A/N
Hello, pavote naman or comment. I loved reading your comments. thanks.
*******************************************
We just noticed na wala pa sa amin ni Jace ang sumasagot kaya umakto na lamang akong walang alam sa chikinining sinasabi nila.
“Ano bang sinasabi mo diyang chikinini Alex ha?” alangang tanong ko sabay subo sa kinakain.
“Kitang kita ang ebidensiya o? Kiss mark ‘yan,” pagpupumilit ni Alex.
“Ano namang masama Alex? Diba sila na?” sabat ni Joaquin.
Bigla ring sumabat si Lucio na nuo’y nakakunot ang nuo. “Anong sinasabi niyong sila na?”
“Hindi niyo ba alam Mang Lucio? Sila na!” paulit muling sabi ni Joaquin.
Pansin kong hindi naituloy ni Lucio ang pagsubo niya sa kinakain na akala mo’y nadatnan ng rayuma sa kanyang likuran. “A-aray ko, mukhang aatakihin ata ako sa puso ah?”
Na-trap naman kami ni Jace sa sitwasyong iyon. Hindi namin alam kung kanino kami unang magpapaliwanag.
“Naku Lucio ‘wag kayong magpapaniwala sa gunggong na ‘yan. Ginu-goodtime lang niya kayo kase mawawalan siya ng parte sa kayamanan kung patuloy pa niya ang pambuburaot sa ‘min. ‘Diba Joaquin?” tinitigan ko siya ng masama pati ni Jace na may sarkastikong pagngiti. Mabuti na lang at ne-gets niya agad ang gestures namin.
“Kayo naman hindi na mabiro?” alangang sabi ni Joaquin.
“Akala ko???” wika ni Lucio. “Nakita ko sila sa labas kagabi nag-uusap. Malamok sa may bandang gilid ng sementeryo kaya malamang kagat ‘yan ng lamok na kinamot nila.”
Medyo nakahinga kami ng maluwag ni Jace sa sinabi niyang unexpected palusot. “Ah Oo nga. Kagabi pa ‘ko nangangati lalo na sa dito sa parte leeg,” palusot na sabi ni Jace na aktong kinakamot ang leeg. Gumaya na rin ako sa kanya.
“Ako rin, kamot ng kamot. Baka Ma-Dengue kami nito,” rasong sabi ko.
“Wag kayong mag-alala, walang Dengue ang mga lamok dito,” pangiting sabi ni Lucio.
Whewwww. Nakalusot din sa wakas!
********************
Matapos mag-almusal ay kanya-kanya kami ng gagawin na tila hinihintay na lamang ang pagsapit ulit ng hating gabi. Pansin ko pa rin ang paninilaw ni Lucio at ang pagtago niya sa sakit na nararamdamn dahil umaakto siyang masaya.
“Jace may pupuntahan tayo. Hindi ka ba busy ngayon?” masayang sabi ni Lucio sa anak.
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]
HumorHow to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a straight guy in his fulfillment of a punishment led by his friends. Magawa nya kayang maseduce at m...