Chapter 2: Consequence

72.4K 1.1K 76
                                    

Beep Beep…. Busina ng isang itim na kotse na nagpark sa labas ng gate namin.

Heto na ang mga asungot kong kaibigan na maniningil ng isang milyong piso. Saan naman ako kukuha nun? As if maibibigay ko sa kanila ang ganung kalaking halaga ura-urada.

“Sige Brad ayusin ko muna ang mga gamit ko,” ngiting sabi ni Jace. Ginantihan ko na lang sya ng ngiti bilang tugon.

“Yeah Bro. We know na excited ka nang makita kami,” paasar na bati ni Joaquin.”

“Naka-ready na ba ang one million pesosesoses?,” ani Franz na kinukumpas ang mga daliri.

“Anong ibibigay ko sa inyo? Wala akong ganun kalaking pera!” alangan kong sabi.

“Aba’y hindi naman tama yan! Nung nanalo ka sa pustahan natin dati, binigay namin ang kotse namin na walang kahirap hirap. Tapos ngayon kami naman ang nanalo, wala kang ibibigay sa ‘min? That’s unfair bro!” disappointed na tugon ni Joaquin na dinugtungan naman ni Franz. “Tama! Wala kang isang salita Mick. This is unacceptable!”

Ewan ko ba sa dalawang mokong na ‘to bakit pinagkakaisahan ako. Tuwing may pustahan laging magkakampi. Siguro planado na nila ang lahat bago ko pa man sabihin ang pusta ko.

“Titingnan ko kung may pera ako,” sabi ko as if meron naman akong mailalabas. “Alex, bumili ka nga ng softdrinks sa tindahan. Papakainin ko lang ang mga bwisita ko.

“Sige,” tugon ng aking pamangkin at agad na tumungo sa tindahan.

“ Kumain na ba kayo?”

“Hindi pa! Gutom na gutom na nga kami e. May kanin ba kayo dyan at konting ulam?” tanong ni Joaquin.

“Meron sa loob. Kumain muna kayo dito halikayo,” alok ko.

“Aba mukhang ambait mo ngayon Pare ha. Di ko inexpect na magiging ganito ang treatment mo sa ‘min,” ngiting banggit ni Joaquin.

“E mga kaibigan ko kayo. Kayo ang pinaka da best kong kaibigan. For richer or for poorer, for better or for worse, kulang nalang ‘till death do us part,” sarkastikong sabi ko.

Mga gunggong talaga ang mga ito. Sa totoo lang, naiinis ako sa kanila. Akala ko simpleng pustahan lang yung ginawa namin na parang wala lang pero totohanan pala. Yung kotse kong napanalunan sa kanila is kahit papano’y may sense ang pagkakapusta dahil adik kami sa basketball, kaya napagpustahan na namin ang kuponang mananalo  sa finals.

Pinaupo ko sila sa lamesa at sinandukan ng pagkain. Boom! Andyan pa yung adobong ginapangan ng ipis kagabe. Sige kainin nyo lang mga bwisit kayo hehe!

“Ang sarap. Ikaw ba nagluto nito Mick?” tanong ni Franz.

“Pamangkin ko.”

“Ang galing naman magluto ng pamangkin mo. Maganda na, masarap pa magluto,” banggit ni Joaquin.

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon