23 - Whistle

7 0 0
                                    

CAMILLE POV

"Frenny, gala tayo."

Umagang-umaga tong frenny ko gala agad nasa utak. Sabagay kasi taong gala tong halimaw na to pero pasok sa honors.

Tinext-back ko naman siya at baka magtampo yun dahil di ko siya nireplyan.

3am pa pala, need ko pang matulog. Ayaw kong pumasok na lutang mahirap na baka kung ano-ano lang isagot ko sa quiz.

Lagi na lang akong nagigising ng maaga dahil sa walang kakwenta-kwentang dahilan. Yun tuloy kahit malamig ang panahon mainit ulo ko.

"Ahhhrg." Inis kong sabi dahilan para magliparan yung mga unan ko at tsaka padabog akong humiga.

Dahil sa mga to lumalapad tong eyebags ko. Pag ako nagkapimples tignan niyo. Hindi ko na kayo kilala.

Tumunog bigla yung phone ko, isa pang message neto ni frenny siya na pagbubuntungan ko ng galit.

Pagkabukas ko ay isang unknown number ang nakita ko.

From: 09***603***
-Magkita tayo sa may tapat ng school mo. 7:30am sharp.

Kinilabutan ako sa nabasa kong message. Nag-alangan tuloy akong magreply.

[Sino ka po? Anong kailangan mo sakin?]

At doon hindi na siya nagreply. Tinulog ko na lang imbis na isipin pa.

Nakatulog ako at nagising din ng 6am. Sobrang sakit ng ulo ko, paudlot-udlot kasi tulog ko e.

Tinignan ko ang phone ko kung nagreply na siya. At doon, hindi na siya nagreply pa. Naging misteryoso siya sakin dahil sa unknown number. Hindi naman ganyan magtext yung frennies ko.

Hindi na ko naghintay at naligo't nagbihis na ako. Nag-iwan rin ako ng note sa ref para kay Roldan. Kawawang nilalang, iniwan ng ate.

Natatakot ako at the same time gusto ko malaman kung sino yung taong yun.

Pagkadikit ko ng note sa ref ay umalis na ako. Masyado pang maaga para magmadali, kahit sa isang saglit lang, magliliwaliw muna ako sa mga bahay-bahay at magmuni-muni sa mga kalapating sabay-sabay lumilipad.

Pagkadating ko sa daanan ng jeep ay nagpatuloy akong naglakad. Binagalan ko lang ang lakad ko at pinapansin ang mga late comers na nagmamadaling makasakay sa jeep hindi lang mahuli sa trabaho nila. Nakikita ko yung sarili ko sa kanila.

Hindi ako dumiretso sa school, pero dumaan muna ako sa isang convenience store malapit sa school para bumili ng bottled coffee at magpalamig.

6:30am pa lang. Sinalpak ko muna yung earphones ko at nakinig muna ng music. Mga isang oras ako dito bago ako umalis.

Kumuha na rin ako ng breakfast meal at doon na rin nagalmusal. Hindi na kasi ako nagalmusal sa bahay dahil sa nawalan ako ng gana sa text message.

Pagkatapos kong maghintay ay umalis na rin ako at dumiretso na sa school. Naghintay ako kung saan kami magkikita ng mysterious person. Gosh prince charming ko ba siya? Napakamysterious niya, sana gwapo para worth it yung paghihintay ko.

Dumating ako sa tapat ng 7:30am sharp. Pero wala pa yata yung taong hinihintay ko. Kala ko ba sharp? Gosh malalate ako sa taong to.

"Eto yata siya." Napalingon ako kung sino yung nagsasalita. Pagkalingon ko ay tumingin sila sakin.

Dalawang tao na malalaki ang katawan at yung tipong katulong or gun for hire person yung mukha. Nakaramdam tuloy ako ng takot.

Lumapit yung isang maskuladong lalaki na nakasuot ng black sando, nakabrush-up yung buhok at may bigoteng makapal. Paquito Diaz lang ang peg.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon