12 - Paalam (Part 1)

6 0 0
                                    

CAMILLE POV

Maaga akong nagising dahil ngayong araw na aalis si dad papuntang u.s. Nalulungkot ako para sa kanya dahil kelangan pa niyang lumayo samin, pero naiintindihan ko siya. Kelangan niyang umalis para sa ikabubuti ng edukasyon at buhay namin.

Natutulog pa sila ng mahimbing, sorang aga pa. Pero hindi na ko makatulog dahil sa di maipaliwanag na dahilan.

Tumingin ulit ako sa librong binabasa ko kagabi. Tinatamad akong magbasa ngayon.

Tinanaw ko ang sirang bintana. Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Minsan lang ako makaramdam ng ganito. Dahil sa kakareview at kaka-advance reading, pati ganitong paraan ng pagpapagaan ng pakiramdam ko hindi ko na magawa.

"Susulitin ko yung ganitong panahon." Bulong ko sa sarili ko.

Bumaba ako para magtimpla ng paborito kong mainit na tsokolate, bagay sa malamig na hangin.

Habang nagtitimpla ako ay parang kakaiba ang pakiramdam ko. Parang may nakatitig sakin. Kapag lumilingon ako wala naman. Siguro nahihibang lang ako. Wala ito, wala.

Pagkatimpla ko ay umakyat na agad ako sa taas at bumalik sa may bintana. Inaamoy ang malamig na simoy ng hangin habang humihigop ng mainit na tsokolate.

"Aaaaahhh." Mahina kong ungol dahil sa binigay na init ng tsokolate.

Muli akong nakaramdam ng saya sa sarili ko. Mula sa ilang taong hindi ko pagdanas nito, masasabi kong gusto kong ulit-ulitin ito.

Napaupo na ko sa gilid ng bintana at nagmasid sa walang katao-taong daanan. Nakaramdam ako ng lamig mula sa hangin. Wala nang mas sasaya pa dito.

"Camille? Gising ka na pala." Sagot niya sa malalim na boses. Napababa ako sa kinauupuan ko at pagkatalikod ko, si Roldan lang pala.

"Bakit gising ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil hindi ako natutulog." Hinampas ko siya sa braso dala ng inis na sinagot niya.

"Binibigyan na ba kita ng permisong makapasok dito?" Pagtataray ko sa kanya.

"O siya, maliligo na ko." Sabi niya.

Ang aga pa para maligo siya, siguro may iba pa tong pupuntahan.

Matagal ding naligo si Roldan at pagkatapos niyang magbihis, dinala nuya yung aso niya, si Drax. Ang cute lang tignan na nagkakasundo kami sa pangalan ng mga aso namin. Favorite kasi namin yung Guardians of the Galaxy noong bata pa kami hanggang ngayon. Favorite ko si Groot at crush naman niya si Drax. Paano kasi puro pictures and wallpaper ni Drax nasa kwarto niya.

Pagkatapos niyang magbihis ay dinala na niya si Drax. Nakabihis talaga siya, parang mag-jogging sila. Nakakainggit naman.

Pero teka, jogging? Eh bakit hindi niya sinabi sakin? Gosh kinalimutan na yata ako bilang kapatid niya. Sinaman ko siya ng tingin pagkapasok niya sa kwarto ko. Napangiti naman siya.

"Wag kang mag-alala, di kita kinalimutan. Sasama ka?" Nakaramdam ako ng kaunting saya. Sa wakas mag-jojogging kami kasama ng kapatid ko, at ng mga aso namin.

Mabilis lang akong naligo, nagsuot na rin ako ng damit pang jogging at dinala ko rin si Groot.

Dahan-dahan lang kaming lumabas ng gate para di sila magising. Kinikilabutan ako dito sa kapatid ko baka kasi hindi pa siya nagpaalam eh.

"Nagpaalam ako. Wag kang parang daga dyan na nagtatago pa." Sabay tawa niya. Dahil doon kinurot ko siya sa braso at umaray ng malakas, na dahilan para magtahulan yung mga asong gala.

Nagjog na kami papunta sa kabilang street. Pagkapunta namin doon ay nagpahinga muna kami. Etong kapatid ko lumalamya, ang lapit-lapit lang ng street kala mo nilakad na niya yung buong mundo sa pagod.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon