35 - Charles?

11 0 0
                                    

ROLDAN POV (CHARLES' BODY)

Hindi ko na kaya pa ang liwanag sa mga mata ko at nakabalik na ako sa malay.

Nagising ako sa isang kwarto kasama ang isang babaeng hindi ko kilala. Nakakapagtaka lang at ni-isa sa mga nasa loob ng ICU ay hindi ko kilala.

"Anak, salamat at gising ka. Tawagin mo yung nurse, sabihin mo na gising na si Charles." Masayang sabi ng babaeng nasa edad 40+.

Tsaka tinawag akong anak? No way, hindi niya kamukha si mama. Tsaka sabi niya Charles? Teka hindi Charles ang pangalan ko.

"Hindi po ako si-" Napatigil ako nang marealized ko na ang mga nangyayari.

Nasa katawan ako ni Charles. Ako ang natamaan at napuruhan ng sumpa, kaya't ako ang nagpalit ng kaluluwa. Kailangan ko nang hanapin ang katawan ko at kailangan kong alamin kung sino ang nagkokontrol sa kaluluwa ko.

"Charles? Ayos ka lang ba?" Tanong muli ng babae dahilan para matauhan ako.

Kailangan kong maging normal sa kanila para hindi ako pagdudahan.

"O-opo." Yan na lang ang nasabi ko sabay pikit ng mata.

Sana pagdilat ulit ng mga mata ko bumalik na ang lahat sa dati, pero walang nangyari. Narito pa rin ako sa katawan ni 'Charles' at hindi ko siya kilala kung sino siya.

Napasugod ang nurse sa ICU at sinabi na lumabas muna ang lahat. Naiwan naman kami ng nurse na chinecheck-up ang bp at pulse rate ko.

"Ano pakiramdam mo?" Tanong ng nurse.

"Maayos po." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik.

Pagkatapos niyang magsulat sa kanyang log book ay umalis na siya at nakipagusap sa babae. Malamang nanay to ni Charles.

Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik na sila sa loob ng ICU na sobrang saya.

"Salamat sa diyos at ligtas ka. Akala ko pa naman eh hindi ka magigising." Pag-aalalang sabi ng babae.

"Ah, hehe. Ayos lang po ako. Salamat po." Pagkatapos kong sabihin iyon ay muli akong pumikit. Nakaramdam ako ng matinding pagod. Pagkagising ko ay isang nurse ulit ang nakita ko.

"Kamusta ka na?" Bati ng nurse sakin.

"Maayos lang po ako, salamat po." Sagot ko at pagkatapos akong icheck-up ay umalis agad yung nurse.

This time naiwan lang akong mag-isa sa loob ng kwarto, madilim ang paligid at tanging ilaw sa itaas ko lang ang nagbibigay-liwanag sa paligid. Napatingin ako sa digital clock.

10pm na pala.

Sandali akong pumikit para matulog, at nakatulog nga ako.

Pagkaraan ng ilang araw ay fully recovered na ako, at kailangan lang ng mga ilang tests at pwede na kong umalis. Pero kailangan ko munang tignan sila ate, si Inno tsaka si Yuna.

Nang sinabi ng doktor na pwede na kong lumabas ay inalalayan ako ng babae maglakad palabas. Humiling naman ako sa kanya.

"Ahm, kung pupwede po sana tignan ko lang po sila Yuna, Camille at si..." Napatigil ako nang bigla siyang nagsalita.

"Matagal na silang nakauwi." Sagot niya at napatulala ako.

Ibig sabihin ako ang huling nakarecover sa kanila? Grabe.

"Sumakay ka na sa kotse, naghihintay si Yuna." Sabi ng babae dahilan para mapaisip ako.

Si Yuna hihintayin ako? Kahit kailan ang sweet niya talaga sakin.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon