Chapter 37: Drowning

35.3K 883 102
                                    

Please proceed with the next chapter. Edited version siya ng chapter na 'to dahil may nagreport po ng story.... 

The moment you have in your heart this extraordinary thing called love and feel the depth, the delight, the ecstasy of it, you will discover that for you the world is transformed.

-Jiddu Krishnamurti

 PG-13 some words are not appropriate for ages twelve and below

Alas Dos na nang madaling araw ay hindi pa rin ako makatulog ng maayos habang tulog mantika na ang lalaking katabi ko ngayon. Iginilid ko ang aking ulo upang makita siyang mahimbing na natutulog, at hindi ko talaga mapigilang mapangiti habang pinapanuod siya. Napagod kami sa kauna-unahan naming literal na…. ehem… pagtatalik? Pwede ko bang sabihing nagtalik kami kahit 90 percent ng ginawa namin ay only French Kissing?

Kamuntikan pa kaming mag-away dahil hindi kami magkasundo sa gustong mangyari ng isa’t isa. Pareho rin naming gustong maging “Top” na nagdulot sa amin ng maliit na pagtatalo. Ayaw kong magpa-bottom sa kanya dahil hindi ako sanay, sapat nang ginagawa namin ang natural na bugso ng katawan pero hindi pa ako open iexplore ang bagay na hirap akong gawin. Maging siya’y tumangging magpa-bottom kaya ang nangyari’y puros halikan lang ang ginawa namin magdamag. Hindi pa tanggap ng sistema namin ang lalaki sa lalaking pagtatalik na tipong all the way kaya’t nangangapa pa kami sa tila napakadilim na lugar. Pataasan ng Pride kumbaga. Pero kahit na ganun, nasarapan naman akong idikit ang katawan ko sa mapusok niyang katawan. Yung urge na halos sumilab sa kaibuturan ng puso ko dahil uhaw na uhaw ako sa mga halik at paglakad ng kamay niya sa iba’t ibang parte ng aking katawan. Kakaibang kiliti na nuon ko lang naranasan nang makipagtalik sa kapwa ko lalaki.

Habang tinititigan ko si Jace ay bigla naman niyang iminulat ang kanyang mata. Nasorpresa ako na para bang pinepeke lang niya ang kanyang pagtulog.

“Matulog ka na….” bilin niya sa ‘kin.

Napangiti muli ako sa sinabi niya. “Hindi ako makatulog”

Bigla siyang lumapit sa ‘kin at niyakap ako habang ang kanyang ulo’y nakatagilid malapit sa aking pisngi. Nararamdaman ko ang paghinga niya mula sa aking leeg, at agad din niyang ipinatong ang kanyang kaliwang binti sa parte ng aking tiyan. Pareho lang kaming naka-underwear nuon at ramdam ko ang init ng kanyang hita sa parte ng pagkalalaki ko.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin na para bang isang alagang pusang sumisiksik sa kanyang amo.

“Tulog ka na ulit Mahal ko….” pangiti kong sabi.

“Anong sinabi mo Mick? Mahal ko?” tila pabulong niyang tanong.

“O-oo…. mahal ko. Bakit ayaw mo?”

“Hehehe…. ‘yan talaga ang gusto kong marinig sayo Mick. Paano na ‘yan? Mahal na rin ang tatawagin ko sayo Pre?”

“Tayo nanaman so,  okay lang…”

Idinilat niya nang bahagya ang kanyang mga mata upang magsilbing kumpirmasyon sa sinabi ko.

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon