27 - Friend in Need

7 0 0
                                    

CAMILLE POV

Ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Tsaka ang comfy ng higaan ko. Teka nasaan na ba ko?

Iminulat ko ang mga mata ko at nandito pala ako sa sala ng bahay namin. Sinubukan kong bumangon pero sobrang sakit ng ulo ko.

"Anak, eto kape." Bungad sakin ni mama habang inaabot sakin ang isang basong kape.

Napalingon ako sa paligid ng sala. Nandito rin pala si Martha natutulog pa.

"Siyanga pala anak, si Martha ang nagdala sayo dito. Hindi mo na raw kayang maglakad at nakatulog ka na raw sa hardin." Sabi ni mama habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Martha.

"Pinapahinga ko muna siya rito dahil malakas ang ulan kagabi. Basang-basa ka na nga raw ng ulan eh, hindi ka pa raw nagigising." Sabi ni mama sabay ngisi sakin.

"Sorry mama, naparami lang ng inom ko." Mahina kong sabi dahil natutulog pa si Martha at maaga pa.

"Sige anak, matulog na ko. Ilagay mo na lang yung baso sa lababo." Sabi niya sabay akyat na sa taas.

Naiwan ako dito na nakaupo habang hinihigop ang mainit na kape. Wala akong matandaang ginawa ko o nangyari sakin, maliban lang nung naghalikan kami ni Inno tatlong beses kagabi.

Ang sneaky ng hayup na yun, bastos. Ramdam ko pa rin ang bawat dampi ng halik niya sakin. Totoong nakaramdam ako ng kilig pero mas nangingibabaw ang pagkagulat ko dahilan para sampalin ko siya dalawang beses kabilaan.

Dahan-dahan akong tumayo at binuksan ang pinto. Umuulan pa pala ng malakas.

Kasabay ng malakas na ulan ay ang malakas ring hangin na dumadampi sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Habang hawak-hawak ko ang baso ay tumitingala ako sa langit habang sinasalo ng mukha ko ang bawat patak ng ulan.

"Ang sarap sa pakiramdam." Mahina kong sabi at tsaka pumasok na sa loob para magcellphone.

Dahil sa kape kahit 3am pa lang ganadong-ganado na ko. Ang hyper ko na.

Nilapag ko muna ang kape ko at umakyat ako sa taas para kunin ang diary ko. Hindi ako makakapagreview, at tsaka, wala kaming pasok today maliban sa mga kasali ng ibang competition dahil competition month lang ngayon.

Sila Roldan may pasok dahil may hinahabol silang mga lessons bago magexam. Go lang kapatid.

Pagkababa ko dala ng makapal kong diary ay nakita ko si Martha na gising na.

"Martha? Gising ka na pala." Sabi ko dahilan para ngumiti siya.

"Sorry pala dahil akala ko umiiyak ka pa yun pala tulog ka na naabutan ka tuloy ng ulan." Sabi niya.

Teka umiiyak ako? Hindi pwedeng naisabi ko sa kanya yung tungkol kay James. Omygosh.

"Don't worry, ako dapat magpapasalamat sayo. Dahil kundi dahil sayo, baka may sakit na ako ngayon." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Ayos lang iyon." Sagot niya.

"Ipagtitimpla kita ng kape, saglit lang ha." Hindi na tumutol si Martha at hinayaan niya lang akong magtimpla.

Habang nagtitimpla ako ng kape ay isang malamig na hangin ang dumadampi sa balat ko. Ang gaan sa pakiramdam.

Pagkabalik ko ay binigay ko kay Martha ang kape at nagsimula kaming magkwentuhan.

"Oo nga pala, nakita kita sa may hardin sa main door. Bakit ka pala nandoon? Bakit ayaw mo palang pumasok sa loob?" Tanong ko sa kanya. Yun lang kasi ang naalala ko sa kanya kaya natatandaan ko pa ang pangalan niya.

Swapped SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon