14 - Welcome Back, Enemy?

12 0 0
                                    

CAMILLE POV

Nakakatuwa lang isipin na nandito ulit si Cheska. Akala ko ba hindi na siya muling babalik dito sa pinas? Sana makalimutan na niya yung mga nangyari. Dahil kapag naulit at nabuhay yun, hinding hindi ko na siya mapapatawad.

Pumasok na ko sa loob ng bahay dala-dala ang malalim na kaisipan sa muling pagbabalik ni Cheska. Hindi ko na nagugustuhan ang mga mangyayari kung magkakasagupaan ulit kami ni Cheska.

"Hay nako Cheska." Sabay kong sinabi habang huminga ako ng malalim.

Nakaramdam ako ng poot. Dahil halos magkatapat lang ang bahay namin ni Cheska at makikita ko na naman siya dito araw-araw. Hindi na bale, hindi ko na lang siya papansinin, unless may ginawa siyang kabulastugan na madadamay pati pamilya ko.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang sasakyan nila Cheska. Pagkalabas ni Cheska ay tumingin siya sa bintana kung saan ako dumungaw. At sa muling pagtama ng mga mata namin ay may binitawan akong mga salita.

"Welcome back, enemy." Mahina kong sabi at bumalik na ko sa higaan ko. Nakaramdam ako ng antok at dahil doon ay nakatulog ako agad.

------------------
Flashback

"Maligayang araw sayo, Camille." Sabi ni Cheska habang nakatali ako sa upuan at nakaduct tape ang bibig ko.

Nakaramdam ako ng pilipit dahil sa pagkakahigpit ng tali sakin.

"Enough. Let's just wait for James to save you." Sabi niya.

"While he's not here yet, let's start the show!" Sabi niya.

Lumapit ang isang lalaki para sampalin ako at sa sobrang lakas ng sampal ay nawalan ako ng malay.

Pagkabalik ng malay ko ay nakita ko ring nakagapos si Cheska. May duct tape din to at pinagsasampal din ng mga lalaki.

"Tama na yan." Boses iyon ng isang lalaking kilala ko.

Pagkalabas niya ay nanlaki ang mga mata ko. Bakit nandito siya? Hindi ko matatanggap na kasabwat siya rito.

"Sir Frederick. Anong gagawin natin dito sa dalawang to?" Tanong ng isa niyang kasamahan.

"Pagdikitin mo sila, at bahala na si James na pumili sa kanilang dalawa." Sabi ni Sir.

Gugustuhin ko mang magsalita ay hindi ako makapagsalita dahil sa duct tape sa bibig ko. Namumula na ko dahil sa mga susunod na mangyayari, may dadanak na ng dugo.

Maya-maya ay dumating na si James. Si James at si James lang.

"Sir Frederick?" Pagtataka niya na may halong gulat.

"Welcome, hijo." Bungad ni Sir.

Hindi ko matatanggap na magkasabwat sila ni Sir at ni Cheska. Pinagkatiwala ko si Sir pero eto napala ko.

"James, you have 30 minutes left." Sabi ni Sir at napatigil siya. Bumunot siya ng baril at binigay kay James.

"Isa lang ang bala niyan. Kailangan mong pumili kung sino ang ililigtas mo, at sino ang papatayin mo." Patuloy na pagsalita ni Sir.

"Sir, bakit ka nandito? Isa ka rin ba sa nabilog ni Cheska?" Galit na sabi ni James.

"Hijo, 29 minutes left." Sabi niya at umalis na siya. Natigilan si James sa bilin ni Sir.

Umiiyak na si Cheska at ako naman ay napapikit na lang ng mata dahil hindi naman ako ililigtas ni James.

"Ngayon matitignan natin kung gaano katimbang ang pag-ibig niya. Kay Cheska ba, o kay Camille?" At tumawa ang mga lalaki sabay lakad palayo samin.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon