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon