26 - Thanksgiving Party

9 0 0
                                    

CAMILLE POV

Nagdeclare ng thanksgiving party si Inno dahil sa pagkapanalo ko. Kahit pala pinahiya ko siya aba nagdeklara pa ng party. Tutal half day lang ang pasok namin kaya pumunta na ako.

Sinubukan kong lapitan si Inno habang kasama ko siya uuwi dahil magkalapit lang naman kami ng bahay.

Pagkalapit ko sa kanya ay tinignan niya lang ako ng malamig. Gosh kinikilabutan ako dito sa taong to.

"Inno, sorry sa inasal ko kanina." Sincere kong sabi sabay ngiti sa kanya.

Kahit naman na classmate ko lang siya ayoko ng uuwi akong masama ang loob.

Tinignan niya ulit ako at ngumiti siya.

"Sa tingin mo ba galit ako?" Tapos ngumisi siya. Ang lakas ng topak niya.

"Baliw, hinayaan lang kitang lambingin ako. Alam ko namang lalambingin mo ko eh." Tumawa siya. Hinampas ko naman siya sa likod dahilan para umaray siya.

"Ang sakit nun ha." Sabi niya.

At tuluyan kaming napatahimik hanggang sa makauwi na ko sa bahay.

"See 'ya on the party." Sabi ni Inno sabay kaway sakin para magpaalam.

Pumasok na ko sa loob at umakyat na sa taas. 3pm pa naman at 6pm pa ang party, so makakapagreview pa ko at makakapagpahinga.

Chinarge ko muna ang phone ko at nagsimula nang magreview. Ang saya ko today dahil sa napasok ako sa cluster competition at naungasan ko si Irish.

Pagkatapos kong magreview ay napahiga ako. Pinikit ko ang aking mga mata at tuluyang nakatulog.

Sakto rin ang gising ko dahil 5pm na. Bumangon na ko at nagayos na ng sarili ko. Nakauwi na rin si Roldan galing ng school at ngayon ay natutulog pa siya.

Sinuot ko ang best outfit for me. Simpleng white printed t-shirt tsaka fitted dark blue maong pants tapos tinernuhan ko na lang ng black plain cap at black & white shoes.

Tumingin ulit ako sa salamin. Okay and ready na ko sa party.

Bumaba na ako at lumabas na. Itetext ko na lang si Roldan na pupunta ako ng party.

Mahaba-habang oras din ang nilakad ko at ilang saglit ay nakarating na ko sa bahay ni Inno.

Nagdoorbell naman ako sa kanya at lumabas siya ng pinto.

"Himalang hindi ka late." Sabi niya at ngumisi siya.

"Okay ka na? Pwede na kong pumasok sa loob?" Pagtataray ko.

"Okay. Come inside." Sabi niya at hinayaan lang akong makapasok.

Pagkapasok ko sa gate ay naamoy ko na ang alak.

Umiinom naman ako siyempre. Alam na ni mama na alcohol drinker na ko, pero ayaw akong payagan ni Roldan na uminom. Baka daw kasi magahasa lang daw ako sa daan.

"Pasok ka na. Alam ko namang mahilig ka sa alak." Aba paano nalaman netong unggoy na to na mahilig ako sa alak?

Noon pa man, kapag may naiiwang alak o natitirang alak sa mesa ay tinutungga ko. Lalong-lalo na si daddy na laging may tirang alak sa mesa. Ang ending parehas kaming lasing at may hangover.

"Ha? Eh-" Saglit akong napatigil dahil sa mga nakikita ko pagkapasok ko sa loob.

"Ano? Maraming brandy dyan. Kumuha ka lang." Sabi niya at umalis na siya para magasikaso ng iba pa niyang bisita.

Nagdadalawang-isip ako kung kukuha ako ng brandy sa bucket. Nakakatakam sa bibig eh.

Lumayo muna ako sa lalagyan ng alak at pumunta muna ako sa pool nila.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon